Wakas

9.5K 300 48
                                    

Hello! This is the Wakas of All That Matters! Thank you for making it this far 💜 Let's see each other again on the next installment!

W a k a s

Umihip ang malakas na simoy ng hangin. My hair danced together with the wind. Rinig ko ang tunog ng napapawid na mga tuyong dahon sa paligid.

The wind made me hug myself tighter. Umayos ako ng upo sa hinandang picnic blanket ni Nile.. Umalis siya sandali at iniwan ako dahil may kinuha siya sa kaniyang kotse.

Ngumiti ako at pinagmasdan ang lapida ni Ma'am Graveda. Isang taon na pala. Isang taon na simula nang lisanin niya ang mundo at iwan rin kami. Today is her death anniversary. Napagpasyahan namin ni Nile na dito namin igugol ang aming oras.

" Hi, Ma'am. Kumusta po kayo?" I asked her. So much has happened in a year. Hindi ko alam kung paano ko ikukuwento isa-isa iyon sa kaniya. I am sure if she's alive, she wanted to hear everything.

Marami naman akong oras ngayon. I am free this time. Walang sagabal dahil pakiramdam ko ay hawak ko na ang sarili kong oras ngayon.

I started telling Ma'am Graveda about my trip to Thailand lalo na yung pinakamagandang parte ng trip kung saan tinuruan ko ang mga bata. I was on the end of my story when Nile came back with a picnic basket and a cooler. May nakasabit ding gitara sa kaniyang balikat.

Iyon pala ang nakalimutan niya. He said we would go picnic tapos naiwan niya pala ang pagkain. Bahagya ko siyang sinimangutan nang maupo siya sa aking tabi.

" You forgot our food?" bahagya akong natatawa nang itanong iyon. Binalewala niya ako at binuksan ang basket. I watched him as he picked out the plastic containers. Hindi naman siya ang nagluto nun dahil umorder lang naman siya.

I've seen the upper logo of the plastic container. Galing iyon sa Casa Gomez na pagmamay-ari ng asawa ni Helion. I've met Raya and I have been friends with her. Madalas ay doon kami pumupunta ni Muriel at Forah para lang kumain.

" You got me my favorite?" tanong ko sa kaniya nang sinilip ko ang kaniyang mga dala. My mouth watered when I took a glance at the foods. Masyado ngang marami para sa aming dalawa. Hinanap ko ang paborito kong kainin sa restaurant ni Raya.

I smiled cheekily when I found it. Alam ni Nile na paborito ko ang luto ni Raya especially her tuna pasta. May iba kasing twist si Raya doon na hindi niya sinasabi. I've watched how she cooked it on television pero hindi ko naman makita kung ano ba ang sinasabi niyang sekreto doon.

I excitedly open the container. Nile just snickered. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako habang kumakain na. Minsan ay sinusubuan ko siya, minsan naman ay sinusubuan niya ako ng kung anuman ang pagkaing mabubuksan niya.

When I was done eating, bumalik ako sa pagkukuwento kay Ma'am.  Nile was just listening. May iilang kuwento ako doon na palagi kong inuulit kay Nile kasi hindi ko makakalimutan ang mga naexperience ko sa ibang bansa.

" She really love that Thailand trip, Ma'am." sabi iyon ni Nile nang matapos ako sa pagkukuwento nang lahat kahit na ang sa coronation night.

Iyon naman palagi ang kinukuwento ko kahit ilang balik na ang nagawa ko rito.

Hinampas ko sa balikat si Nile. Tinawanan niya lamang ako. He wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him. Ipinatong niya ang baba sa aking balikat.

All that Matters (Absinthe Series 3)Where stories live. Discover now