Chapter 11

1 0 0
                                    


Nasa park ako ngayon. Friday na naman kasi ulit.

Wala pa si Brace sa dati naming tagpuan.

Hindi ko alam kung pupunta siya pero sa oras na pumunta siya ang alam ko lang ay kailangan na naming itigil 'tong ginagawa namin.

"O nandyan ka na pala. Pasensya na pinaghintay kita traffic kasi. San mo balak pumunta?" -Brace

"Wala" sagot ko sa kanya

Nakita ko ang mukha niya na parang nagtataka.

"Ano ka ba haha. Osige ako na pipili. Kain na muna tayo tapos punta tayo sa..."

"Masaya ka ba Brace?"

Bigla siyang tumigil sa pagsasalita.

"Ma-saya? O-o naman."

"Masaya ka ba na lagi lang tayong ganito?"

Hindi siya nakapagsalita.

"Masaya ka ba na, nasasaktan mo ang girlfriend mo? Masaya ka ba na may naloloko tayo? Masaya ka ba sa ganitong kalagayan?"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ano ba tayo ngayon?"

"Pat--"

"Wala namang tayo diba?"

"Pat--"

"Ang tanga ko alam mo ba yun? Kasi hinayaan ko na gamitin mo ako. Hinayaan ko na paikutin mo ako."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Brace. Itigil na natin 'to. Itigil na natin 'tong pagkikita natin. Kapag nagtagal pa 'to baka mas masaktan natin ang girlfriend mo. Ayoko ng ganitong lagay. Na para bang naghihintay ako na maghiwalay kayo para balikan mo ako na alam ko namang hindi mangyayari. Nakikita ko na mabait na babae si Claire. Hindi niya deserve na lokohin siya. Masakit ang maloko. Masakit Brace. Kasi nakikita ko iyon kay mama. Yung ginawa ni Papa sa amin hanggng ngayon, gabi-gabing iniiyakan ni mama dahil sa letseng pambababae ni papa."

"P-pero hindi naman kita babae. Iba ako sa papa mo"

"Alam ko. *bahagya akong huminto* Pero sa ginagawa natin, panloloko na ito. Alam naman natin na may pinagsamahan tayo noon. Alam naman natin na naging espesyal tayo sa isa't isa. O baka naman ako lang nag-iisip nun. *pinunasan ko yung luhang tumulo sa mga mata ko*"

Saglit na natahimik kaming dalawa.

"Nung iniwan mo ako, labis akong nasaktan. Si Claire, si claire yung tumulong sa akin para makaahon sa kalugmukan. Nung mga panahon na iyon, si Claire yung tumulong sa akin para maging masaya ulit. Si Claire yung naging dahilan kung bakit nagkaroon ulit ako ng gana sa buhay--"

"Okay." sabat ko sa kanya "Pinapaalala mo lang ulit sa akin yung katangahan ko noon. Akala mo ba napakadali lang nung ginawa kong iyon? Iniwan kita kasi akala ko mas pagbubutihin mo kapag wala ako sa tabi mo. Iniwan kita para hindi mo na maramdaman pa yung pressure na sinasabi mo. Pero mali ako. Naging insensitive ako sa nararamdaman mo. Alam mo ba na labis kong pinagsisihan noon yun pero sabi ko sa sarili ko, hindi ko kailangang magsisi kasi naging masaya ka naman nung wala ako. Natagpuan mo yung tunay na gusto mo sa buhay. Andami mong natutunan. Nakita ko na nag-improve ka. Andami nang nagbago sayo. Ako? Marami na ring nagbago sa akin. Hindi na ako yung dating Pat na msayahin. Hindi na ako yung dating Pat na madaldal. Hindi na ako yung Pat na nakilala mo. Nagmature na ako. Nung nawala ka sa buhay ko mas naging maayos ako. *tumigil ako ng bahagya sa pagsasalita* Pero kahit kailan hindi ako naging masaya."

"Valedictorian nung high school? Consistent honor student? Summa Cum Laude? Agad na natanggap sa isang magandang paaralan? Sa College agad nagturo? Licensed Professional Teacer? Hindi naman yan yung habol ko e. Ang gusto ko lang naman maging masaya. Oo nakamit ko na yung goal ko na lagi kong sinasabi sayo nung High School pa lang tayo pero Brace sa tingin mo ba naging masaya ako? Hindi. Gago din yang tadhana na yan e. Nakalimutan na kita pero pinakita ka ulit niya sa akin. Tapos estudyante pa kita? Ilang taong ba tayo noong iniwan kita? 17? Ang bata pa natin. Siguro tama ka. Kalimutan na lang natin lahat ng nagyari noon. Anim na taon na rin yung lumipas. 23 na tayo ngayon. Nagbago na tayo. Nagbago na ang lahat."

"Masaya ako para sayo Brace. Masaya ako na tinuloy mo pagpupulis mo. Masaya ako kung ano ka ngayon. At alam kong mas sasaya ka kapag wala na ako sa tabi mo. Ang perfect niyo na ni Claire. Ano pa bang hahanapin mo? Sana mas maging masaya ka Brace. Huwag mo akong intindihin. Kasi alam kong darating din yung araw na magiging masaya rin ako. Hindi man ngayon, pero alam kong darating din ang panahon."

Iniwan ko lang na nakatulala si Brace.

Hindi niya ako pinigilang umalis.

Hindi naman talaga dapat.

For the second time iniwan ko na naman siya at nasaktan ko na naman siya ulit.

Basta ang alam ko lang na nagmature na ako ngayon.

Basta ang ang alam ko nong unang iniwan ko siya, ang selfish selfish ko.

Ngayon hindi na kasi mas inisip ko yung pwedeng mangyari kapag pinagpatuloy pa namin yung pagkikita namin.

Mon AmourWhere stories live. Discover now