Kabanata 16

5.3K 214 12
                                    

Kabanata 16

All That Matters

Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. I was wearing a mustard yellow off-shoulder dress, that fits my upper body and the skirt flaring at my hips that reached the top of my knees. I tied my hair into bun, leaving some stray hair framing the sides of my face. Nag-apply ako ng kaunting make up para magkaroon ng kulay ang aking mukha.

" Adina, baby, nandiyan na si Nile sa baba. You wouldn't want to keep him waiting, would you?" kumatok-katok si Mommy sa aking pinto. Napangisi lamang ako bago kinuha ang aking maliit na sling bag.

Nile became really close to my parents. Kadalasan dito na siya namamalagi sa bahay kapag siya ang naghahatid sa akin pauwi. Minsan pa nga ay sinusundo niya ako para sabay na lang kaming pumunta sa school. He bonded with my father and Exodus. Medyo close na rin sila ni Muriel dahil madalas sumasama na si Muriel sa amin kapag nagla-lunch.

Things got better. It's not really easy to cope up with a friensship break up but I've started moving on and I guess, Arunika did too. She found her new friends at alam kong hindi niya pagsisisihan iyon. She hadn't spare a glance at me, not even once after that unfortunate day. Tinanggap ko ng hindi kami magkakaayos kahit na ano pang mangyari.

I sighed. I was hoping I could apologize to her this Christmas. Ayaw ko namang matapos ang taon na may sama ng loob. I wanted a clean slate between us. Pero kung hindi niya naman matatanggap iyon, sino ba naman ako para pilitin siya?

I went downstairs and was greeted with laughters coming from my Mom. Umagang-umaga pa lang ay nasa harapan na siya ng tv at nanunuod ng paborito niyang entertainment show. Nandoon si Exodus, katabi si Nile na prenteng nakaupo. I eyed him secretly.

He looked effortlessly good in his black shirt, cream colored shorts and black loafers. He brushed up his hair creating a sharp point making him look like a model for hair spray. Napangisi ako nang mapatingin siya sa aking banda. His mouth slightly parted upon seeing me. Kung hindi ko lang naitali ang buhok ko, siguradong may iniipit na ako ngayon sa aking tainga.

Inilayo ko ang tingin kay Nile at lumapit kay Mommy. Agad akong humalik sa kaniyang pisngi na siya naman niyang ikinagulat.

" Look at you! Ang ganda ng anak ko, hindi ba, Nile?" proud na tanong ni Mommy. Exodus chuckled teasingly. Pinandilatan ko ito ng mata bago napatingin kay Nile.

" Ang ganda nga po." sakay ni Nile sa tanong ni Mommy. Tumaas lamang ang sulok ng aking labi sa kaniyang sinabi. He couldn't stop staring at me! Naiilang tuloy ako.

" My, alis na kami. Do you want something?" tanong ko.

" Wala na. Enjoy your date!"

" My!" suway ko. My mother just laughed at me. Pinagtabi niya pa kaming dalawa ni Nile at kunwari may imaginary camera siya. She even shaped her finger into a heart. Tinawanan lang siya ni Nile.

" Sige po, Tita. Una na po kami." bumaling si Nile kay Exodus. " Bro, next time ulit."

We went out of the house and walked towards his car. Hawak-hawak niya ang aking kamay. Oh damn, bakit ba hindi na ako masanay sa pabigla-bigla niyang hawak? He does this almost everyday. Minsan ay bigla na lamang siyang manghihila at yayakapin ako sa baywang kapag walang tao.

" You look stunning, Sweet pea." bulong niya sa akin bago niya buksan ang pinto ng kotse. Inalalayan niya ako papasok at hindi muna isinara ang pinto.

Napatingin ako sa kaniya. " What?" Hindi ko maiwasan ang pagtawa dahil sa paninitig niya sa akin.

" I want to kiss you." he blurted.

All that Matters (Absinthe Series 3)Where stories live. Discover now