Chapter 49: TRAINING

633 21 0
                                    

Jhea POV

"Bye Jhe Jhe!!"

"Take care pangit!!"

"Matulog ka lagi ng maaga!!"

"Be safe Princess!!"

"Ingatan mo ang sarili mo my loves ko!!"

"Ayusin mo ang sarili mo, burara ka pa naman!!"

"Beshy ko tawag ka lagi ha!"

"Ba-bye Jhe!!"

Sobrang lungkot ko habang tinatanaw silang walo na masayang kumakaway sa akin. Kalagitnaan ng gabi ng gisingin ako ni Ate Jairen dahil aalis na daw kami. We need to evacuate during midnight so no one would know. Ayaw pa nga nila akong payagan na dumaan muna sa hospital para magpaalam, iniyakan ko lang ng husto si Daddy para pumayag sya.

It's my 2 months here in New York. Underground ang lugar na ito and this is the main hideout of Vware Mafia. Sa unang tingin ay isa lang itong malawak na private lot na halos magmukhang garden dahil sa dami ng bulaklak at iba't ibang klaseng halaman. The surrounding is almost perfect but everything is just a phase. Sa pinakadulo kasi ng lote na ito ay may isang pintuan na hindi mahahalata dahil mukha itong dingding. Dad has remote of it at silang dalawa lang daw ni Zero ang humahawak no'n, according to Ate Jairen.

"Don't make any sound!!" Seryoso at matigas na sinabi ni Daddy nung unang araw namin dito.

Nung bumukas na ang pinto ay wala kang makita dahil sobrang dilim no'n, lalo na at kalagitnaan ng hatinggabi kami pumasok dito. Daddy are the one who open, tapos si Zero ang unang bumaba at inalalayan kaming makababa din. Lagpas lang ng kaunti sa ulo namin ang lapag na una naming pinanggalingan. Wala akong makita, maliban sa mga puting bagay na suot namin ay wala na talaga. Ang liwanag ng buwan na kahit paano sana ay tatanglaw sa espasyong ito ay hindi nakakarating dahil nahaharangan na iyon ng malalaking katawan ng mga nakaitim na lalaki.

Nang makumpleto na kaming magkakapatid dito ay nakarinig ako ng mahinang tunog na tila ay bumubukas na kung ano, para yung tunog ng elevator. Then Ate Jairen slightly push me papunta sa harapan, mahina pa akong napasigaw ng muntik na akong madapa dahil sa pagkabigla. Hindi ko kasi inaasahang mas mababa ng konti ang hinakbangan ko.

"Mauna na kayo Ren!! Come with them Zero!!"

"Tito I can----"

"No!! Posisyon ko ito Zero. Go ahead!!" Hindi ko maintindihan ang usapan nilang dalawa. Saan kami sasamahan ni Zero? Wala naman ng ibang daan dito.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakarinig na naman ako ng tunog but this time ay maikukumpara ko na iyon sa nagsasarang pintuan ng elevator. A minutes past ay mahigpit akong napakapit sa polo ng katabi ng maramdaman ang paggalaw namin. Nasa elevator ba kami?

"Get off your hand!!" Automatiko akong napabitaw ng mapagtantong si Zero ang nakapitan ko. Bumuntong hininga ako bago sumuksok sa taong nasa likod ko.

"Wag ka ngang malikot!!" Ang masungit na boses ni Ate Jairah. "Ate can I use cell----"

"No!!"

And then there. I found out na elevator nga ang ang sinakyan namin. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay sumalubong sa amin ang napaka modernong kapaligiran. It feels like I'm on the exclusive hotel room, so luxurious. Magmula sa furniture, paintings, decorations and other display, lahat iyon ay nagsusumigaw ng pangalan at karangyaan. But the thing that almost makes my mind explode, ay ang isang open field-like sa pinakalikod. Kung pagmamasdan mo talaga ay parang wala sa ilalim ng lupa. The grass, the light, everything seems natural. Hindi ko na maalala yung sinabi ni Daddy na dahilan kung bakit nakakapagpatubo sila dito ng damo.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Where stories live. Discover now