Chapter 32: FAILED

661 27 1
                                    

Jhea POV

"Jhea!! Jhea!!" Ano na naman bang problema? Bakit nanggigising sila ng maaga samantalang wala akong pasok ngayon? "Jhea? Bumangon ka na 6 na. May pasok daw kayo!!" Alternate ang pasok namin! Gustong gusto ko iyang isigaw sa kanya ang kaso nanghihina ako at masyadong naaaliw sa antok. "Tang---- Argh kayo na nga manggising dyan! Nabubwisit na ako!!" Nakarinig ako ng malakas na kalabog na sinundan ng papalayong yabag kasama ang malulutong na mura. Wala sa sariling tumulis ang nguso ko. Tila ba lumipad ang kalahating antok ko dahil sa inis na inis na boses ni Vince.

"Hey innocent girl in this room!!" Ang antok na antok na boses ni Trix kasunod ang tatlong magkakasunod na katok. "Get up and take your breakfast downstairs. May pasok kayo ngayon!!" Nagtalsikan ang mga unan maging ang teddy bear na nakapatong sa akin matapos akong padabog na tumayo.

"KASI NAMAN EH!" Maiyak iyak kong sigaw ng makaupo sa kama ko. Can't they leave me alone?

Tumahimik ng husto ang labas. Pakiramdam ko imahinasyon ko lang na nandyan sila kanina at ginigising ako dahil sa payapa na ang kapaligiran. Suminghot ako at pikon na tumitig sa puti kong pintuan. Pinagkakaisahan na naman ba nila ako sa ganito kaagang oras?

"Oh c'mon don't 'kasi naman' us. Lumabas ka na dyan kung ayaw mong ako ang maglabas sayo!! Tss!!" Nalukot ng husto ang mukha ko sa sinabing iyon ni Clyde. Bakit napakayabang niya?! Isumbong kita kay Ice dyan eh.

"Bahala kayo dyan!" Bulong bulong ko. Muli kong ibinagsak sa kama ang katawan at aktong babalik na sa pagtulog ng biglang kumalabog ang pintuan na halos magpatalsik sa kaluluwa ko sa gulat.

"Beshy tayo na!! May pasok!!"

"AHHHHHHHHHHHHH!!" Nagpapapadyak ako sa sobrang pagkayamot, muli akong naupo at yumukod sa tuhod ko. Nakakainis na!!! Akala ko ba alternate ang pasok namin?

Argh! Kapag talaga pina-prank na naman nila ako hindi ko na talaga sila papansinin. After almost 10 minutes I left with no choice but to lift my body and push myself outside the room. Uminat muna ako bago tuluyang walang buhay na maglakad pababa. Naabutan ko sa sala sina Liam, Xan at Bryle na pare-parehong hawak ang cellphone nila.

"Fvcking schedule!!" Namamayani ang malulutong na mura ni Liam habang panay ang marahas na pindot sa cellphone.

Pare-parehong kunot ang noo nilang tatlo habang nakatunghay sa sari-sariling cellphone. Halatang abala sila kaya siguro hindi na nila napansin ang presensya ko.

"Baliw na yata ang mga SSG na 'to!!" Iritado ang boses ng baklang si Bryle habang patuloy din sa marahas na pagpindot sa cellphone. Mukhang hindi lang ako ang nasira ang araw.

"Mga instructor daw nagsabi eh!" Nakasimangot na sabat ni Xan. Naglakad ako sa mahabang sofa at tumabi sa kanya habang nakikisilp sa cellphone na hawak nya.

"Bakit may pasok tayo?" Antok kong tanong bago humilig sa balikat nya.

"Gusto daw ng mga instructor na kung maaari ngayong week na tapusin ang midterm" Iritado syang umiling iling. "Kaya ngayon merong surprise announcement sa West School fb page. And yes Jhe, may pasok tayo ngayon maging bukas!!" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya. Hindi ako nagreview.

BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon