Chapter Four

2.7K 72 0
                                    

[Chapter Four]
Nicole

Bihis na ako at tsaka umalis na si mama. Napa aga ang flight niya. Nag iwan lang siya ng letter para sa akin.

Anak pasensya na ha, hindi kita maihahatid sa school mo. Maaga kasi ang flight ko eh. Hope maintindihan mo.
-Mama

Si mama naman ang OA. Bakit kailangan pa sabihing hindi niya ako maihahatid. Ano ako bata? I understand mama. Alam ko na hindi lang kami ni kuya ang anak ni mama. Anak na ang turing ni mama kay ate Cassie since nung dinala siya rito ni papa. May nabuntis kasi si papa na babaeng bayaran. Hindi iyon sinadya ni papa dahil lasing lang siya. Sinabi niya ang totoo kay mama. Dahil dun sobrang galit si mama. Halos gusto na ni mama na mag divorce sina papa pero mas nangingibaw kay mama ang pagmamahal niya para kay papa. Nung isinilang si ate Cassie,namatay ang nanay niya pagkatapos siya isinilang. Kaya inampon ni papa at siya naman rin ang tatay. Mabuti si ate kaya magkasundo kaming dalawa.

"Ma'am may naghihintay po sa inyo" saad nung maid na nasa labas ng kwarto ko.

"Baba na ako" saad ko. Sino naman kaya ang naghihintay sa akin ng ganito ka aga? Baka mga kaibigan ko lang.

Lumabas na ako at bumaba pero. Na istatwa ako ng makita si Ian. Naka upo sa sofa namin at inip na inip na. Anong ginagawa niya dito?

"So your just gonna stand right there. Hindi ka ba kakain?" Natauhan na lang ako nang mag salita siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" Taray kong tanong. Napa rolled eyes naman siya at tumayo.

"Susunduin ka. Tara kain na tayo" saad niya at hinila ako papunta sa dining table. Umupo na siya habang ako nakatingin sa kanya. Para siya yung may ari ng bahay. Mukha siya yung hari.

"Kumain ka na. Male-late tayo" dahil sa sinabi niya natauhan ako at umupo sa harapan niya. Kinuha ko ang isang hotdog at fried rice. Nag burp ito pero hindi nag excuse. Feeling hari.

"Tapos ka na? Bilisan mo nga pagong" inis na saad nito. Ano? Ako pagong? Mukha nga akong dyosa at ngayon sasabihin lang niya na mukha akong pagong.

"Sinong pagong?" Taray kong tanong.

"Ikaw" saad nito at medyo natawa. Napakunot ang noo ko. Tumawa lang siya. May saltik ata tong lalaki na toh.

"Seryoso bilisan mo na yan. Male-late tayo babe" diin niya ang salitang babe. Yuckss! Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunas ng bibig. Tumayo na ako at kinuha bag ko sa sofa. Inayos ko muna ang damit ko. Nagulat ako ng akbayan niya ako.

"Ano ba?!" Inis na inis na ako.

"Shut up turtle!" saad niya at hinila niya ako palabas.

Pinagbuksan niya ako ng pintoan. Sumakay ako agad. Ang ganda ng kotse niya ah. Pumasok na siya at nagsimula ng mag maneho. Ang bilis niyang mag maneho ah. Mababangga ata kami nito eh.

Dumating na kami sa school. Mamamatay ata ako dahil ang bilis niyang mag maneho. Dali dali akong lumabas sa kotse niya. Pero hinila niya ako kaya napatumba kami sa sahig. Nakapatong ako sa kanya. Ang lapit ng mukha namin. Ramdam na ramdam ko yung hininga niya.

Marami nang estudyante ang tumitingin kaya tumayo na ako. Kahihiyan na naman. Pinagpagan ko sarili ko. Tumayo narin siya at umakbay.

"Your guitarist girl is mine. No one will get her understood" sigaw niya. Na istatwa naman ako sa narinig ko. Bobo ba tong lalaki na toh?

"Nagjo-joke lang po siya. May saltik po yan sa utak" sigaw ko. Nagbu-bulung bulungan yung mga estudyante. Pinandilatan niya ako ng mata. Inalis ko na lang kamay niya at tumakbo para hanapin mga kaibigan ko.

Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now