CHAPTER 10: SURPRISED

164 71 5
                                    

L U N A

Nagulat at nanlaki ang aking mga mata noong biglang bumukas ang gate. Dumating na si Daddy at nakita niya akong mayroong kayakap na lalaki. Bigla akong napabangon at pilit na ginising si Sol.

"Sino ka?! Umalis ka rito sa pamamahay ko! Iwan mo ang anak ko!" Galit na sigaw ni Daddy Jorden habang namumula ang mukha. Mabilis siyang lumapit kay Sol na may dala-dalang isang makapal na kahoy. Itinaas naman ni Sol ang kanyang dalawang kamay.

"Sir, teka lang po! Huminahon muna po kayo," natatarantang sagot ni Sol kay Daddy. Hinakawan ni Daddy si Sol sa kanyang kwelyo. Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil baka ano pa ang mangyari.

"Sandali lang!" Sigaw ko sa dalawa.

Napatigil ang alitan ng dalawa at binitawan na ni Dad si Sol.

"Let me explain Da–"

"Young man, umalis ka na sa pamamahay ko. Ngayon na," mahinahon na tugon ni Daddy kay Sol. Tumango na lamang si Sol at umalis na sa garden.

Nang makaalis si Sol, doon na ako kinausap ni Daddy. "Explain yourself, young lady. Hindi ako galit sa 'yo, I was just worried." Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

"Dad, siya si Sol Trinidad. He is my new classmate. What you saw earlier was nothing."

"Trinidad?" biglang tanong ni Dad.

"Bakit Dad? Kilala mo ba ang mga Trinidad?"

"Nope. Pasok ka na sa loob. It's late. Go get some sleep."

"Sige po. Good night na po."

"Good night kiddo! Daddy loves you."

"I love you too, Dad."

Umakyat na ako papunta sa aking kwarto. Tumalon ako sa aking kama at akmang matutulog na nang marinig kong tumunog ang aking phone. Kinuha ko muna ito saglit at nakitang mayroong nag-message.

Sol: Hi, thank you sa hug kanina.

1:00 am

Luna: Paano mo nalaman number ko?

Beep!

Sol: I got it from a friend :D

Si Amethsyt siguro nagbigay ng number ko. WAHHH! Siya lang naman nakaka-alam eh. Napa-facepalm na lang ako sa ginawa ng napaka-supportive kong kaibigan. Tumunog ulit ang phone ko, nagmessage muli si Sol.

Sol: Hehehe.

Luna: Pasensiya ka na sa ginawa ni Daddy.

Sol: Ayos lang 'yon, ikaw kumusta?

Luna: Ikaw na nga 'tong muntikang mapalo ng makapal na kahoy, ako pa talaga kinukumusta mo ha?

1:05 am

Nararamdaman kong mainit pa rin ang mga pisngi ko. Kahit madilim na sa kwarto ko, alam kong namumula ang mga ito.

Sol: Makapal 'tong pagmumukha ko! Walang epekto 'yon kahit mapalo ako.

Luna: Alam mo, matulog ka na. Mukha kang kulang sa tulog.

Sol: Opo. Good night, Luna.

Luna: Good night Sol.

1:07 am

Nakangiting ipinikit ang aking mga mata at mahimbing nang nakatulog.

E L I J A H

Nagising ako nang marinig kong bumukas ang gate namin. Dumungaw ako sa bintana at nakitang kauuwi lang ni Sol. Kumatok siya at pinagbuksan ko naman ng pintuan.

"P're, buti umuwi kapa?" tanong ko sa kanya.

"Grabe, dude! Hindi ka makapaniniwala sa nangyari," nakangiting tugon niya.

"Let me guess, nakasama mo si Luna?"

"Kilalang-kilala mo talaga ako," natatawang sagot nito. Binuksan ko ang ilaw at umupo kami sa sofa.

"Alam mo du–" hindi natapos si Sol sa sinasabi niya dahil ubo siya nang ubo. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang batok niya. May lagnat ang Makulit na bata.

"Sol, matulog ka na at magpahinga. Nilalagnat ka." Babatukan ko sana kaso naalala kong may sakit siya.

"Marami pa akong gustong ikwento. Pinapatulog mo na ako?"

"Tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin. Mukha ka bang ayos sa lagay na 'yan? At saka paano tayo mag-peperform bukas kung may sakit ka? Postpone na lang muna siguro natin." Pag-aalala ko sa kanya.

Sol snapped his fingers at tila nagliwanag ang kanyang mukha. Ramdam kong may plano na naman ang batang 'to. "Ah! Alam ko na! Alam kong magaling kumanta si Luna."

"Saan mo naman napulot 'yan?"

"Kay Amethyst," sagot nito habang nakangiti.

"Ang lupet mo naman, Sol. Kanina mo pa lang nakilala 'yong tao, tapos ka-close mo na?" tanong ko sa kaniya na may halong pagkamangha.

"Alam mo, Elijah. Tayong mga lalaki ay parang BDO lang."

"At bakit? Nahihibang ka na naman."

"We find ways," nakangising sagot niya.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Sol? Pumunta ka kina Luna kanina kasi may research kayo 'di ba? Bukas na title defense ninyo. Postpone na lang natin 'yong gig natin".

"Si Stella, leader namin siya sa research at ramdam kong may gusto siya sa akin. Pagtatakpan niya naman siguro kaming dalawa kung pakiki-usapan ko siya," mahinang sagot ni Sol. "And besides, baka ito na ang big break natin," Dagdag pa niya.

Umiling-iling na lang ako at binatuhan siya ng unan.

"Matulog ka na. Pag-isipin ko muna 'yang plano mo," tugon ko. Kumuha ako ng gamot at baso ng tubig. Iniabot ko sa kanya ang mga ito para guminhawa naman ang kanyang pakiramdam.

"The best ka talaga Bro," pagpuri niya sa akin bago inumin ang gamot.

"I always got your back bro." Nagfist bump pa kami. Pinatay ko na ang ilaw sa salas at pumunta na ng kwarto para matulog.


Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now