CHAPTER 13: BEATEN

131 56 0
                                    

L U N A

Nanlambot ang mga tuhod ko noong pababa na kami sa stage. Nasilayan kong magkasama si Daddy at Amethyst. Dumiretso kami sa backstage at hindi pa rin tapos mag diwang ang tatlo.

"Congrats sa atin guys! We did a great job back there," masiglang sabi ni Elijah.

"Yes! Thanks to Luna, our performance was outstanding not unlike kapag si Sol ang kumakanta," komento ni Marcus.

"Ang galing ko kayang kumanta!" depensa naman ni Sol.

Masaya ako para sa kanila. I felt that somehow, mahalaga ako para sa kanila.

Napalingon si Sol sa akin at nilapitan ako, "Luna? Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin na mayroong pag-aalala.

Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang paparating na si Daddy dito sa backstage kasama sina Amethyst at si Stella.

"Walang hiya ka!" Sigaw ni Daddy kay Sol habang nilalapitan niya ito.

Nagulat kaming lahat nang sinuntok ni Daddy si Sol. Napaupo ito sa sahig at napaungol. "S-sandali lang po! Wala po akong ginagawang mali!" Sambit niya habang ginagamit ang kanyang mga kamay pang depensa laban sa mga suntok ni Daddy.

"Walang ginagawang mali?! Una, nagtrespassing ka sa pamamahay ko! Tapos ngayon itatakas mo ang anak ko sa paaralan para sa lintik na bandang 'yan?!" Sigaw ni Daddy habang hawak ang damit ni Sol.

Lumapit ako sa kanilang dalawa upang awatin sila. Tinulungan naman ako nina Elijah at Marcus paglayuin ang dalawa.

"Kayong lahat na nandito! Stay away from my daughter! Kung ano-ano na lang tinuturo ninyo sa kanya!" Namumulang sigaw nito habang may mga security guard na papalapit sa amin.

"Sir, let's go outside," sabi ng isang security guard.

"Come here, umuwi na tayo. We need to talk," sabi ni Daddy sa akin. "Ikaw rin Amethyst, sumama ka." Tumango na lamang si Amethyst at sumama sa amin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong namumula ang mga mata niya kakaiyak.

"I'm sorry Luna, I am very sorry," naluluhang sambit ni Amethyst sa akin na hawak-hawak ang kamay ko.

"Please, don't blame yourself, wala kang kasalanan dito."

Pagkaalis namin, napalingon ako kina Marcus at Elijah na inaasikaso si Sol. Nakita ko rin si Stella na kumaway sa akin at ngumiti nang nakaiirita. I knew it! Si Stella ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Nandito kaming tatlo sa kotse at katahimikan at busina lamang ng sasakyan ang tanging tunog na naririnig ko. I rolled down the car's window to let the bad air come out. Napatingin ako sa rear mirror, simpleng sumulyap si Daddy dito at agad naman akong umiwas.

"Sol, you truly are the bright morning star of my life. You gave warmth in my heart. I'm ready to receive endless scolding from my Dad kahit pagtabuyan niya ako just to have you," bulong ko sa kawalan.

Napalingon ako sa kay Amethyst at natutulog na pala ito. "Patawarin mo ako, Amethyst. Kasalanan ko 'to," Habang hinahaplos ang malambot at mahaba niyang buhok. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at ipinikit ang aking mga mata. Mala rollercoaster ang gabing ito.


S T E L L A

5 HOURS EARLIER...

Inaayos ko na ang lahat ng gamit namin dahil anomang oras, darating na ang mga panelists namin. I'm wearing a black dress, plain white long sleeves and a messy bun, matching my three inches brown heels. Napangiti ako nang makita kong paparating na rito si Sol. Pumasok na siya at napakunot ang aking noo dahil si Amethyst ang kasama niya at hindi si Luna.

"So you want me to do what?!" bulyaw ko sa dalawa nang may ibinulong siya sa tenga ko.

"Wait, let me explain first," mahinahong tugon ni Sol sa akin. I love it when he does that. "May gig kami ng Helios mamaya, isasama ko si Luna. Siya ang magiging lead vocalist namin."

Ano raw? Si Luna? Kukunin ng Helios at gagawing lead vocalist?! Parang palaka kung kumanta 'yon eh. Bakit hindi ang nag-iisang Stella Sy ang kinuha nila?

"Anong oras ba?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Ngayon," malungkot na tugon ni Sol.

"Sige lang," tugon ko habang nakangiti sa kanya, "If that's what you want, then go." Kumaripas na ng takbo si Sol palabas ng classroom nang pumayag ako.

I immediately get my phone and dialed the phone number of Luna's Dad.

Napangiti ako nang agad sinagot ni tito ang tawag ko. Luna, you may win Sol's heart but I'm going to win this war between us. You are going to regret this badly.

"Hello?"

"Hi Tito!" May gusto lang ako sabihin tungkol sa anak niyo."

"Ano?"

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now