Chapter 54: Inlove

6.1K 202 19
                                    

Athena's Pov

Nakatitig lang ako sa kanya dahil hinahintay ko yung sasabihin niya. At narinig ko pa siyang bumulong na 'sasabihin ko ba talaga?'

Nacu-curious tuloy ako......
Antagal naman.....

We stayed at that position for a seconds.....

Minutes na ata? Hindi na 'ko nakatiis...

"Uy Ralph? Ano ba kasi 'yon?" nilingon niya ko at bumulong na naman. Psshh!

Siguro kaya siya ganyan kasii.....
Hala baka nga?!

"Aha! Alam ko na!" napasigaw ako don at nakita kong nanlaki sobra yung mata niya. Hayyyy nakooo aminin na kasi!

"A-alam mo n-na?" at nauutal pa talaga ah? Nako mga ganyang galawan alam ko na e. Lalaki nga naman...

"Oo, kaya pala kinakabahan ka d'yan ah? May pahawak-hawak ka pa sa kamay ko para magmukhang sincere. " sabi ko at binigyan siya ng matalim na titig. Nanlaki na naman mata niya! Nako masama 'yan baka lumuwa yan.

Ganto yung mata niya oh. O_O

"S-sabihin mo n-nga" sabi niya at ang laki pa rin ng mata.

"Wag ka nga maglaki ng mata Ralph baka lumuwa 'yan tsaka nakakatakot ka" sabi ko at hinawakan ang kilay at pisngi niya at pinagdikit. Ang creepy kaya!

"T-teka teka, Athena anong alam m-mo?" sabi niya at tinanggal ng isang kamay niya yung isa kong kamay sa mukha niya.

"May ginawa ka no?! Tapos magsosorry ka ngayon?!! Nako Ralph, di ako tumatanggap ng sorry ngayon. Sorry Confession is now close--- ARAYY! Ba't ba namimitik ka ng noo?!" sabi ko habang siya mukhang nahimasmasan na dahil di na malaki ang mata niya -_-.

"Hindi kasi 'yon yung sasabihin ko. Tsaka wala k-kong ginawa no" sabi niya kala ko naman kung ano nang ginawa niya.

"Kasi Athena, matagal ko na'tong nararam----"

"ATHENAA!" naputol na yung sasabihin dapat ni Ralph dahil may sumigaw sa bandang likuran ko. Nakita ko si Ace na kumakaway at mabilis na nakapunta sa harap namin ng nakangiti.

"Athena.....Ralph tara na kanina pa kayo hinahanap nila Kristine sa Cafeteria. Ano? Tara na?" sabi ni Ace. Paano na yung sasabihin ni Ralph napatingin ako kay Ralph na nakatingin sa'kin pero hawak niya pa rin kamay ko. Napatingin naman ako sa kanan ko , kay Ace na nakangiti.

"Uhhh Ace? Mauna kana sa-----" he cut my words.

"Athena naman, binilan na kita ng pagkain baka lumamig 'yon. Sige ka magtatampo ako " sabi ni Ace na parang nagpout. Napatingin ako kay Ralph, makakapagintay naman siguro yung sasabihin niya no?

"R-ralph, pwedeng mamay----" and he cut also my words -.-

"Sige na mauna na kayo, s-susunod ako" sabi niya pero yumuko bigla nakita ko ang lungkot sa mata niya. Pero kaagad rin naman siyang nagtaas ng ulo sa amin.

Ang lungkot ng mata niya...

Bigla niyang binitawan yung kamay ko at dahan dahan siyang nawala sa hangin habang nakatingin sa mata ko.

Hysss... Ralph ba't ko ba 'to nararamdaman?

"Uy Athena, let's go" Natinag ako ng tawagin ako ni Ace, kaya naglakad na kami. Teka? Pwede naman kaming magteleport?

" Ace ba't tayo naglalakad pwede naman tayo magteleport?" tanong ko kaya napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Athena.....matagal na kitang kilala pero ngayon lang ako maglalakas loob na sabihin sa'yo 'tong nararamdaman ko. Athena mahal na kita"

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon