Kabanata 29

5.6K 197 7
                                    

Kabanata 29

All That Matters

" Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Muriel told me as she put down one of my bags on the cemented floor.

Mataas ang sikat ng araw at nararamdaman ko na ang init na nanunuot sa aking balat. I wiped my forehead as a droplet of sweat formed. It was just 10:30 in the morning. Iyon ang nakalagay na schedule ng bus na sasakyan ko.

Bumuga ako ng hangin.

" Yeah. Kaya ko na. Please don't tell anyone."

Umirap si Muriel. " Ako ang pagagalitan ni Exodus kapag nalaman niyang pumayag ako. And your manager--

" Won't tell a single soul. Nagbigay akonng suhol. I am sure she won't say a thing about this--

" Impossible mission." panapos niya. Umirap ako kasi palagi niya na lang sinasabi na imposibleng maganap ko si Raoul.

" I have the lead. Pupuntahan ko lang. Kapag wala, edi maghahanap ulit. I'll waste my whole week for this one. Walang makakapigil sa akin."

" Fine." napangiwi siya. " Please tale care okay? Malalagot ako kay Nile."

Napairap ako sa sinabi niya. It's a good thing I had convinced my cousin na 'wag nang maging bodyguard si Rogan Zobel dahil alam ko na ang trabaho ng tao. It's already a signal that he should tell Nile to stop worrying about me kasi wala naman kaming relasyon.

" Don't tell anyone." I told her.

Inayos ko ang wig na suot at sunglasses. Umakyat ako sa bus na pagsasakyan at inilagay ang iilan kong mga gamit sa ibabaw nito.

Diretso ang biyahe from Cubao to Bolinao, Pangasinan. But I'd hurt my butt if I sit too long, roughly about 6 hours or more. Wala namang kaso sa akin iyon. I had enough food to eat while on the trip.

For the first hour, I scrolled on my social media accounts. May iilan doong mga pagkamusta sa akin. Some of them were from the candidates of the pageant, na naging mga kaibigan ko. The second hour, huminto ang bus at pinapababa kung sino ang gusto ng bathroom break.

The third hour of the trip, I slept. Wala na akong magawa dahil wala rin naman akong katabi. Wala na rin akong pagkakalibangan.

I woke up and the bus was already in Pangasinan. Hindi pa ako nakakakain at tanging soda crackers lang ang naging laman ng aking tiyan. I checked my phone for incoming messages.

May isa doon si Muriel at nagtatanong kung nakarating na ako. Si Leone ay nagtext rin, sinasabing kailangan kong magreply sa iilang emails sa akin. I turned off my location in case Exodus tries to track me down. Hindi naman sa gusto kong suwayin ang pinsan, pero sandali lang naman ako. Hindi ako magtatagal. I won't worry him that bad.

Nang makababa sa terminal, nagrenta ako ng tricycle papuntang resort na malapit. Bolinao is known for its resorts and beaches. Napag-alaman ko ring ang hometown talaga nina Ma'am ay malapit lang din sa dagat kaya doon ako nagpasyang magbook ng tutuluyan.

Since I have no time to start my mission, I decided to take a rest. Wala ring lakas ang katawan ko para mamasyal pa dahil alam kong bukas na bukas din, kailangan ko ng lakas. I won't stop until I find the closest lead. Kailangan...kailangan matapos ko ito bago pa ako makabalik sa New York.

I was early the next day. Umaga pa lang ay sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa lumang address ng bahay nina Raoul. I'm sure I could find some people to ask about Raoul, na ang buong pangalan ay Raoul Demetrio Alvarez.

The tricyle dropped me by at an old mansion. Hindi sobrang kataasan ngunit masasabi kong pag-aari ng marangyang pamilya.  I rang the doorbell. Ang sabi sa akin ng driver ng tricycle, may naninirahan na doon but he wasn't sure if the family was the family who really bought the house from the Alvarez.

All that Matters (Absinthe Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon