Chapter Sixteen

2K 50 0
                                    

[Chapter Sixteen]
Ian

Hindi ko mapigilan ang masaktan. Yung hawak niya kamay niya. Kinantahan niya ito. Mga ngiti na iba ang naging dahilan. Hindi na ako. Hindi na ako nagulat kasi alam ko namang posibleng mag balik ang nararamdaman niya. May panahon na gusto ko nang sumuko pero gusto ko ang lumaban. Makipagpatayan pa ako sa iba para makuha siya. Hindi ko  alam bat ganong ang epekto niya sa akin. Damn! This feeling.

Bumaba na ako sa kotse ko since nandito na ako sa bahay nila. Invited kasi ako sa party ng kuya niya. Kinakabahan ako kasi mahaharap ko na naman siya. Papasok na sana ako nang nasa gate pala siya. Binabati ang bisita ng kuya niya. Napatigil siya nang nakita niya ako. Shit! I can't breath!

"Pasok ka na. Sa likod ka dumaan may nag uusap sa loob" sabi nito at umiwas ng tingin. Tumango ako at pumasok.

Umupo ako sa isang upuan. May kanyang kanyang grupo yung iba. Ako lang ata mag isa rito kasi halos hindi ko kilala ang iba. Nagulat ako nanv umupo siya sa tabi ko. Lumayo ka please. I can't breath.

"Bakit mag isa ka? Alam mo ba na nilakasan ko loob ko para may makasama ka?" Saad nito. Napatingin ako sa kanya pero nasa pool lang siya nakatingin.

"Congrats sa inyo ni Travis" mapait kong bati. Napatingin siya sa akin ng naka kunot ang noo.

"Anong pinagsasabi mo? Wala- aishhh! Bahala ka nga diyan" saad nito at nag walk out. May mali pa sa pagkasabi ko? O mali ang pagka intindi ko nung magkasama sila? Aishh! Kumuha ako nang beer at nilagok iyon.

"Mabuti at nakapunta ka" saad ng kuya niya at umupo sa tabi ko.

"Mabuti nga" saad ko at kumuha muli ng beer.

" Kumain ka muna may nakahandang pag kain roon" sabi niya at itinuro ang lamesa na may mga pagkain. Tumango ako at pumunta roon. kumuha ako nang plato. Sa dulo may torta. Naalala ko tuloy nung binigyan niya ako. Kumuha ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Nandoon parin kuya niya. Umupo ako inilapag sa table ang plato ko.  Nagsimula akong kumain.

After kung kumain ay uminom ako ng beer. Napatingin ako sa kuya niya na nakatingin sa kawalan. May problema ata toh.

"May problema?" Tanong ko at uminom ng beer.

"Magiging ama na ako bro. I'm not ready yet" nakayuko nitong sabi. May pamangkin na siya.

"Ayos lang yan. Minsan hindi natin inaasahan na may ganong mangyari sa buhay. Pero lahat ng mangyayari ay may rason. Sa tingin mo ano ang rason?" Saad ko. Umiling siya bilang sagot.

"Hindi ko rin alam kung ano ang rason pero malalaman mo rin" sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Salamat, puntahan ko lang yung iba" pa alam nito at umalis. Naiihi ako at hindi ko alam kung saan ang cr nila.

Pumasok ako sa bahay nila. Nadatnan ko siya naka pang tulog na damit na siya. Umiinom lang siya ng gatas. Lumapit ako sa kanya.

"Ano kailangan mo?" Tanong nito at uminom ng gatas.

"Saan cr niyo?" Tanong ko at itinuro niya ang isang pintoan. Tumango ako at pumasok roon. After kong mag cr ay lumabas ako. Wala na siya sa kusina pero nakita ko siya sa balcony. May sariling buhay ata tung paa ko kasi dinala ako nito palapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa langit.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong nito. Bakit yan ang lumalabas sa bibig niya?

"Ikaw" napagtanto ko na may mali sa sinabi ko. Napatingin siya sa akin at naka kunot ang noo.

"Ang ibig kong sabihin, ikaw anong ginagawa mo rito?" Paglilinaw ko. Medyo kinakabahan ako. Umiwas siya ng tingin at tumingin muli sa langit.

"Kailangan ko pa ba yang sagutin? Malamang nandito ako. Dito ako nakatira" may pag ka sarkastiko ang pagkasabi niya  Di ko alam may pagka sarkastiko pala tong babaeng toh.

Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now