Chapter 35: HURT

728 31 3
                                    

Jhea POV

Iginugol ko halos ang magdamag ko sa pag-iyak ng tahimik. Hindi talaga sila pumunta sa kwarto ko para humingi ng tawad, hindi talaga nila ako pinuntahan para amuhin.

"Ikaw ang pumatay sa kanya!! Pinatay mo si Mommy!!"

"You can't gainsaid that you killed her!! You killed her Jhea!!"

"Ano itatanggi mo pa? Ikaw ang may kasalanan! Kasalanan mo!!"

"Kahit hindi ko nakita I'm sure its you again who begin everything!!"

"She was. Alam kong sya 'yon!!"

"Wag ka ng magpaliwanag!! Kitang kita na nga ng lahat na sinadya mong tapunan ng juice si William!!"

"Sinadya mo 'yon!! Sigurado akong sinadya mo 'yon!!"

Bakit ba hindi pwedeng ako muna? Bakit hindi pwedeng yung parte ko muna? Bakit lagi nalang yung kanila? Tapos pagdudugtong-dugtungin nila yung paniniwala nila at sasabihin kasalanan ko talaga. Kailan ako darating sa punto na magkakaroon ng layang sabihin ang paliwanag ko? Yung ako muna?

4 am on the clock ng maalimpungatan ako dahil sa isang kalabog, mula 'yon sa kwarto ni Ice, mukhang may bumagsak na kung ano doon. Pilitin ko man ay hindi na talaga ako nakabalik sa pagtulog kaya naman naisipan kong simulan na ang pag-aayos ko sa sarili para pumasok. Ayoko muna silang makita eh. Nagtatampo ako sa kanilang lahat, nasaktan at patuloy akong nasasaktan ng sobra dahil sa inasta at mga sinabi nila kagabi.

Bago pa mag-alas singko ay wala na ako sa bahay, ayokong maabutan ako ni Vince na syang unang gumigising sa lahat. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kawalan habang naglalakad. May kung anong kumukuyumos at pumipisil ng marahas sa dibdib ko habang binabalikan ang nangyari kagabi. Ang unfair nyo PG! Napaka unfair nyo!!

Hindi nyo man lang ako tinanong sa halip sunod-sunod kayong nagpakawala ng kung ano-anong salita. Bakit walang pag-aalala sa mga mata nyo? Bakit walang takot doon? Bakit galit ang laman no'n? Tulad din ba kayo ng pamilya ko PG? Aayawan nyo na ba ako dahil lang pinaniniwalaan nyong nagnakaw ako? Iiwanan nyo din ba ako katulad ni Daddy? Bibitawan nyo na ba ako dahil nakakasawa na ako?

Hindi ko pinansin ang marahas na busina sa likuran ko. Masyado akong nahihibang ng sakit na bumabalot sa puso ko. Hindi ko magawang pansinin ang nasa paligid, hindi ko kayang pansinin ang lahat.

"Magpapakamatay ka ba ha?!" Oo! Oo! Parang gusto ko ng mawala. I want peace, I need silent, gusto kong pumunta sa lugar na walang sakit, walang hirap, walang ganito. Gusto ko na doon. Masama ba akong tao? Sobrang sama ko ba para pagdaanan ang lahat ng ito? Bakit ganito ang buhay ko.

"Hoy Jhea!!" Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi pinapansin at nililingon kung sino man ang nagmamay-ari ng kotseng muntik ng makabangga sa akin. Siguradong tinatawag nya lang ako para singhalan at pagsalitaan ng kung ano-ano.

"Jhea!!" Ang paghawak ng isang kamay sa braso ko ang nagpatigil sa akin. Kunot noo akong nag-angat ng paningin.

"Trix!" Gulat kong tawag sa taong nasa harapan ko. Umirap sya bago ako bitawan.

"Kanina pa kita binubusinaan at tinatawag hindi ka man lang lumilingon. Ano bang nangyayari sayo?" Hindi ko alam kung anong meron sa tanong nya, napakasimple lang naman no'n pero naging dahilan 'yon ng sunod sunod na pagpatak ng luha ko at panlalambot ng tuhod ko. Anong nangyayari sa akin? Hindi ko maipaliwanag Trix, sa sobrang sakit hindi ko na alam.

"Jhe? Bakit?" Bakit? Bakit hindi mo alam Trix? Nasasaktan ako Trix! Ang sakit Trix! Ang sakit sakit!!

"T-Trix! T-Trix!" Binabalot ng malakas kong hagulhol at mga paghikbi ang loob ng kotse ni Trix. Hindi ko kasi mapigilan, hindi ko mapigilang isabog yung luhang halos hindi na yata tumitigil. Hanggang sa mga oras kasing ito ay buo ang sakit na nararamdaman ko, buo ang tampo at hinanakit na meron ako para sa PG. Ang sama sama lang kasi talaga ng loob ko, akala ko sila na eh, akala ko sa wakas nakatagpo na ako ng mga taong maniniwala sa akin ng buo, ng mga taong handang manahimik mapakinggan lang ang panig ko, pero mukhang nagkamali ako dahil mukhang katulad ng mga kapatid ko madali lang para sa kanila ang magsalita na parang ako talaga ang may gawa.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Where stories live. Discover now