CHAPTER 53: BEACH

50 7 0
                                    

LUNA

Kinabukasan, hindi sumama sa'min si Dad dahil may tumawag sa kaniya sa phone at agad siyang umalis ng bahay.

He told me it was important, but was is that really important, to bail out the family outing?

Umiling-iling na lamang ako at tumingin ako sa bintana habang nakasadal ang ulo ko sa balikat ni Amethyst.

Kasama namin ngayon sina Jazz, at Sol. Mahimbing ang tulog nila sa likuran dahil sobrang aga namin sila sinundo.

Si tita Jade ang nagmamaneho ngayon sa van dahil hindi sumama sa'min si Dad. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at na idlip muna dahil malayo-layo ang Beach na pupuntahin namin.

Nang makaramdam ako ng tapik sa aking balikat, inimulat ko ang mga mata ko at nasa parking lot na kami.

Bumaba na ako sa van habang sina Sol at Jazz naman ang mga nagbubuhat sa mga gamit namin. Pagpasok namin sa isang gate, bumungad sa'min ang isang malaking signage

Welcome to Bataan White Coral Beach Resort

Habang papasok kami, bumungad samin ang isang malaking transcient house na kulay puti at sa harapan nito ay isang malaking swimming pool. Sa likuran naman nito ang malaking karagatan at ang napakalawak na kulay puting buhangin.

Pumunta kami sa Front Desk at ibinigay na samin ang susi para sa aming kwarto. Nagtungo na kami sa aming room at sakto lang ang laki nito para sa aming lima. Mayroon itong dalawang bunk beads. Parang may matutulog ngayon sa sahig ah.

Nagkatingin sila Sol at Jazz habang inilapag ang mga bagahe namin. "Gusto mo matulog sa sahig pre?" tanong ni Jazz kay Sol.

"Ayoko nga, baka sumupong ang mga lamig-lamig ko," sagot naman ni Sol.

"Mga iho, pag pasensiyahan n'yo na ito lang ang na rent kong kwarto, wala na kasing ibang availble," sagot ni tita Jade.

"Ayos lang po 'yon." tugon ni Sol. "Oh ano Jazz, tabi na lang tayo matulog?" suhestiyon niya.

Pumayag na rin si Jazz baka siya pa ang patulugin sa sahig. Iginala ko ang mga mata ko sa kwarto, presko itong tignan dahil mayroon itong malalaking bintana, dalawang couch at isang flat screen tv. Pumasok sa isang silid si tita Jade at sa tingin ko ay banyo iyon.

Umakyat ako sa aking bunk bed at ibinaba ko na ang dala kong bag. Lumabas sa banyo si tita Jade. "Kung gusto n'yo mag pahinga, matulog muna kayo, tutal maaga pa naman."

Tinignan ko ang kulay rose gold na wrist watch at 8:00 am pa lamang. Muli ko ipinikit ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo ko.

Bigla ako nagising dahil parang umaalog ang bunk bed ko. Omg! sana wala namang lindol ba. Pagkababa ko sa bunk bed ko, nasa ibaba nito ay sina Sol at Jazz na naglalaro ng Mobile Legends.

Napapatalon sila habang naglalaro. Umiling-iling na lamang ako at kinuha ko ang maleta ko.

Nakita ko si Amethyst na nagpalit na ng damit at naka high waisted shorts at bikini top. Napatingin si Jazz sa direksyon ni Amethyst at nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Jusmiyo marimar! Ano 'yang suot mo?!" Tumayo si Jazz at inihubad niya ang suot niyang T-shirt at sinuot kay Amethyst ang kaniyang damit.

Napakamot na lamang sa batok si Amethyst habang si Jazz naman ay tuwang-tuwa naman sa kaniyang ginagawa. "Yan!" sabi ni Jazz.

Tumingin sa salamin si Amethyst at pinagmasdan ang kaniyang sarili. "Ang baduy naman eh!" reklamo ni Amethyst.

"Mag suot na lang ako ng Kimono, para matakpan. Ano ayos kana d'on?" tanong ni Amethyst. Bago pa man makasagot si Jazz, kinuha na ni Amethyst ang isang kimono sa bag ng nanay niya at agad pumasok sa banyo.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now