CHAPTER 49: CONVENIENT STORE

42 6 0
                                    

LUNA

Dahan-dahan kami ni Amethyst na lumabas ng bahay. Parehong kulay itim ang outfit naming  dalawa. 'Wag naman sana kaming pagkamalan na mga snatchers. Buong ingat kong isinara ang pintuan namin at dahan-dahang binuksan ang gate.

"Sigurado ka ba rito Amethyst?" tanong ko sa kaniya nang may pagdududa. Bigla naman kumurba sa kaniyang labi ang isang nakakalokong ngiti.

"Wala ka talagang tiwala sa'kin no?" tanong niya at natawa naman ang loka. Sumakay kami sa triycle at pumunta sa isang convenient store na malapit sa'min.

Nang matanaw na namin ang isang maliit na convenient store, bumaba na kami ng tricycle at pumasok na sa tindahan.

Sabay na kaming pumasok sa sliding door at binati kami ng isang security guard.

"Magandang gabi sa inyo."

"Magandang gabi ho," sagot ko sa maginoong security guard. 

"Mas maganda ako sa gabi," bulong naman ni Amethyst at mabilis ko siyang siniko. "Aray ko!"

Pumunta na kami sa bandang likuran ng convenient store at bumungad samin ang dalawang malalaking mga freezer. "Alam mo ba tuwing galit 'yan si mama, comfort food niya talaga ang ice cream?"

Binuksan ko ang isang malaking freezer at napatalon ako sa gulat dahil may kumurot sa tagalikuran ko.

"Ay letche!" malakas kong nabato ang isang tray ng icecream sa kan'ya.

"Ano ba problema mo sa mukha ko? Lagi mong binabatuhan eh!"

"Aba kasalanan mo 'yan, lagi mo ako ginugulat!"

"Aray ko ha, masakit 'yon!" reklamo niya habang hinihimas ang mukha niya.

Binuksan niya ang isang refrigerator at kumuha ng orange juice. "Ano ginagawa mo rito? Makikipagkita ka sa ibang babae no?" nakapameywang kong tanong sa kan'ya at natawa ito.

"Uy hindi ah, inutusan lang ako ni Elijah na bumili ng pagkain." Halata namang nautusan ang lalaking ito dahil nakapambahay lang ito.

Pumunta na ako sa counter at kinakapa ko ang wallet ko kaso wala ito sa bulsa ko. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Tumingin ako kay Amethyst at lumapit naman siya sa'kin. "Ano problema mo?" tanong ni Amethyst.

"Wala wallet ko," bulong ko sa kaniya at nagulat naman ito. 

"Ha? Eh ako rin! Kaya naman hindi na ako nag dala ng wallet akala ko ililibre mo 'ko."

"Loka ka pala eh! Ikaw ang may pakana nito! Imbes na natutulog na ako sa ganitong oras, nandito tayo sa convenient store."

May kumalabit sa likuran ko at naiinis akong humarap sa kaniya. Nakapila na rin pala si Sol. "Napano kayo?"

"Eh kasi itong si Luna, wala siyang dalang pera," sabi ni Amethyst, at nanlaki ang mga mata ko sa kaniya.

Napatingin ang isang security guard sa'min at sinabihan ko ang dalawa na ibaba ang kanilang boses. Buti nalang ang nauna sa'min sa pila, marami ang pinamili.

Natawa si Sol at kinuha ang kaniyang wallet sa kaniyang bulsa. "Eto bayarin n'yo nalang bukas," iniabot nito ang kaniyang pera.

"Paano naman ang mga pinali mo Sol? May pangbayad kapa?" tanong ko. "May sobra akong dalang pera ngayon."

"'Yun naman pala eh." sabi ni Amethyst. Agad kinuha ni Amethyst ang pera ni Sol. "Thank you!"

"Girl, mahiya ka naman konti," tugon ko. Lumapit siya sa tenga ko, "Ano gusto mo? Matulog tayo sa labas ng bahay?"

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now