Chapter 44: LONGING

703 26 2
                                    

Jhea POV

"Sabi mo Ate madugo ang mundo ng Mafia?" May pagbibintang kong sinabi sa kanya kinaumagahan. Medyo maayos na ang mood ko. Kahit paano ay hindi na ako masyado binabagabag ng kaba para sa PG.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Ate Jairen. Nakahiga ako sa hita nya habang sya ay nakaupo at nakasandal sa headrest ng kama. Binaba nya ang cellphone na hawak bago ako matamang tignan.

"Jhea!! Hindi ito ang eksaktong mundo ng Mafia. This mansion is just a hideout. Nakikita mo silang nagsasaya at malaya? 'Yon ay dahil si Daddy ang boss nila!! Our mafia is different to all forms of mafia. We didn't kill to rise, we kill to survive!!"

Ewan ko. Hindi ko na talaga maintindihan. Mafia world is full of blood? Then why don't we just slip away to that kind of world? Bakit kailangan pa naming pumasok doon kung dugo ang kailangan para makaligtas? Tss! I can't get them. Ano bang klaseng mundo ang pinagdalhan nila sa akin?

"You need to learn Jhea!! Pakiusap pagsikapan mong matutunan ang lahat ng ituturo nya sayo!!" Seryoso at puno ng autoridad na pahayag ni Daddy sa harapan ko. Napasulyap ako sa taong tinutukoy nya na magtuturo sa akin.

His name is Zero. Sya yung lalaking kung makatingin sa akin kahapon ay sagad sa buto. Ang sabi nina Ate, tinitignan nya ako ng gano'n dahil sinusubukan nyang pag-aralan ang galaw ko. Yung mukha nya mula kahapon at maging ngayon? Walang pinagbago. Nanatili iyon poker face.

Merong underground ang bahay na ito, at doon nila ako dinala. Kung hindi ko lang alam, hindi ko maiisip na underground pala ang lupang tinatapakan namin. This place is high ceiling. Ang mga dingding ay may pinta. The art is all about nature. Walang kahit ano sa lugar na ito. Mukhang ginawa lang talaga ito para sa pag-eensayo.

"Ano ng gagawin natin?" Maya-maya'y tanong ko. Nasa gilid lang kasi si Zero at halatang pinapanuod ako.

Mahigit isang oras na mula ng ipakilala sya ni Daddy sa akin, at sa higit isang oras na iyon hindi pa sya nagsasalita. Alam kong hindi sya pipi, pero bakit ayaw nya akong kausapin?

Walang buhay ang galaw nyang lumapit sa akin. Can't he be approachable and smile at least once? Lagi nalang syang poker face, ang gwapo pa naman sana nya.

"Warm up!!" Maikli nyang sinabi gamit ang isang pamilyar na accent. Napasimangot ako. Napakatabang ng boses nya. Bakit ba pakiramdam ko ay problemado agad sya? Ni hindi pa nga kami nagsisimula!

Malambot ang bawat galaw ko habang sinusundan ang warm up nya. Nakakatamad eh! Bakit hindi nalang kami magsimula? Kailangan pang mag-warm up warm up ng marami!! Kahit ang PG ay warm up rin ang inuuna bago magsimula.

"I see dire days!!" Narinig kong bulong nya habang umiiling iling. "Hand to hand combat!!"

Habang naglalaban kami gamit lang ang kamay ramdam kong hindi buo ang pwersa na pinapakawalan nya. Tila din sya hinang hina at walang buhay sa tuwing dumidipensa kaya naman nahahawa ako.

"La shi!!" (Shit)

"Ano?" Nakakapagod. Umiling iling sya bago pumunta sa gilid.

Napanguso ako bago bumulong.

"Naturo na kasi sa akin iyan ng PG eh. Paulit ulit!!" Nang mag-angat ako ng paningin ay walang pakialam na nakatutok na naman sa akin ang mga mata nya habang umiinom sa isang mineral bottle. Tinaasan ko sya ng kilay, pero umirap lang sya bago maglakad palayo sa akin.

Sungit!

Lumipas ang isang linggo. Nagpatuloy si Zero sa pagtuturo sa akin ng mga basic self defense daw. Seriously? The thing he'd distribute to me is just a easy for me. Naturo na sa akin ng PG ang mga iyon eh.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Where stories live. Discover now