Chapter 50: Truth Hurts but it Helps

7.2K 192 9
                                    

Dedicated to bestie! Hi bestie :) good luck on your story :) just go for it .....
XxArmy_Is_LifexX

Athena's Pov

"Si Era ay bunsong anak ko, nakakabatang kapatid siya ni Alicia na siyang tita mo Athena.Ang kapangyarihan niya ay witchcrafting ,manipulating ,cloning at Dark monster.Namana niya kay Mario ang kapangyarihang Dark Monster sa akin naman niya nakuha ang witchcrafting,cloning at manipulating ,si Mario ay ang asawa ko ,siya ay ang lolo mo.Noon pagdating kay Alicia lahat nasusunod dahil nga panganay siya, habang si Era ay lagi naming pinagbabawalan dahil siya ang bunso at iniiwasan lang namin siya mapahamak." Huminto sa pagsasalita si Lola at kumunot ang noo, sigurado akong may ginawang masama si Era.

Diba manipulating at dark monster ang kapangyarihan ni Era--este Tita Era?Anong koneksyon niya kay Dracky?Nako may masama akong kutob dito.Sana hindi........

"Sobra sobra ang inggit ni Era kay Alicia noon.Dahil nalaman ni Era ang napag-usapan namin ni Mario na si Alicia ang magiging Reyna sa paglipas ng panahon.Parang si Drack lang si Era, si Drack at Ashtone ay magkapatid pero si Drack ang inggit na inggit kay Ashtone.Dahil noong mga panahong iyon ay magkasintahan si Alicia at Ashtone, at si Ashtone rin ang magiging hari sa Kaharian ng Aepiro sa hinaharap, kaya nagalit si Drack. Nakilala ni Era si Drack at napagtanto nila na may parehas silang sitwasyon, pero hindi naman nahulog si Era kay Ashtone.

Nagkampi si Era at Drack at bumuo sila ng kaharian na tinatawag ngayong 'Dark Kingdom'.Si Drack ang namuno,hindi nagtagal nag ibigan rin silang dalawa, lahat ay nagbago dahil kay Era.Dahil umamin si Era kay Drack na mahal na niya ito, sa kabila ng lahat ng pinapakitang kasamaan ni Drack sa kapatid nito. Sabi ni Drack kay Era na mahal rin niya si Era pero hinding hindi nito matutumbasan ang pagmamahal niya kay Alicia. May nangyari kay Era at Drack ng gabing iyon, at di naglaon nalaman ni Era na buntis siya.Habang pinagbubuntis pa lamang ni Era ang dalawang kambal niyang anak pinangalanan niya itong Trixie at Dracky-----"

"ANO?!!PINSAN KO YUNG MOKONG NA 'YON?!!" Napasigaw ako sa sobrang gulat.Tignan mo nga naman ang liit talaga ng mundo pati ba naman dito sa mundo ng mahika?!kaloka ah!

Nak ng teteng!yung mayabang na yon pinsan ko pala?!!!

"Hay nako lola, let me breath! Let me breath!ohh, ok continue na lola pero mainit pa rin nakaka-intense yung kwento. Lola pwedeng magrequest?" Tumango naman si lola habang natatawa."Aahh.. Pakiulit yung sinabi niyo baka nabibingi lang ako lola hehe" sabi ko habang nag i-inhale exhale at pinapaypayan ko sarili ko gamit kamay.

"Tama ang narinig mo Athena , pinsan mo si Trixie at Dracky.Pwede na ba akong magpatuloy sa pagkwe-kwento apo?nagulat ata kita haha"
Grabe pinagtatawanan ako ni lola.

"Okie, lola continue mukha naman na akong naka-recover sa nirevealed mo hehe"

"Makalipas ng isang taon pinagbubuntis ka naman ng iyong Ina , apo.Kaya nung nalaman iyon ni Drack lalong nagalit ito at hindi nagdalawang isip na lusubin ang Celestial Kingdom at sa mismong kaarawan ni Alicia siya sumugod na kapanganakan mo rin apo."

So mas matanda pa sa akin yung lalaking yon?Tsk mukha siyang isip bata sa lagay niya. Tsk!

"Teka po Lola, di ko pa po nakikita si Trixie, si Dracky palang nakita ko. Tsaka nga pala nasaan po si tita?" Biglang lumukot yung mukha ni lola.Hala mali ata natanong ko.

"Ok lang ako apo, wag mo akong pansinin marahil may naalala lang ako. Si Drack ay nagsimula ng maging mainitin ang ulo at gustong gusto niya magkaroon ng isinumpang mahika, ang cursed magic na meron ka apo na meron rin ako noon.Kaya ikaw ang target niya mula noong ipinanganak ka hanggang ngayon.Sa kagustuhan niyang magkaroon ng kanang kamay na malakas, ginamit niya si Era, nakontrol niya si Era gamit ang manipulating power niya. Hindi ito lubusang inakala ni Era na kokontrolin siya ni Drack pero wala siyang magawa dahil mas malakas ito sa kanya.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now