Kabanata 25

5.9K 186 46
                                    

Kabanata 25

All That Matters

I almost felt out of place as Nile took over and talked to Ma'am Graveda. Parang isang hangin ako doon na dinaanan lamang. I listened to their stories and I realized I had so many things I missed out before.

" I contacted Muriel and she said she'll be here tomorrow. May inaasikaso lamang siya sa opisina." Nile told. Napaayos ako ng upo nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Bahagyang kumunot ang aking noo ngunit nawala iyon nang makitang sumulyap sa akin si Nile.

So Muriel had gotten close to Ma'am Graveda too. May bahagyang kirot sa akin nang makita ngumiti si Nile dahil lamang sa pagbanggit sa pangalan ng aking kaibigan.

What if..what if Muriel is his girlfriend? Paano kung mahal na mahal pala siya ng kaibigan ko at eto ako..umaasa pa ring may nararamdaman siya sa akin maliban sa galit niya?

Bumigat muli ang aking dibdib dahil sa naisip. Kung ganoon nga, mas mabuti talagang wala ng may makaalam pa sa nangyari. I couldn't ruin a relationship just because something happened to us.

Ibinalik kong muli ang aking tingin sa dalawa at may munting ngiting namutawi sa aking labi. I missed the times where we eat lunch together or even review together with Ma'am Graveda. Kay sarap balikan ng kahapon pero wala naman akong magagawa para bumalik sa mga panahong sobrang laya ko pa at walang kinikimkim. Kung pwedeng bumalik sa panahong iyon, mas gusto kong doon na lamang manatili. I would trade it for the world just to see Nile, tease me or make me smile or laugh again.

Ngunit imposible na iyon. May kanya-kaniya na kaming buhay—pangarap at siguro iba-iba na rin ang pananaw sa buhay. Even though we both belong in the same world, hindi pa rin kami pantay kasi pakiramdam ko, nasa ilalim ako at siya ay nasa itaas. He was hard to reach now, unlike before.

I felt a pang of guilt. Kung sana ay hindi ako lumayo noon, magiging masaya ba ako, despite of the scars? Kung sana ay tinanggap ko siya noon, maituturing ko na bang swerte ang sarili ko ngayon? Mahirap sagutin kasi hindi ko naman sinubukan. Naging duwag ako noon, kahit hanggang ngayon duwag akong aminin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Nile. I could still feel the fire burning, it was alive. Hindi ko nga napansin noon kasi malimit ko lang siyang naiisip ngunit ngayon…I was seeing him in flesh but angry.

Sumandal ako sa upuan. Napasulyap ako sa pinto nang pumasok si Hannah. She gently smiled at me which I returned back. Lumapit siya kay Ma'am Graveda.

" Tita, kailangan niyo na pong matulog." sabi nito. Nakitaan ko ng bahagyang pagsimangot si Ma'am Graveda ngunit wala naman itong nagawa kung hindi ang tumango. Nile stood up from his seat. Ibinalik niya ang kamay ni Ma'am Graveda sa kama at hinaplos ang buhok nito.

" You need rest, Ma'am. Babalik na lang kami bukas."

Napataas ang kilay ko doon. Kami? Ako ba doon ay kasama o si Muriel ang isasama niya. Bahagya akong napaismid. I didn't mind having Muriel but if it's just the two of them…okay lang. Sigurado naman akong hindi ako pwede bukas kasi marami ng nakahandang appointment para sa akin si Leone.

Nagpasya akong tumayo at lumapit kay Ma'am. Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. " You should get well soon. Gusto pa kitang ipasyal sa kung saan. We'll make another memories."

Her eyes wrinkled with happiness. " Makita ko lang kayong dalawang magkasama ay masaya na ako." Nagkatinginan kami ni Nile nang dahil sa sinabi ni Ma'am. His gaze grew intense. Bahagya lamang akong ngumiti at ibinalik na rin ang tingin kay Ma'am.

There was something in her eyes. I see hope and love. I reflected that one kasi I was hoping that maybe God could spare her life and give her a little more years to live. Taon ang nawala sa amin at gusto kong bumawi. Although this one was a bad timing, babawi pa rin ako. I had a duty to fulfill..hindi lang iyon para sa buong mundong umaasa sa akin kung hindi para rin sa mga taong mahal ko at naging parte ng aking buhay.

All that Matters (Absinthe Series 3)Where stories live. Discover now