Chapter 29: CONFUSE

686 26 0
                                    

Jhea POV

"Sige na. Mag-ingat ka ha?" Nakangiti akong tumango kay Vince na hinatid ako hanggang sa harapan ng gate ng WA. Ginulo nya pa sandali ang buhok ko bago tuluyang hayaang bumaba sa sinakyan naming taxi.

Masaya akong maramdaman ang sobra-sobrang pag-iingat nila sa akin mula nung Lunes, pero sa kabila no'n ay binabagabag ako ng kaba dahil sa biglaang pagbabago nila. Nagsimula iyon sa araw kung saan nakatanggap kami ng kahon na naglalaman ng iba't ibang litrato. Pagkatapos ng araw na iyon ay mas naging mahigpit sila sa akin. Kung noon hinahayaan nila akong sumakay ng taxi ng mag-isa, pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na. Laging isa sa kanila ang naghahatid sa akin. Pansin ko rin na halos laging nasa paligid ko sina Liam, mas malapit na sila sa akin kung ikukumpara noon. Sa pag-uwi, magugulat nalang ako na makakatanggap ng text, then a minutes past there's a taxi stop in my front, at pag sumakay na ako ay makikita kong nakasakay doon ang dalawa sa miyembro ng PG. Another thing, kung noon may mga pagkakataon na nagiging mag-isa ako sa bahay, ngayon hindi na. Hindi ko alam kung binabaliw ko lang ba ang sarili ko, o talagang mayroong panganib sa akin na hindi mahagip ng kaalaman ko. Dama ko na naging over protective sila sa akin, at kung minsan naguguluhan ako kung tatanggapin ko ng positibo o negatibo iyon.

"Hi Jhea!!"

"Uy boyfriend mo ba si Ice? Why did he kissed your forehead?"

"O baka si Liam?"

"Eh si Bryle? Why he care so much about you?"

"How about Xan?"

"Ano ba talagang meron sa pagitan nyo ng PG?"

This week must be the most hectic week dahil ito na ang huling linggo bago ang darating na midterm, we should focus to review ngunit mukhang wala doon ang isip ng lahat. Nanatili iyon sa nangyari nung nakaraang Miyerkules sa pagitan namin ni Bryle. Sa buong linggo yata ay ako at ang Poisonous Gang ang laman ng usapan sa lahat ng parte ng West Academy.

Kilala ang Poisonous Gang na hindi nakikipag-fling sa iisang babae, or either share girl, iyon siguro ang mga dahilang tinitignan ng iba para hindi nila mabuo ng kumpleto sa isip na isa akong laruan ng sikat na grupo. Hindi rin marahil sumasagi sa isip nila ang katotohanang miyembro ako ng Poisonous Gang dahil isa akong babae, ako si Jhea, at higit sa lahat matagal ng inanunsyo ng PG na hindi na sila magdadagdag ng miyembro sa grupo.

May mga pagkakataong natutuwa ako sa mga reaksyon nila, minsan nga ay gusto ko pa silang tawanan dahil kitang kita kung gaano nasisira ang sistema nila kakahanap ng sagot sa nag-usbungang tanong. But most of the time I'm was exasperate by their interrogation, paano ba naman kasi mula umpisa ng araw hanggang matapos ito ay hindi na ako lulubayan no'n. Minsan nga dinadayo pa ako ng mga taga-ibang section even lower and higher grade just to ask.

"Hello Jhea!!" Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko kay Belle.

Simula pagpasok ko noong Lunes ay hindi na tumigil ang grupo nya sa kakatanong sa akin, at sa totoo lang nakakairita iyon.

"Sino naghatid sayo?" Nakangiting tanong ng isa pang si Ashley.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya. "Bakit ko sasabihin sayo?"

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Where stories live. Discover now