Chapter 64 : The Beginning

3.1K 91 5
                                    

This Chapter is dedicated to bibikyutttt waiting my update!
Enjoy reading!

~~~

Ace POV

Mukang magkakasira lahat dito sa kaharian ni Haring Drack. Pansin ko mula ng ako yung sumanib dito sa kanila pinalitan ng Hari ang plano. Naririnig ko mga sinasabi nila ngayon dahil kaharap ko sila at lahat sila galit kay Athena. Gusto nilang patayin si Athena, pero di nila alam na iba na ang plano.

Paano kung nalaman na nila sa huli? Magagalit sila at mawawalan na kami ng kakampi. Ano kayang plano ng Hari dito?

"Kailangan mamatay ng babaeng 'yon ng mapasakin na si Ralph!" Sigaw ni Ellisay na sobrang galit. Paano ba naman napakalaking sugat sa binti ang nakuha niya nung nakipaglaban kami doon sa kaarawan ni Melissa.

"Easy kalang girl, makukuha din natin yung kapangyarihan niya" sabi ni Barbie na nakangiti sakanya. Bati na sila? Nung isang linggo lang magkagalit pa sila a.

"At tayo ang magiging pinakamalakas sa mundo ng mahika HAHAHAHA!" Sabi naman ni Vin at nagtawanan silang lahat, para ngang mga demonyo.

Nakatulala lang ako dito at nag-iisip. Tanungin ko kaya ang Hari tungkol sa totoong plano? Mapanlinlang din 'to baka ako lang pala umaasa na magiging kami ni Athena sa huli.

Napatingin naman ako kay Barbie na panay landi kay Dracky. Hahaha landi ah. Si Natthew naman ay nakaupo lang sa isang tabi at hinanda niya na lahat ng drawing na ibabato niya sa laban. Sa papel na mismong lumalabas sa palad niya pag 'di pa 'yon napupunit at naihahagis sa ere 'di pa 'yon magiging totoo.

Nakita kong madami-daming halimaw ang naidrawing niya at kung sa drawing palang nakakatakot na paano pa kaya sa totoo diba?

Si Von naman ay kumakain sa isang tabi, nga pala si Von at si Vin ay kambal. Si Vin ang may kapangyarihan ng cloning 'di lang basta basta cloning kaya niyang magclone ng madaming tao ng sabay-sabay habang si Von ay cloning den at teleportation. Si Von yung nahuli ng mga Hari at Reyna ng Magical World sa Celestial Kingdom na nakasunod sa kanila. Planado yung pagkakahuli niya at si Vin na bahala sa cloning hahaha napakatraydor nitong si Vin, pero magaling.

Naisip ko na naman ang mga mukha nila, ng mga kaibigan ko sa Magian Academy. Napakasaya namin noon na parang walang mga problema. Lalo na yung bago-bago ko palang nakilala si Athena.

Ba't parang nalulungkot ako?

"Ace, sumama ka sa'kin" biglang may nagsabi sa likuran ko at nakita ko ang Hari na nakatingin sa'kin kaya sumunod ako sakanya sa Main room ng kaharian.

Nang makarating kami sa kwartong iton na puno ng napakaraming alagad ay umpo na siya sa trono niya at lumapit naman ako.

"Alam kong nauguluhan ka" sabi nito.

"Ano ba talaga yung totoong plano Haring Drack? Lahat sila galit kay Athena at ako lang yung nasa plano na 'di siya papatayin at makakasama ko siya dito." sabi ko at natawa naman ito ng bahagya. Nakakaines na kasi 'di ko alam yung totoo.

"Ikaw lang ang may alam ng totoong plano Ace. Hindi nila alam kaya ang binabanggit ko lang tuwing magpapatawag ako ng pagplaplano ay yung gagawin niyo sakaling susugod sila." Sabi niya at naguluhan ako lalo, eh paano sila Dracky?

"Magagalit sila sa huli pag nalaman nila Haring Drack. Ano gagawin natin sakanila kung ganon?" Naguguluhan kong sabi.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang