Chapter Seven

2.5K 64 0
                                    

[Chapter Seven]
Ian

Hindi ko parin maalis sa isip ko yung hair clip kahit ilang araw na ang lumipas.Same siya sa hair clip na nasa akin. Tinignan ko ang hair clip. Imposible kaya kay Nicole toh pero si Cassie ang iniligtas ko. Baka parehas lang sila kasi magkapatid naman sila.

"Ian, kain na" saad ni mommy na nasa labas ng kwarto ko.

"Susunod lang ako mom" saad ko. Narinig ko ang yapak ni mom papalayo. Kakauwi ko lang kasi inihatid ko pa siya. Suot niya ang hair clip niya kanina. Hindi ko mapigilan ang mapa isip. Sa pagpapanggap namin dahan dahan na lumalayo si Neil. Hindi ko pa ngayon tatapusin ang pekeng relasyon  namin dahil nagsisimula pang lumayo si Neil.

Ibinulsa ko ang hair clip at bumaba. N abutan ko si mom na kumakain. Umupo ako sa tabi niya. May lakad ata si mom kasi bihis na bihis siya.

"Anak mawawala ako ng ilang linggo ah. May business trip kami sa Thailand at Hongkong" saad ni mom at uminom ng juice. Tumango lang ako. Sanay na ako sa ganito. Na ako ang maiiwan mag isa sa bahay. Kahit hindi ko palagi makita si kom hindi nababawasan ang pagmamahal ko para sa kanya.

"Anak thank you for understanding mommy ha. Pag uwi ko lalabas tayo" saad ni mom. Ngumiti ako at tumango. Tumayo na si mom at niyakap ako. Hinalikan niya noo ko at lumabas ng bahay.

Na iwan akong mag isa sa dining table. Kumain na lang ako. I never experienced na sabay sabay kayong kakain ng pamilya mo. I want to experienced that but I know that's impossible to happen.

Pumunta lang ako sa sofa at binuksan ang tv. Nanood lang ako ng movie. Na bored na ako kaya nag laro ako ng PS4. After kong mag laro ay umakyat ako. Kinuha ko ang gitara ko at naisip na mag film na ako.

Kinuha ko phone ko at inayos ito. Kinuha ko ang gitara ko. Nasa balcony ako kasi maganda ang back ground. Inayos ko ang damit ko. Magsta-start na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko iyon. Siya? Anong ginagawa niya dito?

"Natutulog ka na ba? Sorry ah na istorbo kita. Ito pala yung assignment ma pinapagawa mo sa akin" saad niya at inilahad ang notebook. Oo nga pala nagpagawa ako sa assigment ko. Kinuha ko iyo at itinapon sa kama.

"Ma una na ako" saad nito at aalis na sana. Hinawakan ko ang wrist niya. Napatingin siya sa akin.

"Nakapag film ka na?" Tanong ko.

"Oo tapos na. Ipapasa ko na bukas" saad niya.

"Can you help me to film?" Tanong ko. Tumango naman siya. Pumasok siya sa kwarto ko.

"Ang linis ng kwarto mo ah" saad nito at umupo sa kama ko.

"Doon ka magfi-film?" Tanong niya sabay turo sa balcony. I nod. Tumango siya at lumapit roon. Umupo siya sa hammok ko doon. Ginalaw galaw pa niya ito.

"Start ka na. Ipapatigil lang kita kung may mali" saad nito. Umupo na ako sa upuan. Iclinik ko na ang start button.
Sinimulan ko narin ang pagtugtug.

I want to lay down by the fire with you
Where souls are glowing, ever warmer too
Your love surrounds me like a lullaby
Singing softly, you are mine oh mine

Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I have never been more certain
I will love you 'til we're old

Maybe the night holds a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down, just be near
Stay together here

Tinignan ko siya habang umaawit ako. Hindi ko alam biglang tumibok ang puso ko. Ngayon ko lang napansin na magand siya. Yung maganda niyang mata at maliit na matangos ang ilong. Ang amo ng mukha niya.

Fake GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя