Chapter 63: Confession

3.4K 103 2
                                    

Third Person's POV

Nagpatawag ng pagtitipon ang Headmistress ng Magian Academy sa kanilang Training Field.

Masyadong maaraw kaya napakaganda ng panahon upang mag ensayo. Pinaliwanag nilang lahat na mag eensayo ang lahat gamit ang mga armas, walang kasamang kapangyarihan at si Prinsesa Athena ang may kagustuhan nito.

Dahil para sakanya, limitado ang paggamit ng kapangyarihan kaya mas maganda kung matututo ang lahat hindi lang ang mga may katungkulan sa mundo ng mahika pati na din ang mga ka-lahi nito.

Malawak ang pinag-eensayohan ng lahat, habang ang mga sub-elementalist at ibang kasama ni Athena ay sa Legendary Forest nag-eensayo. May mga dummy na inihanda ang kanang kamay ng Hari at Reyna ng Wizard Kingdom which is Ina ni Veronica.

Inihanda niya ang mga dummy para pagpraktisan ng lahat, tig-isa ang bawat isa ng dummy kaya naman di sila nahirapan...

Habang lahat ay nagsisimula ng mag-ensayo, si Athena ay may pangamba at pag-aalala padin dahil sa nangyari kahapon.

"Ahmm Athena" biglang sumulpot ang isang magandang lalake sa gilid niya na nagngangalang Ralph. Hindi maiwasan di matulala ni Athena dahil napakaganda ng katawan ni Ralph sa suot niyang sando na kita ang magandang pagkakahulma ng kanyang katawan. Lalo pa itong gumwapo dahil sa basa nitong buhok dahil sa pawis na nakukuha niya dahil kanina pa ito nagsisimulang mag ensayo.

"Di kapa ba magsisimula Athena? Alam kong inaalala mo padin si Kristine pero mas maganda kung mag eensayo kana gamit ang regalo sa iyo ng Lola mo" sabi nito sa kanya pero si Athena tulala padin sa itsura niya kaya napakamot si Ralph sa batok dahil siguro sa nahihiya siya.

"Uhhh, Athena?" Pagtawag ni Ralph sakanya dahil di na ito nagsalita. Kaya nagising naman si Athena at napatango nalang sa sinabi nito.

"Kapag kailangan mo ng kahit ano wag kang mahiyang tawagin ako okay?"ngumiti si Athena at tumango sakanya saka tumayo para mag ensayo.

Napangiti naman si Ralph at ginulo ang buhok ni Athena saka bumalik sa pag eensayo.

Lingid sa kaalaman ng lahat may nakatingin sakanila mula sa malayo. Isa sa mga nagtraydor sa kanila para sa pansariling kagustuhan. Isa din sa mga naging malapit sakanila pero kinain ng galit kaya gustong mamatay ang Prinsesa.

Sa kabilang banda mula sa Dark Kingdom,

Nandoon na sila sa silid kung saan namamalagi ang kanilang Hari nag-uusap tungkol sa mga plano nila sa pagsugod ng grupo ni Athena.

Nakatayo si Ace kasama ang iba pa niyang kasama sa harap ng Hari habang mga nakangiti ng parang demonyo. Kababalik lang din ni Elissay na galing pa sa mundo ng mga mortal dahil may kinausap siya don na kaibigan niyang matagal na ng kanyang nakita.

Wala silang kaalam-alam na gumagawa ng paraan ang dalawang magkaibigan sa selda para makatakas.

"Patawad Athena, hindi pa'ko handa." sabi ng isang tinig mula sa likod ng puno na nakatanaw sa Magian Academy. Napaluha siya at nilisan ang lugar na 'yon.



Athena's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan itong Legendary Blade Sword na ipinamana sa'kin ng Lola ko. Napakaganda talaga niya at kulay lila din ito.

 Napakaganda talaga niya at kulay lila din ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now