Chapter 28:The Princess of Celestial Kingdom is Back

14.2K 437 63
                                    

Dedicated to Winchester_G1rl

~~~~~~~~~

Linda's Pov
Ngayong araw ko na ipakikilala si Prinsesa Athena sa kanyang mga magulang sigurado akong maiiyak ang Hari't Reyna sa galak

Hindi naman kami maglalakad dahil magteteleport kami ni Prinsesa Athena or should I say Bessy

Bessy ko na siya ....^.^

"Bessy,alam mo bang sa Land of Paradise ang Celestial Kingdom?"

Tanong ko sa kanya baka kasi hindi nasabi ni Olivia eh

"Oo,saan ba yung Land of Paradise?" Tanong niya ng nakakunot ang noo.

"Sa Langit yon katulad rin siya ng Air Kingdom....Pero mas mataas ang Celestial Kingdom at malayo ito sa Air Kingdom"paliwang ko sa kanya kaya napa'ahh' siya

" so tara na?"tumango siya at kumapit sa akin

"Ut regnum Celstial" bigkas ko ng spell at pagkumpas ko ng Wand

In just a blink of eyes nandito na kami sa loob ng Celestial Kingdom

Athena's Pov

Talagang nagkaka ikot ang aking mga mata

Napakaganda ng Celestial Kingdom.....

Puro Violet and White siya

Bigla akong nakaramdam ng tunog sa aking dibdib

Pagkatingin ko rito ang kwintas ko?umilaw ang kulay itim at naging puti.....

"Prinsesa Athena,ngayong nakaapak kana sa Celestial Kingdom.Ang Enchanted Forest gumanda na ang punong itim don at nagkaroon na ng mga naggagandahang bulaklak doon

At sa Forbidden Cursed Forest......

Mawawala na ang mga halimaw na nakapasok doon.At ang buhok ng Hari't Reyna ay magbabalik na sa pagkakakulay lila " masayang sambit ni Linda..Ngumiti ako sakanya at niyakap siya sa pagkakagalak

Nakita ko ang buhok kong naging mas lalong nagkulay-lila napakagandang tignan ang kulay nito

"So tara na Mahal na Prinsesa?alam kong hinihintay kana ng hari't reyna."sabi niya naglakad na kami

Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa lugar na ito.Maraming alagad na nakapaligid sa bawat sulok ng kaharian

Napakalawak at kitang-kita ang naglalakihang kulay-lila na ginto

Kung ako sa kanila isasangla ko yan atlis yayaman ako diba? -.-

Ahaha,anyway back to reality,stand straight and externalize yo' real smile

Dami kong alam jusqo

Nakarating na kami sa loob ng napakalaking kaharian.

Mas lalong maganda ang loob nito dahil lahat ay kulay-lila at kulay puti napakasarap tignan ng kulay nito napaka aliwalas tignan.At mas lalong dumami ang mga alagad na nakakulay puti na pandigmaan na suot

Umakyat kami sa transparent na kulay-puting hagdanan napakaganda nito.Sino kaya gumawa nito?magpapagawa ako ng gantong hagdan pag nakilala ko siya hehehe

May malaking pintuan na kulay Lila akong nakita at sa tingin ko doon ang direksiyon namin Bessy

"This is Stritch"
Sabi ni Bessy aba!may password pala rito

Bumukas bigla ang pinto at nakita ko ang Hari't Reyna na nakaupo sa kanilang napakalaki at eleganteng upuan

Biglang tumayo ang Hari at Reyna at nakatitig sa akin

"Stritch,siya na ba ang anak namin?" Tanong nung reyna tumutulo na ang luha tsaka ako niyakap.

Nakaramdam ako ng lukso ng dugo ng yakapin niya ako kaya't niyakap ko rin ang aking ina at napaiyak na rin

Sinaluhan kami ng Hari sa aming pagyayakapan

Kitang-kita ko na masaya sila ngayon kulay-lila na rin ang buhok nila

"Ina,Ama matagal ko na po kayong hinahanap " sabi ko habang umiiyak

Yung dating pinapangarap ko na mahanap ang aking mga magulang at mayakap sila ng napakahigpit.Ngayon nasa harap ko na sila

Kumalas na kami sa yakapan at tinignan ang isa't isa kamukha ko ang ina ko sa mata at sa labi naman ang aking ama

"Matagal ka na rin naming hinahanap.Salamat at nakarating ka rito ng ligtas....." Sabi ng aking Ama

"Anak,nasaan na ang binigay ko sa iyong kwintas ?" Masayang sabi ni Ina sa akin

Pinakita ko sa kanya ang kwintas kong tinago sa ilalim ng aking pang taas na damit

"Mabuti at di mo nawala yan dahil yan ay kaya kang bigyan ng pangalawang buhay "
Sabi ni Ina

"Ehem,Mahal na Reyna may dapat po kayong malaman" sabi ni Linda at napatingin kaming tatlo sa kanya

"Ano iyon,Stritch?" Sabi ng aking ina

"Sa Magian Academy ho,Si Prinsesa Athena muntik na pong mamatay dahil sa pinagbintangan siyang dark magian.Pinahirapan po nila si Prinsesa Athena na halos ikamatay na niya buti nalang po at alam kong siya ang Prinsesa kaya't tinulungan ko siya.Si Prinsesa Kristine po pinalanghap siya ng hanging may lason,Si Headmistress Grace ay nilatigo siya ng may lason,si Prinsipe Aldrin po ay pinagbabato siya ng bato,si Prinsesa Stacey po sinakal siya ng tubig na may lason habang si Prinsipe Ralph po ay pinaligiran siya ng apoy kaya nalapnos ang balat niya.Pinagaling ko na po siya kaya wala na"

Lumaki ang mata ng aking Ina at Ama

"Sino ang unang nagbintang na isa siyang dark magian?!!!" Galit na sabi ng aking ama

"Ama,Si Ellisay po.Siya po talaga ang dark magian siya na mismo nagsabi sa akin na isa siyang dark magian" sabi ko ng nakayuko

"Wag ka mag-alala anak papatayin natin siya sa lalong madaling panahon at gusto ko ikaw mismo ang pumaslang sa kanya.Saglit lang pati ang mga Prinsesa at Prinsipe?!!pinagtulungan ka?!Nako malilintikan sa akin sila kakausapin ko ang kanilang mga magulang !"

"Ina wag po kayo mag alala ako na po bahala sa lahat sa ngayon po kailangan ko pong mag ensayo ng mabuti dahil pwedeng sumugod ang Dark Magian ng kahit anong oras.Sa susunod na mga araw magbo-bonding po tayo :)" ngumiti naman si Ina at Ama

At niyakap ulit ako
"Masaya ako at buhay ka anak" sabi ni Ama na nakangiti at may kunting luha sa mata

"Mahal ka namin anak.Kaya ka napalayo ka sa amin dati dahil kailangan mong maging ligtas "sabi ni Ina

" Salamat po at buhay kayo akala ko po talaga wala na akong magulang"patuloy ang agos ng aking luha

Ngayon,iingatan ko na sila Ina at Ama dahil ayoko ng mawalay sa kanila

Headmistress Pov
Bumukas ang pinto at ang niluwa ay si Azaleah na hinihingal

"Oh anong nangyari?" Sabi ko at napatayo

"Ang Enchanted Forest po ay bumalik na sa dating itsura.Naging mas maganda pa ito kesa dati.At ang Forbidden Cursed Forest po ay lumiwanag na at biglang gumanda nawala na raw po ang mga halimaw sa loob.Headmistress The Princess of Celestial Kingdom is Back!" Hingal niyang sabi

What?!

0_0

~~~~~~~
A/N:Hows this chappie?
Sorry again sa typo error and wrong spelling and grammars
Hope you like it

Hindi nila alam na si Athena na yon hahaha!Paano pa kaya pag nalaman nila baka ipapatay na talaga sila nung Hari at Reyna ng Celestial Kingdom

Hahaha Go Athena!

Lovelots

Cold_GangsterQueen

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ