Chapter Seventeen

2K 52 2
                                    

[Chapter Seventeen]
Nicole

Kainiss yung lalaki na yun! Hinalikan niya ako bigla. Hindi ko pa sinabi na hinalikan na niya ako noon. Ang awkward kasi. Mabuti at hindi niya ako nilagyan ng hickeys. Malalagot ako kay kuya nito. Pilit kong pigilan yung sarili ko pero ayaw. Namula ako nang tawagin niya akong darling. Kinilig ako nun. Pero may parte sa akin na naiinis. Ewan ko sa  sarili ko. Iba ang epekto ni Ian sa akin! Arghhh!

"Hoy!" natauhan ako nang sampalin ako ni Chloe. Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Para san yun?!" inis na tanong ko.

"Sorry ah, pero bakit tulala ka?" sabi nito at sinusuri ako. Nasa campus café kaming dalawa. Si Marian at Fatima ay nasa Merch shop may bibilhin daw.

"Wala" saad ko at sumimsim sa iced coffee na inorder ko.

"Si Travis na naman ba?" sabi nito at uminom sa cappuccino na inorder niya.

"Hindi ah!" tanggi ko. Totoo naman diba? Hindi yung lalaki yun ang iniisip ko.

Natigilan ako nang pumasok si Ian. May bandage ang gilid ng noo niya at ang labi nito. Parang galing sa away. Di ko alam bat bigla akong nag alala.

"Goodmorning girls!" Bati ni Justine sa amin. Nandito na pala sila sa harapan namin.

"Anyare sayo Ian?" Tanong ni Chloe. Umiling ito at umupo sa tabi ko. Uusog pa sana ako nang akbayan niya ako. Napatili si Chloe. Arghh!

"Can I have some of your ice coffee darling?" Tanong nito at tumingin sa akin. Shit! Yung darling na naman.

"Darling tawagan niyo? Kinikilig ako" saad ni Chloe. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinahalakhak niya.

"Nice call sign bro" sabi ni Edriel. Napangisi lang siya at kinuha ang iced coffee. Inubos niya ito. Magrereklamo pa sana ako nang hinila niya ako palabas sa campus café.

"Tigilan mo nga ako!" Reklamo ko.

"I can't darling" mas lalo pa akong na inis. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at naglakad papalayo. May saltik ata toh sa utak eh!

"Sandali! Nagbibiro lang ako" natatawa na sabi nito. Tumingin ako sa kaniya na hinihingal pa. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang saya kasi pag inaasar ka eh" natatawa na sabi nito.

"May gusto ka ba sa akin?" Ewan ko bat natanong ko yun. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Gusto? Sayo? You wish!" Singhal nito sa akin.

"Bat ka lumalapit sa akin?"

"Because I want to be close with you" lumapit siya sa akin.

"Bat mo ako hinalikan?" Tanong ko pa.

"Daming tanong. Tara na nga" hinila niya ako. Tumigil kami sa rooftop. Ewan ko bay ayaw ng sistema ko na umalis dito. Tumingin siya sa akin. Ano kayang nangyari sa mukha niya.

"Anong nangyari sa pagmumukha mo?" Tanong ko. Umiling siya parang ayaw niyang sagotin ito.

"Sige na" pagpupumilit ko.

"May naka away lang" sagot nito at umiwas ng tingin.

"Masakit pa ba?" Tanong ko.

"Aww! Nagaalala si darling. Kinikilig ako" biro nito. Hinampas ko braso niya. Humalakhak lang ito.

"Kainiss ka talaga" inis kong sambit at aktong lalabas na sana pero pinigilan niya ako.

"Sa totoo lang gusto kita" sabi nito at umalis. Na iwan akong tulala. Ano? Gusto niya ako? Hindi! Imposible. Aishhh! Ginugulo na  naman niya ako.

Fake GirlfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt