Kabanata 31

5.7K 176 19
                                    

Kabanata 31

All That Matters

Walang kasiguraduhan. Iyon nga siguro kaming dalawa ni Nile. Not once did I give him a definite answer. Kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko. He was sorry, he cried but was it enough for me to forget all the scars?

Hindi niya alam. Hindi ko naipakita. Duwag nga siguro ako. Takot nga siguro akong kapag nalaman niya ay lalayo siya. He wouldn't want a girlfriend who's scarred for life. Sikat siya at mahal ng mga tao. Expected na sa kaniya na may maipakikilala siya sa mundo ng isang perpektong babae.

I've seen his band members with their girlfriends. Lahat, successful. Lahat may maipagmamalaki. Even Forah. Wala na din naman akong magagawa kasi hindi ko rin naman hawak ang paningin at opinyon ng mga tao. After this, after all this fame...babalik ang lahat normal. Makakalimutan nila kung sino ako, kung ano ang mukha ko at kung ano ang pangalan ko. They'll know me by my answer or maybe that make-up filled beauty on television pero kalaunan, makakalimutan din nila ako.

And that's what I wish after this. Kapag natapos na ito, I could go back to Marina and be a teacher again. I'd teach music and teach children how to dance, sing and act. I'd teach them what I learned from my experiences. Iyon naman ang mahalaga sa akin. Na makitang may mga lumalago dahil sa itinuturo ko at dahil sa mga naging karanasan ko.

" Are you sure na uuwi na kayo?" tanong ni Muriel sa kabilang linya.

The trip I had in Bolinao only lasted for three days. Nang matapos ako sa pagpunta kay Manuela Vicente ay pinuntahan namin ni Nile ang ospital kung saan dinala si Raoul Alvarez. There were no records of his admission, maging ang pangalan ng mag-asawang Alvarez ay wala din doon. Although, I found some address of the relatives, napag-alaman naming wala na din silang lahat sa Pangasinan.

" Yes. Unfortunately, Raoul Alvarez wasn't married to anybody else in Pangasinan. He had an accident nang papunta na sa kasal." Sinulyapan ko si Nile at diretso lamang ang tingin niya sa daan.

" And? is he dead?"

" Nope. Walang records sa ospital. If only we have a picture of him."

" Oh gosh! Kaya nga pala ako tumawag!"

" Why?"

" Hannah and I found one picture of Raoul!"

Napabalikwas ako sa pagkakaupo. Muntik nang mapapreno si Nile dahil sa aking ginawa. Napangiwi ako, meanwhile, he looked at me as if asking if I everything is fine.

" Okay lang ako. This is nothing." I mouthed at him. Tumango lamang siya at nagpatuloy sa pagda-drive.

" Bakit ngayon mo lang sinabi? I could've asked the people!"

" I'm sorry ngayon ko lang naalala. I'll send it to you right away."

Napabuntong-hininga ako. Muriel texted me that she sent the photo to my messenger. Doon ako nagbukas ng mensahe at nakita ang lumang litrato ng isang lalaki. Raoul looked hispanic. Almost all of his features were rugged and harsh. Medyo singkit ang mga mata at tama lamang ang hugis ng mukha. His sharp jaw looked intimidating and harsh, too. Masungit ang pagkakatingin sa kamera.

" I know! He looked scary and fully hispanic! Hindi ko alam na pinatulan iyon ni Ma'am! Pero sabagay, pareho naman silang masungit ni Ma'am!" sabi ni Muriel nang tumawag akong muli.

I chuckled. " He doesn't look so bad. Gwapo nga ito!"

" Kaya nga pero masungit pa ring tingnan. I had goosebumps while staring at the picture! Siguro kung matanda na ito ngayon, ay baka mukha pa rin itong galit sa mundo."

All that Matters (Absinthe Series 3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें