CHAPTER 65: LAST ECLIPSE

174 9 6
                                    

LUNA

Mag-isa ako ngayon nakatayo at hinahanap ko si dad dito sa Japan Airport at kanina ko pa tinatawagan si dad sa phone, ngunit wala akong signal. Huminga na lamang ako ng malalim at umupo sa bakangteng upuan dahil hindi ko pa makita si dad.

Makalipas ang kalahating oras na paghihintay, tumayo na ako at tinulak ko ang mga dala kong mga maleta at agad napangiti nang makita ko si dad, tito Asahi at lolo Joel at kumakaway nang makita ako. Wow complete attendance ang mga boys ko ngayon ha.

Mabilis akong lumapit sa kanila at niyakap ko si dad. Lumaki ang tyan ni dad, halatang palagi ang kain niya simula nang iwan ko siya. Niyakap rin ako ni tito Asahi. "Welcome to Japan, Luna." Ngumiti si tito Asahi at tilang nawala ang kaniyang mga singkit niyang mga mata. 

"Apo, na miss kita. Kumusta kana?" tanong ni lolo Joel nang mayakap ako. Oh I miss being wrapped by his arms. Pinipigil kong tumulo ang mga luha ko dahil matagal rin ako nawalay sa sarili kong pamilya.

Tinulungan na nila ako nina dad at ng tito ko sa mga bagahe ko habang inaalalayan ko si lolo Joel sa kaniyang paglalakad. Nang makalabas na kami ng airport, pumasok na kami sa van ni tito Asahi at umupo ako sa ikalawang upuan.

---

Makalipas ang kalahating oras na biyahe, tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking kulay white and brown na Japanese House. May kalakihan ang bahay at moderno ang disenyo nito. Pagkababa namin ng sasakyan, agad kami sinulubong ni lola Grace, Amethyst, at tita Jade. 

Agad ako niyakap ni lola Grace at hinalikan niya ako sa pisngi. "Apo, matagal na kita na miss. Kilala mo pa ba ako?" 

"Syempre po naman lola, ni-minsan hindi po kita inalis sa puso at isipan ko," sagot ko naman kay lola Grace at ngumiti siya abot hangga tenga. "Tara apo, may papakita ako sa'yo."

"Ma! Mamaya nalang 'yon, baka hindi na ma surprise itong apo mo," sabi ni tita Jade. "Ano Luna, marunong ka na mag drive?"

"Medyo nangangapa pa po ako eh," tugon ko naman. "Sige, turuan kitang magmaneho mamaya," sabi naman ni tita Jade at niyakap niya rin ako. Nang kumalas na ako sa yakap ni tita Jade, agad naman lumapit si Amethyst sa akin at nakipag beso siya sa akin.

"Luna! Akala ko hindi kana pupunta rito," mangiyak-ngiyak na sabi ni Amethyst. "Akala ko kakalimutan mo na ako, hindi kana nag tetext sa akin..."

"Pasensiya na ha, na busy kasi ako-" Agad ako kinurot ni Amethyst sa akin tagiliran at pinunas ang kaniyang luha.

"Mamaya na kayo mag emote, 'yung pagkain baka lumamig na," sabi ni lola Grace at agad na kami pumasok sa bahay namin.

---

Katapos namin kumain lahat, mabilis na tumakbo papunta sa akin sina Twilight at Dawn. Natuwa ako dahil magaling na sila mag bilang at magsulat kahit sa murang edad pa lamang. Kanino pa ba sila magmamana? Eh' di sa akin.

I spent all my afternoon playing and looking out with my beautiful nieces. Nang pumatak na ang gabi, pumasok si lola Grace sa kwarto ko at lumabas kami dalawa sa bahay at dinala niya ako sa garden sa likuran ng bahay.

Kinuha niya ang isang libro at ibinigay niya ito sa akin. "Para saan po ito lola?" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang isang libro na walang title sa harapan.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now