Kabanata 39

6.1K 211 17
                                    

Kabanata 39

All That Matters

" Handa ka na?" tanong ni Leone sa akin habang nakatanaw ako sa mga nagtataasang building ng New York. Surely, I would miss this place.

Bahagya kong nilingon si Leone. " Sandali lang..." I told her. Ibinalik kong muli ang tingin sa lawak ng lugar. It had been my home for a whole year. Sa bawat sikat ng araw ay ito ang palagi kong masisilayan hanggang sa pagtulog ko sa gabi. Alam kong hindi madaling kalimutan ang ganitong klaseng tanawin lalo pa't kinahihiligan ng mga tao ngunit wala pa ring tatali sa ganda ng alon ng Marina at sariwang simoy ng hangin doon.

" Hanggang kailan mo tatanawin iyan? Hanggang sa pageant night?" nagbibirong sabi ni Leone na akala ko ay umalis na sa aking kwarto.

I chuckled. " Hindi naman. Pinagsasawaan ko lang tingnan."

Naramdaman ko siyang naglakad at tumabi sa akin. Bahagya akong umusog. " Mamimiss mo?"

Nangalumbaba siya sa railing at pinagmasdan ang tanawin. Humarap din ako, may munting ngiti sa labi. " For quite some time, maybe."

" Ako rin." she chuckled. " Baka umuwi na akong Russia pagkatapos nating bumalik sa Pilipinas."

" Bakit?"

" I miss my family." sabi niya lang. I remember Leone telling me about how many years that she didn't go home. Ang sabi niya ay may gusto siyang patunayan sa kaniyang pamilya. Hindi ko alam kung ano iyon. Pero kung uuwi nga siya, siguro may pinanghahawakan na siya ngayon. Yung kaya niya ng ipagmalaki.

" Kung wala akong maabutang trabaho sa Russia, magiging model na lang ako. I learned a lot from you, Adi. Baka pwedeng mag-apply ako sa Mommy mo bilang model."

" Oo naman, bakit hindi? You have a nice posture! Hindi ka rin stiff at matangkad ka pa. I'm sure everyone would be happy to have you!" galak kong sabi. Tinawanan niya lamang ako. Umalis siya sa pangangalumbaba at tumayo na. She walked away from me.

" Sige na, maghanda ka na. You have an early interview."

I just chuckled at her reminder. Oh, how time flies so fast. Hindi ko namalayang Disyembre na at kailangan ko ng lisanin ang New York sa iilang oras na natitira sa akin. I had lots of memories from the city that never sleeps. I experienced getting drunk and losing my virginity to the man I've ever loved. Ngunit higit pa roon ang naranasan ko sa New York. I've experienced how it is hard to work and how you should rushed just so you could go with the flow. Kailangang makisabay ka sa bilis ng tao dahil kung mapag-iiwanan ka ay wala kang mapapala.

Matapos kong pagsawaan ang magandang view ay hinanda ko na ang aking mga dadalhin. Dressed in a yellow bandage dress and white stilletos, I was ready to go for my last interview. Mamayang gabi ay gaganapin na ang coronation night ng bagong Miss Universe sa taong ito. Ito na rin ang huling araw na maisusuot ko ang korona at sash na itinalaga sa akin.

Siguro hindi rin ako masasanay na hindi suot ang sash. Palagi kasing nakaangkla iyon sa akin kahit saan ako magpunta. Even when doung charity works, kailangang ipakita kong ako ang hinirang para sa taong iyon. I know it's quite overwhelming pero siguro nga masasanay rin akong wala iyon.

Sa ginanap na interview, maraming itinanong sa akin. I talked about my experiences and my next challenge to the next winner. Sinabi kong hindi magiging madali dahil kailangang panindigan mo kung ano dapat ang iyong responsibilidad bilang isang modelo ng mundo. Being held as the Miss Universe has its perks but it also held one of the heaviest responsibilities. Kung ang pagdadalawang-isip ay nasa plano, dapat ay hindi ka na tumuloy dahil masasayang lang. Someone out there could be more deserving, more responsible and more worthy of the crown and title. Hindi lamang iyon isang parangal sapagka't isa rin iyon pagkakakilanlan.

All that Matters (Absinthe Series 3)Where stories live. Discover now