Kabanata 33

5.3K 176 17
                                    

Kabanata 33

All That Matters

"Malala na ang sakit sa puso ni Papa noon. He started having symptoms three years ago. Naaagapan naman ng mga gamot pero siguro kailangan niya na rin magpahinga."

"But did he ever mention na naipanganak siya sa Pangasinan o nagpalit siya ng pangalan?"

Umiling si Gonzalo. "Hindi. Pero may sinabi siya noon na napagkamalan siyang gobernador ng Marina dahil pareho sila ng mukha. Come to think of it, may pagkakahawig nga. But my father assured me that he was a pure Filipino at talagang ipinanganak siya sa Marina."

Tumango ako at inintindi ang lahat. Kahit hindi pa talaga malinaw sa akin, nagpasalamat ako kay Gonzalo dahil sa kaniyang pagpapaunlak. He wished me good luck, though.

Tahimik ako habang pabalik kami ni Nile sa apartment. Dumiretso ako sa kwarto at tinitigan ang litrato namin ni Abuelo. It was taken when I was five years old. Kahit gusto ko mang itanggi, mas malaki nga ang pagkakahawig nila ni Raoul Alvarez. At mas lalong lumalakas ang aking kutob.

Kaya ba ganoon na lamang kagaan ang loob ko kay Ma'am Graveda kasi naging parte siya ng buhay ni Abuelo noon?

I dialled my Mom's number. Alam kong nasa States pa rin siya ngayon at hinihintay akong bumalik. I'm sure she was also worried when she knew about my hospitalization.

"Hello?"

"Mommy..."

"Adi, it's 6 am in here. Bakit ka napatawag?" I heard Mommy's footsteps on the other line. Mukhang tumayo pa siya para lamang masagot ako nang maayos.

"Mommy, do you really know Abuelo?" I asked her.

"What? What kind of question is that? Of course, I know him. He's my father."

"Was he really born in Marina?"

She sighed. "Where is this coming from? Bakit bigla-bigla kang nagtatanong?"

"Just answer me please."

"Your Lolo was originally born in Marina, Adi. Pero ang kwento sa akin ni Papa ay talagang nanggaling siya sa Pangasinan. He had been adopted by a prominent family in Pangasinan since he doesn't know his real parents. Galing sa ampunan noon si Papa."

"What? Bakit hindi ko po ito alam?"

"That's our family's secret Adina. Kaunti lang ang nakakaalam dahil alam mo naman ang estado ng pamilya natin. Anyways, wala na siyang nasabi sa akin. He had an accident. Umamin ang mga adoptive parents sa kaniya na kilala nila ang totoong pamilya ni Papa. The Felisartas were looking for him for years at isinauli siya doon when he was eighteen or seventeen. I couldn't remember."

"So he was really Raoul Alvarez?"

"Yes, how did you know that, Sweetie?"

"I am looking for Raoul Alvarez. Nandito ako ngayon sa Marina, mommy. Kakausapin ko po si Abuelo."

"What? Sinong kasama mo?"

"I am with Nile." Saglit na humugot ng hininga si Mommy sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay dinagdagan ko lamang ang problema niya dahil sa sinabi ko.

"Are you dating him again?"

"No, mom. Babalik ako sa New York. I have duties." I denied.

" Wala na ba talaga?" she asked, referring to my feelings. Alam ni Mommy kung paano ako umiyak kay Nile noon. Alam ni Mommy lahat ng nangyari kaya may panahon ding nagalit siya kay Nile dahil sa ginawa nito.

"Mom..."

"Walang pumipigil anak. If you love him, go for him. Alam kong hindi nawala kahit may galit diyan sa puso mo." My heart constricted upon the words of my mother.

All that Matters (Absinthe Series 3)Where stories live. Discover now