Chapter 6: SWEET

1.4K 52 0
                                    

DEDICATED TO EDRIANNE YESSHA ANNE BRIOSO😍😍😍 ALLIAH ANGELA MENDOZA, 😆😆😆 TO MARIA CHRISTINA PADULLO (MACY DEL VALLE HERNANDEZ)😘😘😘AND  RUTH MEI NACION (SCARLET AUDREY IVARHA)😉😉😉 SALAMAT SA PAGTITIWALANG IBINIGAY NYO GUYS😚😚😚 FOR THE FRIENDSHIP AND HAPPY CONVERSATION THAT MOST OF THE TIME INSPIRED ME TO BE MORE DEDICATED💪💪💪 SALAMAT SA PAGMAMAHAL AT SANA MAGUSTUHAN NYO😸😸😸

Jhea POV

"You should explain better next time!!" Sumimangot ako lalo sa kanya.

Kagabi nya pa pinapaulit ulit sa akin 'yan. Eh ano bang magagawa ko? Kahit pa ipaliwanag ko ng maayos at detalyado ang nangyari gano'n pa rin ang kalalabasan. Pare-parehas pa rin kaming mapaparusahan dahil labag 'yon sa rules. Bakit ba hindi nila maintindihan 'yon? Kung magsalita sila kulang nalang isampal nila sa mukha kong ang tanga ko magpaliwanag.

"Hayaan mo sya. Ini-enjoy yata nya ang umuwi ng 6. Malay nyo mas gusto nya ang 6 kesa 3!!" Sabat ni Vince. Isa pang subo sa kinakain ko bago ako tuluyang tumayo at magpaalam sa kanilang lahat.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para mag-ayos. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ba naiinis sila ng husto. Sa tingin ba nila ginusto kong ma-detention ng tatlong oras sa second day pa lang ng pasukan? Akala ba nila masayang umuwi ng alas sais? Naiinis sila dahil matagal silang naghintay sa akin, ano bang magagawa ko? Kailangan kong sundin ang patakaran. Kung tumakas ako sa punishment na 'yon ay mas lalala lang ang sitwasyon ko. Nakakaasar sila!!

"Tara na!!"

"Wahahahaha kahapon si Liam. Ngayon naman ikaw?" Hindi ko sya tinapunan ng tingin. Nakasimangot akong sumandal sa gilid ng pintuan dahil sa inis.

Kapag ang yelong 'yon ang nani-nermon sa akin para akong nanlalambot. Hindi ako sanay na pinapagalitan nya. Hindi ako sanay na pinapagalitan nila. Kahit normal lang naman na mapagalitan nila ako minsan, hindi ko maiwasang magtampo at makaramdam ng inis.

"Hoy pangit ang drama mo, maupo ka muna dito mangangalay ka dyan!!" Si Liam habang tinatapik ang tabi nya. Nagpanggap akong walang naririnig. Hindi ako nagsalita, basta lang akong nag-iwas ng tingin. Nagkunyari akong may kinakalikot sa mga kuko ko kahit wala naman.

"Sinong naka-schedule sumpungin bukas mga beshy?" Nagtawanan sila sa biro na 'yon ni Bryle bago magmurahan. Naka-focus pa rin ako sa mga daliri ko. Akala nyo papansinin ko kayo mamaya? Hindi! Kahit kailan di ko na kayo papansinin!!

10 minutes past. Ice is still in the kitchen. Gano'n din si Trix at Vince. Ang laking kabawasan talaga kapag wala si Daryl, pakiramdam ko ay wala akong matatakbuhan kapag si Ice na ang nang-away sa akin. Clyde too, nakakamiss din pala ang pagsusungit nya sa akin tuwing umaga.

"Ayun oh! Sinusumpong!!"

"Pinagalitan kasi ni Ice Ice baby eh! Wahahahaha!!"

"Fafa Ice lambingin mo naman kasi!!"

"Lagot kayo paiyak na
ang inosenteng isip bata oh!!" Nilingon ko ang kakarating lang na si Trix. Nasa likod nya si Ice at Vince na parehong nakatingin sa akin. "Patay ka dyan!!" Humahalakhak nyang sinuntok ang braso ng nasa tabi na nyang si Ice.

Umirap ako. Nakaramdam na naman ako ng pagkaasiwa kaya nilingon ko ang tatlo kong kasabay. Tapos na si Liam, halatang gaya ko ay naghihintay nalang din sya. Nag-aayos pa ng long sleeve si Bryle samantalang si Xan ay nagsasapatos.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Where stories live. Discover now