Chapter Thirteen

2.1K 63 0
                                    

[Chapter Thirteen]
Ian

Nasabi ko ba sa kanya na mahal ko siya? Hindi naman siguro. Bat ba ako nagpa ka lasing? Ang bobo mo naman Ian! Pero pinaniwalaan ba niya iyon? Sana hindi kasi gusto ko na ako ang magsabi sa kaniya.

"Bro nasabi mo na?" Tanong ni Justine. Nasa tambayan lang kami. Malapit na rin ang uwian. Hindi ko na siya  nakita. Pag nakita niya ako umiiwas siya. May nasabi o nagawa ba akong mali sa kaniya?

"Not yet bro. Nagiipon pa ako nang lakas ng loob" sagot ko at tumingin sa mga estudyante.

"Sabihin mo na bro. Baka ma unahan ka. Mas maging mahirap kung patatagalin mo pa. Lalo na ngayon nandito na ang ex niya" giit nito.

"Tama bro" singit ni Edriel. Napatango na lang ako. They are right I should tell her soon as possible.

****

Naghihintay lang ako sa campus café dahil pupunta siya rito. Umorder na ako ng dalawang iced coffee. Tumitingin lang ako sa mga estudyante.

Ilang minuto ay dumating na siya. Umupo siya sa harapan ko. Sumimsim muna siya sa iced coffee. "Ang tagal mo naman" reklamo ko.

"May tinapos lang para sa music fest" giit nito.

"May sasabihin pala ako sayo" saad nito. Ano kaya? Magcoconfess na ba siya. I'm excited! Yun din ang sasabihin ko.

"Matagal mo na bang alam na in a relationship sina Bright at Neil?" Nagkamali na ako nang akala. Alam na niya. Alam ko na ang pakay niya. I just nod. Ayaw kong magsinunggaling sa kaniya.

"Bat di mo sinabi sa akin?" Tanong pa nito.

"Kasi...."

"Kasi?"

"Kasi hindi gusto pa kitang makasama" Honesty is the best policy. I want to be honest. Hindi siya agad nakapag salita.

"Ian, can you set me free? Tutal may ka relasyon naman si Neil diba. Yun naman ang usapan" parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. Lalayo na siya sa akin. May kasabihan naman diba na "kapag mahal mo ang tao handa mo siyang palayain". I don't believe in love pero dahil sa kanya naniwala ako. Minahal ko siya. Alam ko na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin. I don't have choice  ito ang usapan. I'll set her free.

"Ian?" Natauhan na lang ako. Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

"Oo naman, usapan ay usapan. Wala nang tayo. Wala na ang pagpapanggap natin" sabi ko kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako.

"Layoan mo na ako ah at salamat sa lahat" saad nito. I just nod. Nagpa alam na siya at umalis sa campus café.  Na iwan akong tulala. Sana hindi ako magsisi sa ginawa ko. I really love her but hindi ko siya mapipilit na mahalin ako pabalik.

Tumayo na lang ako at lumabas ng campus café. Pumunta ako sa parking area. I saw her laughing with her friends. I can't see those smile again. I will miss you. Sumakay na siya sa kotse niya at umalis. Tinawagan ko driver ko na ipadala ang kotse ko. Any minute ay nandito na ang kotse ko. Agad akong pumasok at pinaharurut ito.  Huminto ako sa isanh store at bumili ng can beer. After nun ay pumunta ako sa lugar kung saan ako naglalabas ng sama ng loob.

Pagdating ko ay umupo ako sa bench at binuksan ang can beer. Agad kong inubos iyon. Naramdaman ko na naman ang sakit. Parte bang mag mahal ang masaktan? Kung oo ay sana hindi na lang ako nag mahal. Sana ay hindi ko siya nakilala. Sana ay hindi na siya dumating sa buhay ko. She hurt me. She really hurt me.  May tumulo na mainit na likido sa aking mata. Kumuha ako nang beer at nilagok iyon. Kung ito ang gusto niya gagawin ko.

Fake GirlfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt