Chapter 41: RUN

620 31 0
                                    

Jhea POV

Hindi ko alam kung paanong bigla nalang akong nawalan ng gana sa mundo at buhay. Wala akong makuhang eksaktong dahilan, ang tanging alam ko lang ay dahil sa PG. The new standing Jhea is the product of pain I get in Poisonous Gang. Hindi ko kayang labanan ang lungkot, sakit, at galit na namamayani sa pagkatao ko. Gusto kong labanan ang lungkot na bumabalot sa pagkatao ko, gusto kong pigilan ang bagong pagkatao na nabubuo sa katawan ko pero hindi ko kaya. Sobra akong nanghihina para kontrahin pa ang lahat ng bagay na sa tingin ko ay magpapalakas sa akin. They left me on air. PG! Napakasama nyo!! Ang sama sama nyo!!

"Tss! Are you kidding me? It's not me I'm also lying on hospital bed during that time!! How come I visit you"

"Ano pa bang ginagawa mo kasi dito?"

"Binalik ka na nga namin sa pamilya mo diba? Kasi nagsasawa na kami sayo, tapos balik ka pa ng balik dito"

"Umalis ka na! At wag ka ng bumalik pa!!"

"Sapat na ang limang buwan na pananatili mo at panggugulo mo sa grupo!"

"Hindi ka na welcome dito!"

"Alis na!"

"At wag ka ng babalik pa!"

Tss! Gano'n ba PG? Sawa na kayo? Bakit? Saang parte ba ng pagkatao ko ang pinagsawaan nyo? Anong eksaktong katangian ang dahilan ng pagsuko nyo sa akin? Sana pinaalam nyo sa akin, babaguhin ko naman eh. Pangako babaguhin ko para lang makasama kayo.

"Stupid!" Automatikong huminto sa paggalaw ang mga paa ko. Nakangisi kong binalingan ang nagsalita then point myself to assure if he's referring to me. "Uhm. May iba pa bang stupid dito?" I walk towards him and with no hesitation, I swirl on the air to kick his head. Hindi ko iyon kinontrol kaya hindi na kataka takang magdugo ang ulo nya dahil sa pagtama ng matigas kong sapatos.

Napapangisi ko syang iniwang iniinda ang duguan nyang ulo. Wala akong pakealam sa posibleng mangyari sa kanya. I don't give care. Like they don't.

"Padaan!!"

"Can't you----" Walang pagdadalawang isip akong muling umikot sa ere para parusahan ang dalawang lalaking humaharang sa daan ko. They curse loudly bago malakas na sumigaw habang sapo sapo ang ulo nila. Malamig akong tumawa bago tapikin ang balikat nila. I walk innocently.

That's it. Ganito ang naging buhay ko pagkatapos akong ilaglag ng PG. Ito yung pagkataong nabuo ng lason na inilagay nila sa dibdib ko. Kumalat ng husto PG, at umabot iyon sa utak ko and now I'm a harmful toxin in everyone. Hindi nalang ako basta salot o sumpa, isa na rin akong lason.

I want to go back in myself. Gustong gusto kong palayasin ang halimaw na namamalagi sa akin, at isang paraan lang ang alam ko, isang paraan na ayaw ko sanang tanggapin.

Salamat Poisonous Gang. Maraming salamat sa pagmamahal, pag-aalaga, pagsuporta, paggalang at pag-iingat nyo sa akin sa bawat araw. Alam ko hindi na lingid sa kaalaman nyo kung paano kong tinitingala ang buhay ko ng mapunta sa inyo, pinahalagahan ko bawat himaymay no'n. Halos kung maaari nga gusto kong itanim sa utak ko ang bawat eksena ng sa gano'n meron akong alaalang ipi-play sa utak ko kapag iniwan nyo ako. Pero sa tingin ko its time to forget you. Hindi nakakabuti sa akin ang mga alaalang kasama kayo kasi habang kinukulong ko kayo sa isip ko, habang patuloy ko kayong sinasama sa buhay ko, mas nasasaktan ako. Poisonous Gang ayokong maging demonyo habang buhay dahil sa sakit na ginawa nyo. Ayokong iyon ang maging epekto nyo sa akin, ayokong maging masama ang tingin sa inyo ng iba dahil sa nakikita nila sa akin. Kasi gusto ko, kung darating man ang araw na malalantad ang totoo kong koneksyon sa inyo, gusto kong kainggitan ako ng iba, hindi kaawaan. I don't want to be a monster. Babalik ako sa dating ako, at mangyayari lang iyon kung kakalimutan ko kayo. Set me free PG, give my sane back to me.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Where stories live. Discover now