Chapter Two - (You Caught Me)

En başından başla
                                    

Nglalakbay kami ngayon ni Blue papuntang elenos daw. I don't know what exactly is that place, ang alam ko lang ay nakumbense niya ako na pumunta doon dahil ako nga daw ang prinsepe nila which I really doubt. Para kaming nasa movie na journey, which is my favorite movie aside from spiderman. Well, I kind of having this good vibes about this dahil mahilig talaga ako sa adventure.

"Blue, malayo paba tayo? I think ang layo na ng nilakad natin at maggagabi na pero hindi parin tayo nakakarating." Huminto ito at humarap sakin kaya tumigil din ako sa paglalakad.

"Mahal na prinsepe tatlong araw po tayo maglalakbay bago natin marating ang puno ng mahiwagang taron."

"A what? Wait, is that something magical thing or what? Portal?" Tinitigan lang niya ako at tsaka lumakad ulit.

"Or not." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang puno ng taron ang magdadala sa inyo papuntang agresia, isa itong puno ng paglalakbay at iisipin mo lamang iyong pupuntahan at ikay dadalhin nito sa iyong paroroonan." Bigla nitong sabi sa kawalan. As I was saying portal nga. Hayyys ang dali lang naman intindihin non pinahaba pa niya. Kinuha ko ang sisidlan ng tubig ko at tinunga ang laman nito.

"Can we take a rest, please." Napatingin ito sa akin at makikita sa mga mata nito na parang nag-aalala.

"At tsaka, wala na akong tubig and I can't walk anymore."

"Huwag tayo dito, malapit ng magdilim kaya delikado."

Nakahanap kami ng isang maliit na kweba at doon kami tumuloy. Nagiging dilim na ang paligid kaya gumawa kami ng apoy sa loob para narin maibsan ang lamig ng paligid. Masasabi ko ngayon na parang nasa totoong pelikula kami kung saan ay nagiging stranded ang mga bida at kinabukasan ay hahabulin na naman sila ng mga kaaway nila. Hayys. Bored lang siguro ako kaya ganito ang mga pinag-iisip ko. How I miss my mom. Siguro kung kasama ko siya ngayon ay hindi niya ako hahayaang giniginaw. She could just hug me to give me warmth. I miss how she did that to me when I was a kid. I let out a heavy sighed. Exhaled the negative thoughts inside my mind and inhaled the fresher one, this might be a better beginning for me.

(Third person's PoV)

"Alam mo mahal na prinsesa, ako talaga ang malalagot nito sa mahal na hari eh."

"Pwede ba manahimik ka muna diyan Robelyn, kita mong nangangaso ako ehh." Bigla nalang may kumaloskos sa mga halaman sa gubat kaya napaalisto siya.

"Kasi naman eh-"

"Shh." Itinaas niya ang kanyang kamay na nagpahinto rito sa pagsasalita.

"Kalaban po? Naku, huhu patay tayo diyan, wala pa naman akong sandata." Inihanda din nito ang sarili sa kahit anong mangyari.

"Tumahimik ka." Bulong ng prinsesa at dahan-dahang tinungo ang mga halaman na pinanggalingan ng kuluskos.

"Grrruhhh!" Dali-daling inilabas ng prinsesa ang kanyang palaso ng may biglang lumabas na malaking baboy ramo. Pinana niya ito at hinabol.

"Teka lang prinsesa hintay."

Hinabol uli niya ito at pinagpana ng palaso pero masyadong mabilis tumakbo ang hayop kaya nahihirapan siyang patamaan ito. Tumigil siya ng nawala sa paningin niya ang baboy ramo at pinakinggan ang paligid.

"Grruhhh!" Lumabas uli ang hayop kaya hinabol niya ulit ito. Kinuha niya ang palaso at itinapat ito sa tumatakbong hayop. Tumigil siya at itinapat ito ng maayos, nang makuha na niya ang saktong distansiya para dito ay binitawan niya ito. Sakto namang may humarang na isang lalaki na tumatakbo at siya ang natamaan sa kanyang pana.-

(Someone's PoV)

Nangangaso kami ngayon sa kagubatan ng Erosia, kasama ko ngayong ang dalawa kong tagapagbantay na itinalaga sa akin ng mahal na reyna. Kanina pa ako naiirita sa kanila dahil hindi ito magkasundo kahit sa ano mang mga bagay.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin