Chapter Eighteen

1.9K 60 0
                                    

[Chapter Eighteen]
Ian

Yes, I'm a liar. Sinabi ko sa kanya na gusto ko siya pero it's just a lie. The truth is I already love her. Hindi na like kundi love. I'm planning to confess to her soon. Shit! I'm Excited.

Lumabas na ako sa office ni tito since pinapatawag niya ako. Nagaagaw dilim na kaya binilisan ko ang paglakad ko. Mukhang uulan ngayon ah.

Binuksan ko ang kotse ko at pumasok roon. Binuhay ko na ang kotse ko.  Bago pa ako maka alis ay nakita ko ang isang babae sa waiting area. Pilit nitong inaalis ang kamay ng lalaki. Teka! Namumukhaan ko siya ah. Si Nicole? Agad akong lumabas sa kotse ko at tumakbok paroon.

"Bitawan mo siya" nagulat sila sa pag dating ko. Gulat siyang nakatingin sa akin.

"Mr. Arevallo" nakangisi na sambit nung isa. Lumapit ako sa kanila. Bago ko pa man mahawakan siya ay sinuntok ako nang isa. May hiwa na sa labi ko.

Sinuntok ko yung sumuntok sa akin na agad namang natumba. Susuntukin na sana ako sa dalawa pero naunahan ko sila. Sinipa ko ang binti ng isa at sinipa ang sikmura ng isa. May dalang kutsilyo ang isa. Sasaksakin na sana niya ako pero naka iwas ako. Sinipa ko likod niya na agad napabitaw sa kutsilyo. Kinuha ko ang kutsilyo at lumapit sa isa. Napabitaw siya sa pagkahawak sa kanya.

"Huwag!" Takot na saad nito. Itinapon ako ang kutsilyo sa gilid. Hinawakan ko kwelyo niya at kumalas ng isang suntok.

"Hindi pa tayo tapos Ian" huling sabi nito at tumakbo papalayo. Napabangon naman ang kasamahan niya at sumunod sa kanya. Tinignan ko muna sila bago lumingon sa kanya. Kita ko ang takot sa mata niya.

Napayakap siya sa akin at humagulgul. "I-Ian natatakot ako. Baka babalikan nila ako" sabi nito at umiyak pa.

"Tahan na. Hindi sila makakalapit sayo dahil nandito ako" sabi ko at hinimas likod niya. Nanatili kami nakayakap ng ilang segundo. Bumuhos ang malakas na ulan.

"Uwi na tayo" aya ko at hinawakan kamay niya. Naglakad kami sa gitna nh ulan. Kahit madilim na ang paligid kita ko parin ang mukha niya. Mukha na hindi ako magsasawa tignan.

Binuksan ko ang pintoan at agad siyang sumakay. Alam kong basa na kami pero wala kaming choice na sumakay. Pagpasok ko ay binuhay ko na ang kotse at umalis roon.

Tahimik lang siya at nakatingin sa labas. Hinawakan ko kamay niya. Napalingon siya sa akin. "Don't worry darling I will protect you" sabi ko. Umiwas siya ng tingin dahil namula siya. Inalis niya kamay ko kaya napatawa ako.

"Kinilig ka noh?" Pangaasar ko.

"Kilig mo mukha mo" Singhal nito. Mas matawa ako.  Bakit pa niya dinedeny? Halatang halata na.

Dumating na kami sa bahay niya. Lumabas ako sa kotse at sinundan siya.

"Umuwi ka na" sabi nito. Umiling ako. "Ayoko, gamutin mo muna ako bilang pasasalamat" sabi ko.

"Sige na nga! Tara sa loob" inis na sabi nito at  na unang pumasok. Sumunod naman ako sa kanya.

"Hija, pasensya na ha. Nasiraan kasi sila manong" sabi ni manang Delia.

"Ayos lang iyon manang. Nasaan po sina manong?" Tanong nito habang ako nakikinig lang.

"Nasa garage shop pa hija" sagot ni manang at napatango naman siya.

"Manang pakihanda po ako ng first aid kit" sabi nito tumango si manang at umalis.

Umupo ako sa sofa. Kakadating lang ng kuya niya kasama ang isang babae. Parang siya ata ang ina ng magiging anak niya.

"Naparito ka?" Tanong nito at inalalayan na maka upo ang babae.

"Hinatid ko lang siya" sagot ko. Napatango lang ito.

Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now