CHAPTER 8: GROUPMATES

197 84 8
                                    

L U N A

"All right! Class, you will be conducting a research and I will group you into three." Nagulat kaming lahat sa sinabi ng guro namin dahil unang araw pa lamang ng klase ay may pinapagawa ng research ang Math Teacher namin.

"Ano ba 'yan?! Trip kong maglaro ng basketball ngayon eh!" Iritadong sigaw ni Jazz.

"Huwag ka ngang magreklamo! Mahalaga nakapag-aaral," bulong ni Amethyst kay Jazz.

"Masakit pa rin sa loob ko. Akalain mo 'yon una−"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Jazz dahil tinakpan ni Amethyst ang bibig niya. Nagtagpo ang kilay ng Math Teacher namin dahil sa pagrereklamo ni Jazz.

"Any problem? Violent reactions?" Tanong ng Math Teacher namin sa kanya.

"None po, Sir." sagot ni Jazz na nakatingin sa sahig.

"Alam mo, ang kulit-kulit mo kasi! Mapapahamak ka pa ng bibig mong pasmado!" Sabay kinurot ni Amethyst si Jazz sa kanyang tagiliran.

"Let us proceed sa groupings ninyo," ma-awtoridad na sabi ng guro namin. Mabilis na pumasok sa sistema ko ang kaba dahil unang araw pa lamang ng klase namin, strikto na agad siya. Ayoko na rito. Help!

"When I call your name, please stand up." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil wala pa akong gaanong karanasan sa paggawa ng research. Sana magagaling ang magiging mga kagrupo ko para everybody happy!

"First group! Sol Trinidad, Luna Mercado, Stella Sy," sabi ng Math Teacher namin. Nagulat ako sa kanyang binanggit na mga pangalan dahil sa dinami-daming tao sa klaseng ito, si Stella pa ang naksama ko. Ayos naman ako kay Sol para mas makilala ko pa siya.

Matapos maanunsyo ang lahat ng grupo, pina-uwi na kami ng aming Math Teacher. Nagpaalam na ako sa mga kaklase kong umuwi.

"Amethyst, mauna na akong uuwi sa 'yo ha? Pupunta sa 'min sina Sol at Stella eh."

"Sige, Luna. Mauna na rin kami ni Jazz." Kumaway siya bago umalis. Habang naglalakad siya palayo, nakita ko si Jazz na inakbayan si Amethyst.

"Bryan, Luke, Uwi na ako ha?"

"Sige, Luna. Ingat ka! Mag-fishball lang muna kami ni Bryan," sabi ni Luke.

"Bye, Luna!" Paalam naman ni Bryan habang inaayos ang kanyang suot na salamin.

***

Kasama ko ngayong naglalakad ang dalawa kong kagrupo sa research.

"Guys, anong pagkain ang mahilig manggulat?" Tanong sa amin ni Stella. Napakunot ang noo ko, nagpapakitang gilas ba 'to kay Sol?

"Guys, pansinan niyo naman ako," pagmamakaawa ni Stella.

"Oh, sige. Ano?" Tanong ko sa kanya, kawawa naman kasi.

"Hulaan niyo muna bago ko sagutin," pakiusap pa niya. Tumingin ako kay Sol at mukhang nag-iisip nang malalim.

"Durian?" sagot ni Sol.

"Hindi!"

"Eh! Anong sagot?".

"Edi, Soup-rice!" Tawang-tawa si Stella sa sarili niyang joke habang hawak-hawak pa ang tyan. Tumingin ako kay Sol na bahagyang ngumiti. Napaka-corny naman ng babaeng 'to. Pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

"Ako naman, guys. May tanong ako sa inyo," sabi ko sa kanila at sabay-sabay silang lumingon sa akin.

"Bakit umiiyak ang orange juice?"

Ngumiti si Sol. "Bakit, Luna?"

"Kasi sina-PACK siya!" Na-realize ko na ang corny kaya nahiya ako pero tumawa naman nang malakas si Sol.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now