Chapter 41: Meeting the Queen of Wizard Kingdom and Linda's Secret

11.2K 304 32
                                    

Athena's Pov

Bumitaw sa yakap si Bessy sa babaeng kayakap niya siguro mga mid 30's na yung babae

Humarap si Bessy sa amin ng nakangiti.

"Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo----"

Naputol ang pagsasalita ni Bessy ng sumabat si Ralph

"Wag mo ng ipakilala alam naming siya ang Reyna ng Wizard Kingdom" sabi ni Ralph habang naka cross-arms

Sinita naman siya ni Aldrin upang magbigay galang kaya humingi ng paumanhin si Ralph

Tsk!ayan kasi!

"Hindi pa kasi ako tapos Prinsipe Ralph e.Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo si Reyna
Amelia ang aking Ina"

"ANO?!!!" sabay-sabay naming sigaw

Habang si Headmistress at Azaleah ay nakanganga

"Paumanhin kung hindi ko nasabi sa inyo.Oo ako ang Prinsesa ng Wizard Kingdom,kailangan kong itago dahil baka ako ang puntiryahin ng mga dark magians na nakapaligid dito sa Magian Academy.At Bessy hindi sinabi ni sayo ni Olivia dahil sinabi ko sa kanya na ako na ang magsasabi" Sabi ni bessy

Kaya pala
Alam kong may mga kaanib dito ang mga dark magian.....

(Habang ang isa sa mga nasa loob ng kwarto ng Headmistress ay napalunok sa narinig at sa kaba,siya ang isang kaanib ng Dark Magian)

"Prinsesa ka pala Bessy kinagagalak ko kayong makilala Prinsesa Linda at Reyna Amelia" sabi ko at yumuko bilang paggalang

Naalala ko hindi ito kinuwento ni Olivia ano ba yan!

Yumuko rin sila Stacey,Aldrin at Bestie

Pero si Ralph hindi parang naguguluhan siya

"Diba ang iyong apilyedo ay Green?Bakit hindi kayo magkatulad ng iyong Ina?" Naguguluhang tanong ni Ralph

At si Reyna Amelia naman ang sumagot

"Green ay simbolo ng isang witch kaya ayan ang in-apilyedo ko sa kanya upang hindi malaman ang kanyang katauhan.Ang Linda naman na kanyang pangalan ay galing sa aking yumaong ina na si Alindana ang lola ni Linda.Ang totoong pangalan ng aking anak ay Melissa Wizardous.Siya ang tinakdang magiging tagagamot ni Reyna Alicia at Haring Ashtone.Dahil mula nung bata pa lamang si Melissa ay binasbasan siya ng dating Tinakdang Prinsesa na lola ng ating Tinakdang Prinsesa ngayon" sabi ni Reyna Amelia na nakangiti sa akin

So ang aking lola ang dating tinakdang Prinsesa dati?

Ba't hindi na naman kinuwento ni Olivia?nakoo makakatikim na talaga sa akin si Olivia pag nagpakita yon! -.-

"Ba't hindi naging Itinakdang Prinsesa si Reyna Alicia ang aking Ina?" Naguguluhang tanong ko kaya nabaling ang tingin nila sa akin

"Dahil nung nakaraan na bata pa kami nila Alicia kasing edad niyo.Umibig na si Alicia kay Ashtone pero si Drack ay na-iinggit sa kanila dahil mahal ni Drack si Alicia.Yung lola mo naman Prinsesa Athena ay hindi binasbasan ang iyong Ina na si Alicia dahil sa nagkaroon ng pilat ang iyong Ina ng mag-away si Ashtone at Drack. Nadamay si Alicia nung nag-away silang magkapatid kaya buong lakas hiniwa ni Alicia ang  kanyang pulsuhan kaya natigil si Ashtone at Drack sa pag-aaway.Dahil kapag ang isang Prinsesa ay sinugatan ang sarili ay hindi siya mababasbasan ng kanyang Ina."

Hindi pala Legendary Princess si Ina?Akala ko lahat ng nagiging Prinsesa ng Celestial Kingdom katulad ko ay magiging isang Itinakdang Prinsesa

Paano pag sinugatan ko ang sarili ko hindi ako babasbasan?So hindi pa pala ako nababasbasan nung sanggol pa lamang ako?

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now