Nang makarating kami sa taas pumunta kami sa kanan na hallway na pinuntahan nila Elisay kanina.

Nanguna ako ako sumusunod naman silang dalawa sa'kin na nagmamanman sa paligid.

Wala ng mga kawal dito mukhang silang lahat na yung nasa labas ng Kaharian kanina.

Sinipa ko yung malaking pinto na kulay pula na nasa harap ko at don ko sila  nakita...

"Athena, buti at nakatayo kapa?"nang aasar na sabi ni Dracky at katabi niya si  Natthew, sa gilid naman ni Natthew ay si Elisay na masamang nakatingin sa'kin ngayon.

"Napatagal ako, ang dami ng kawal niyo e, luge" sabi ko at tumawa ng bahagya na may pagka sarkastiko, tumawa din sila ng malakas at napairap nalang ako.

"Luge ba? Sa ngayon hindi na! pero bago kita pasukuin kailangan mo munang manghina, ngayon na!" Nakita kong sinugod ni Elisay si Aldrin at nakita kong lumayo sila sa'min habang si Natthew naman ay kinalaban si Ralph kaya napatingin ako sa kaharap ko ngayon.

Napangisi naman ako.

"Ikaw pala makakalaban ko? Please make sure na mapapabagsak mona 'ko ngayon" sabi ko ng nakangisi at naginvisible kita ko siyang nagulat at hinahanap ako.

Tignan natin ang tapang mo ngayon Dracky.

Hindi niya alam nasa likod niya ako.

"Mapapabagsak din kita Athena! Onting oras nalang hintayin mo mawawala ka din sa mundong 'to!" Sabi nito at kitang kita ko ang pagbabago niya, naging halimaw na naman siya na may dalawang ulo.

"Ba't 'di mo subukan?!" I said it while throwing him a Fire Knives at his back, at nakita kong 'di 'yon tumalab sakanya kay lumipad ako para mapanatayan ko ulo niya.

Ngumanga siya at may lumabas sa bibig ng dalawang ulo ng halimaw na 'yon. Mga bubuyog na kasing laki ko.

I release a Invisible Blades na at binilisan ko ang lipad ko paikot-ikot ko sakanya 'yong binato. Pag katapos ay pinakawalan ko ang Water Eagle na siyang sinakyan ko para di ako maubusan ng lakas. Hinahabol ako ng mga bubuyog na malalaki habang pinapaulanan ko si Dracky ng Sharp Rocks na ngayon ay inaabot ako.

Mas dumami pa ang bubuyog na humahabol sa'kin paikot kaya 'diko sinasadyang magamit na namang ang sinumpang kapangyarihan ko ng may papasalubong sa'king bubuyog.

Tuluyan nawala ang Water Eagle na sinasakyan ko at malapit na'ko mahulog,  nanghihina na naman ako.

Ibig sabihin lang nito 'diko pa kontrolado ang kapangyarihang 'to. Nawala na lahat ng bubuyog na sumusunod sa'kin pero nakita kong papalapit na sa'kin si Dracky.

Onti nalang sasaluhin na'ko ng sahig ngunit sinipa ako ng halimaw na si Dracky.

"Ahhhh!" Sigaw ko ng mauntog ako sa pader na ngayon ay nasira sa sobrang lakas ng pagkakapalo ng katawan ko 'ron.

"Athena!" Sigaw ni Ralph na ngayon ay nakikipaglaban pa rin kaya ngumiti ako at sinabi ko through mind na okay at kaya ko.

"Ano? Akala ko ba 'di kita mapapabagsak?ginagawa mo d'yan ngayon? Nagswiswimmin-----" Diko na siya pinatapos at ginamit ko ang espada ko saka hiniwa ang binti niya parehas na siyang nagpabagsak sakanya.

Binilisan ko pa ang lipad ko pero nakatayo pa din siya at nahawakan ako.

F*ck.

Nagpupumiglas ako pero sobrang higpit talaga kaya kahit ayoko na siyang saktan dahil nga pinsan ko pa din siya, tinusok ko ang daliri niya na ngayon ay nagdudugo na.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now