Chapter Ten

2.3K 65 0
                                    

[Chapter Nine]
Nicole

Maaga akong nagising kaya maaga akong natapos sa pagaayos. After kong mag ayos ay bumaba na ako. As usual nandito na naman siya. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti narin ako.

"Kumain ka na?" Tanong ko. Napa iling naman siya. Pumunta na kami sa dining table. Nakatingin siya sa akin. Nagtataka lang ako.

"May dumi ba yung mukha ko?" Tanong ko.

"Ah! Wala" saad nito at uminom ng tubig. Pagkatapos naming mag almusal ay umalis na kami sa bahay at pumunta na sa school. Tahimik lang siya at kung minsan ay tumitingin sa akin.

Pagdating namin ay na una akong bumaba. Sumunod naman siya sa akin. Hinawakan niya kamay ko as usual. Napatigil ako nang makita si Neil may kasamang lalaki. Boyfriend niya ba yun? Hindi baka kuya lang niya.

"Okay ka lang?" Tanong nito. Napatango naman ako. May iba na kaya si Neil? Haysttt! Tigilan mo na nga yan.

"Ian ma una na ako. Hahanapin ko muna mga kaibigan ko" pa alam ko. Magsasalita pa sana siya pero tumakbo na ako.

Napatigil ako nang may bumanga sa akin. Tinulangan niya akong tumayo. Napatigil ako nang makita ko muli siya. Si Travis ang ex boyfriend ko. I fall for him in past. But I already forget my feelings for him. I thought it won't affect me but why I'm hurt?

"Nicole?" Saad nito. Umiwas lang ako nang tingin. Muling nanumbalik sa akin ang mga alala namin.....

Sampung taong gulang pa lang ako noon nung dalhin ako ni mama at papa sa bahay nina Travis. Birthday kasi noon ng ate niya. Close kasi ang family namin sa kanila.

Habang kumakain kami ay biglang tiniwag ni tito Miguel ang anak nito. At si Travis yun. Hindi ko mapigilan na masabi sa isipan ko na gwapo siya. Bigla siyang lumingon sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Umupo siya sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya. Napangiti siya sa akin.

Pagkatapos ng kainan ay nagku kuwentuhan sila. Nasa harap lang ako ng piano nila. Gusto ko mang tumugtug ngunit baka magalit pa sila sa akin. Wala kasi akong maka usap. Busy si ate Cassie sa paguusap sa iba. Habang si kuya ay hindi naman sumama. Si mama at papa ay may kakwentuhan. Ako lang mag isa at walang ka usap.

"Magandang gabi" nagulat ako nang biglang sumulpot si Travis sa harapan ko. Yumuko na lang ako.

"Wag kang mahiya. Tao lang naman ako at hindi ako engkanto" biro nito. Napatingin naman ako sa kanya. Tumatawa pala siya. Ngumiti na lang ako.

Tumigil siya sa pagtawa at inayos ang damit niya. " James Andrew Travis Del Valle. You can call me Travis" saad nito at inilahad ang palad nito. Nahihiya pa ako nun.

"Natasha Nicole Fernandez. Nicole na lang itawag mo" saad ko at nag handshake kami.

Nag kuwentuhan pa kami. Nalaman ko na galing pa siya Florida dahil dun siya nag aral. Umuwi lang siya rito kasi birthday ng ate niya. Nag kuwento rin ako sa buhay ko. Pareha kami mahilig sa music.

Simula sa araw na iyon ang naging mag kaibigan kaming dalawa. Pareha kami ng pinasukan na paaralan. Simula elementary hanggang highschool. Hindi na siya bumalik sa Florida dahil gusto niya dito mag aral.

Halos araw araw siya kasama ko pag uwi at pagpasok sa paaralan. Isang araw bigla na lang siyang umamin sa  nararamdaman.  Hindi pa ako umamin kasi hindi pa ako sigurado. Dahil dum, nag simula na siyang ligawan ako.

Graduation day namin sa highschool . Umamin na ako at sinagot siya. Ang saya niya sa araw na iyon. Nag bakasyon kami sa Boracay. Kasama family namin. Alam na nila ang relasyon namin.

Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now