Kabanata 34

5.5K 199 25
                                    

Kabanata 34

All That Matters

Lolo has a nice office. Malaki, napupuno ng libro at palaging maginhawa tingnan kapag ika'y papasok. I remember when I was little, I used to play here. Minsan ay napapagalitan kapag inaakyat ko ang hagdan kapag kukuha ng libro.

I remember falling once and having a scar after. Hindi ako pinagalitan ni Lolo dahil sa kakulitan ko pero napagalitan naman ako dahil nagkasugat. Lolo took care of me kapag inihahabilin ako nina Mommy dito tuwing bakasyon. Kalaro ko si Exodus at iba pang pinsan pero wala ng mas hihigit pa kapag si Lolo na ang nagiging kalaro ko.

I learned how to play chess and some of the board games because of him. Nangarap akong maging student leader dahil si Lolo ang namumuno sa buong probinsya. He was a good leader and up until now, hindi pa rin siya pinapalitan ng mga tao.

My grandfather is old and yet, he's as strong as a bull. Walang inaatrasang laban. He was always challenged by the changing times pero sinasabayan niya rin ang pagbabago.

"Maupo ka, Adina." My granfather's voice resonated inside his office. Napansin ko ang ibang pagbabago sa kaniyang opisina. Hindi nga ito lumiit pero may iilang nabawasang gamit. Wala na ang dating kinahihiligan kong display ng mga bandila ng iba't ibang bansa at iilang paintings.

Naupo ako sa upuan. The leather couch brings back some of my childhood memories. Ilang taon na ba noong huling pasok ko dito? Nang bumalik kasi ako sa Marina ay hindi na ako nakakapasok dito at hanggang pamamasyal lang sa paligid ng Manor.

"Lolo, how did you meet Lola?" I asked him all of a sudden.

"Bakit mo naman naitanong?"

"I'm just...curious. You haven't told me how you met before."

"We met at a party. Galing sa prominenteng pamilya ang iyong Lola kaya madalas ay nagkikita kami sa mga pagsasalo-salo. "

"Ganoon po ba? Paano niyo po nalaman na si Lola ang pakakasalan at mamahalin ninyo?"

Lolo smiled genuinely, as if reminiscing something. "I remember your Lola, asked me that same phrase before."

"Talaga po?"

"Yes, pati ang pananalita ay kuhang-kuha mo." he laughed.

"Hindi ko minahal agad ang lola mo nang magkita kami. I didn't like her before because she was too stubborn for me. She's feisty and too independent. Wala ring kinikilingan. At hindi ko siya minahal agad dahil may ibang laman ang puso ko..."

"You mean..."

Lolo smiled. "I loved someone else before, Adina. Matagal na panahon na iyon at ramdam ko pa rin ang katiting ng pagmamahal ko sa kaniya. Ang ating pamilya, ay may lihim at tanging iilan lamang ang nakakaalam. I was born as a Felisarta but a fire broke out at the old mansion. Nawala ako at napunta sa ampunan. I was adopted by the Alvarez family from Pangasinan. Doon ako pinalaki. Ang hindi ko alam ay hinahanap pa rin ako ng aking mga magulang. When I was in high school, I met my first love, Germana. She was beautiful, smart and generous. Ngunit ang pamilya ni Germana ay tutol sa aming relasyon, maging ang pamilya ko ay ganoon din. I fought for our relationship. Pero gaya ng ibang pagmamahalan, may hangganan ang lahat ng iyon, apo."

"What happened, then?"

"Kinumbinsi ko si Germana na magtanan kami, pero ayaw niya dahil mahal niya ang kaniyang pamilya at ayaw niyang biguin ang mga ito. Naiintindihan ko iyon pero wala rin namang ibang paraan upang mapapayag ang dalawang pamilya sa relasyon naming dalawa. I fought for our love again, this time, I urged her to do so. Isang malaking pagkakamali iyon dahil alam ko, kahit na ipaglaban pa naming dalawa, marami ang madadamay."

All that Matters (Absinthe Series 3)Where stories live. Discover now