Chapter 17

1 0 0
                                    

"Okay class. That's all for today. Good day and have a great week end!"

"Good day Ma'am"

Ngumiti lang ako sa mga estudyante ko at inayos ko muna ang silid bago umalis.

"Ma'am?"

"O justin. Wala ka pang sundo?"

"Ahm nasa labas na po teacher. Bigay ko lang po ito sa inyo."

"Ano yan?"

"Hindi ko rin po alam e. Sabi po ni daddy bigay ko raw po sa inyo."

Kinuha ko yung papel na hawak ni Justin at ngumiti sa kanya.

"Sige ma'am. Alis na po ako."

"Mag-iingat ka."

Tiningnan ko lang na lumabas ng gate si Justin. Tyako ko na binuksan yung papel na binigay niya.

Pat,

Si Brace to. Baka iwasan mo ako kapag nagpakita ako sayo kaya kay justin ko na lang ipapabigay to. Gusto ko lang sana na makausap ka. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Hihintayin kita sa park mamaya. Sa dating tagpuan. 7pm.



---

Nasa park na ako ngayon. Naisip ko na kausapin si Brace kahit sa huling pagkakataon.

Nang makarating na ako sa dati naming tagpuan. Nakita ko na nakaupo siya sa dati naming inuupuan.

Tumayo siya ng makita ako at umupo ulit. Umupo ako sa tabi niya.

"Ku-kumusta si Justin sa eskwelahan?" bungad niya kahit alam ko naman na hindi si justin ang gusto niyang pag-usapan namin.

Ngumiti ako habang nakatingin sa malayo.

"Good boy. Masunurin, mabait, tahimik at napakamarespetong bata."

"Sorry"

Iyan ang katagang lumabas sa bibig niya.

"Para saan?"

"Sa lahat" tumigil siya saglit sa pagsasalita.

"Sa lahat lahat lalo na sa pagkakamali ko" dagdag niya.

"Kung nagsosorry ka dahil nagkaroon ka ng anak, hindi mo kailangang magsorry. Never naging pagkakamali si Justin. Never naging kasalanan ang pagkakaroon ng anak."

"Ku-musta ka na?"

"Eto, ayos naman. Masaya sa pagtuturo. Masaya ako sa mga estudyante ko. :-)"

"Masaya ako na natupad mo pangarap mo."

Ngumiti ako sa kanya

"Ako rin. Masaya ako dahil nakapagtapos ka. *tumigil ako saglit* Masaya ako kung ano ka ngayon. Masaya ako na pulis ka na."

Brace's POV

"Ako rin. Masaya ako dahil nakapagtapos ka. *tumigil ako saglit* Masaya ako kung ano ka ngayon. Masaya ako na pulis ka na."

Napatigil ako sa sinabi ni Pat at nagsalita.

"Natupad ko ito dahil sayo. Ikaw ang naging inspirasyon ko." tugon ko sa kanya

Natatandaan ko pa yung sinabi ni Stacey noon.

"Kung gusto mong maging masaya si Pat. Make her proud. Tapusin mo pag-aaral mo. Para naman hindi niya ulit sisihin ang sarili niya sa pagiging miserable mo."

Mon AmourUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum