Chapter 62: Taken Away

3.2K 96 10
                                    

Dedicate to sa lahat ng mga readers ko na naghintay kahit na napakatagal thank you sainyo here's an update lovelots magians!❤

~~~~~~

Kristine's Pov

Nakaramdam ako ng kaba at takot ng mga sandaling 'yon. Naglalakad pa den kami hanggang sa marating namin ang dulong bahagi ng Kaharian

Ba't dead-end na dito?

"Stacey ba't dead-end na?" Taka kong tanong kay Stacey na nakatingin din sa napakataas ng pader na nasa harap namin.

"Ewan ko din e, ngayon lang naman ako den nakapunta dito" sabi niya pa habang lumilinga-linga.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pader at nakita kong may limang taong nakatayo roon.

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan na makikita namin sila dito ng hindi nakakulong.

Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko tila di na ako humihinga.

Nasa harap ko ngayon si Dracky, si Barbie, si Natthew at may isa pa silang lalaking kasama at ang huling lalaking natanaw ko ay di ko inaasahang kakampi nila.

Si Ace.

"Hi Prinsesa ng Hangin, gulat na gulat ka ata? Hahaha... Di mo ba 'to inaasahan?" Sabi ni Dracky ng natatawa pa. Bigla akong napaatras at napakapit kay Stacey ng mahigpit.

Kung lalaban kami, di namin sila makakaya dahil lima sila at dalawa lang kami.

"-Anong ginagawa niyo d-dito?! Ikaw! A-ace taksil ka! Kakampi mo na sila?! Kaya pala ang tagal mong nawala! Ba't mo nagawa samin 'to!" Sigaw ko sakanila pero tumawa lang sila sa'kin at ngumisi lang si Ace sa'kin.

Paano niya nagawa sa ka-uri niya ang magtaksil? Bakit niya ginagawa 'to?! Bakit pumanig siya sa mga kalaban?! Bakit?!!!

"Bago mo sabihin yan sakin Kristine, tanungin mo muna yung katabi mo kung sino ang mas taksil tsk!" Nagulat ako sa sinabi niya...

Lumingon ako kay Stacey na blangko ang mukha...

'Kristine, tanungin mo muna yung katabi mo kung sino ang mas taksil tsk!'

'Kristine, tanungin mo muna yung katabi mo kung sino ang mas taksil tsk!'

'Kristine, tanungin mo muna yung katabi mo kung sino ang mas taksil tsk!'

Bigla akong napabitaw kay Stacey na ngayon ay nakangisi sakin!

Pati siya?!
Napaatras ako ....

Pero mas nagulat ako nung magpalit siya ng itsura.. Isang lalaki, isang lalaki na kamukha ng kasama nilang lalaki na ngayon ko lang nakilala.

"Hi Princess Kristine, ako nga pala si Vin na nag-anyong Stacey HAHAHA!"

Hindi maaari. Hindi maaari!

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now