Chapter Eleven

2.2K 51 0
                                    

[Chapter Eleven ]
Ian

May minahal na siya noon. May possible na may nararamdaman pa siya. Haysst bat ko kasi iniisip yun. Ang isipin ko kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Nahihiya parin ako eh. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko.

"Ang lalim ng iniisip mo bro" sabi ni Justine. Nasa field kasi kami. Recess na kasi at hindi ko pa siya nakikita.

"Wala, hanapin ko muna siya" sabi ko at umalis roon. Nakasalubong ko mga kaibigan niya pero wala naman siya.

"Si Nicole hanap mo. Nasa classroom parin siya" saad ng kaibigan niya. Tumango na lang ako. Kumaripas ako nang takbo papunta sa class room.

Napatigil ako nang makita ko siya kasama ex niya. Nag usap pa sila bago lumabas. Bago pa man siya makalabas ay hinawakan nito kamay nito. Napatigil si Nicole at humarap sa kanya.

"Sorry" may sinseridad ang pag sabi nito. Hindi ko na kaya ang matagal nilang pagtitigan kaya pumasok na ako. Nagulat si Nicole sa pagdating ko. Agad kong inalis ang kamay ni Nicole.
Agad akong umakbay sa kanya.

"Dumistansya ka sa girlfriend ko. Wag na wag mo bastang hawakan kamay niya" seryoso kong sabi. Hindi siya umimik at nakatingin kay Nicole.

"Gusto ko lang naman makipag bati" saad nito at tumingin sa akin.

"Sa tingin mo papatawarin ka niya pag nanghingi ka nang tawad? Nasaktan siya dahil sa ginawa mo. Tutulungan kong maka move one siya kaya lumayo ka na sa kaniya" tugon ko.

"Bakit alam mo ba ang kwento namin?" Sabi nito.

"Hindi ko na kailangan pang alamin yang kwento niyo noon. Past ka lang dude. Ako ang bago niya" banat ko. Nagkaka initan na kaming dalawa. Pumagitna na si Nicole sa amin.

"Tama na yan!" Sabi nito. "Tara na Ian. Baka mag suntukan pa kayo" saad nito at hinila ako. Tumingin pa ako sa kanya.

Tumigil kami sa garden. Walang ka tao tao rito at kami lang dalawa ang narito. Napa upo siya sa bench. Umupo narin ako sa tabi niya.

"Sorry sa kanina ah. Di na ako makapagpigil" sabi ko at tumingin sa kanya. Tumango na lang siya. Ngumiti na lang ako. Nagulat ako kasi bigla niya akong yakapin at humagulgul.

"Akala ko nalimutan ko na siya pero hindi pa pala. Sariwa pa sa akin ang sakit na idinulot niya" sigaw nito at humagulgul. Walang makakarinig sa kanya kasi kami lang naman ang tao.

"Tahan na. Hindi madali maka move on" pagtatahan ko at hinimas likod niya. Kumalas na siya sa pagkayakap.

"Salamat Ian ah. Hindi ako mag sasawa na pasalamatan ka. Salamat kasi pinapagaan mo loob ko. Salamat kasi nandyan ka palagi para damayan ako. Kahit hindi magtatagal tayong mag kasama tandaan mo hindi kita makakalimutan. Sana makahanap ka nang taong mamahalin ka" sabi nito at ngumiti. Masakit pero alam kong hindi niya ako kayang mahalin pabalik.

"Walang anuman" yun na lang sinabi ko at niyakap siya. Nag palipas muna kami ng minuto rito bago pumasok sa susunod na klase. Naka sandal lang siya sa balikat ko. Dinadama lang namin ang lamig ng hangin.

"Nicole pasok na tayo" sabi ko. Tumango siya at umalis na sa balikat ko. Tumayo na kami. Hinawakan ko kamay niya. Hindi rin magtatagal ay malalaman rin niya tungkol kina Neil. At hudyat na iyon na magtatapos na ang pagpapanggap namin. Sabay kaming pumasok sa music room. Wala si Neil roon baka kasama niya si Bright. Bihira narin siyang pumasok rito.

Umupo kami sa upuan na nasa gilid. Nandito narin si sir Arnold. Tinawag niya si Nicole. Tumayo si Nicole at sumunod sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro muna nang candy crush. Ilang minuto ay bumalik na siya. Ibinulsa ko na ang phone ko.

Fake GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora