THIRTY SEVEN

4.5K 63 2
                                    

Amiel

Ngayong araw ang kasal ni Gail. I gritted my teeth. Hindi ko pa malalaman kung hindi ako tinawagan ni Tita Josie.

Wearing a white long sleeves polo rolled up to my elbow and black silk slacks with black shoes I went to the event venue. Tita sent me the details.

With my anger, pain and broken heart I went here to only see Gail in another man's arm. Lalong kumuyom ang kamao ko pagkasara ko ng pintuan ng sasakyan ko.

I closed my eyes hard then take a deep breathe before I decided to enter at the entrance of the hotel. I don't have any invitations pero nakapasok pa rin ako dahil kay Tita Josie. Pinakiusap niya sa guard at sinabi naman ito sa reception.

Guards assist me sa isang private room where they held their after wedding. Pinagbukas pa ako ng double doors ng isang bantay sa labas. Isang mahabang presidential table ang sumalubong sa akin. Dark grey wood laminated walls and full red carpeted floors with elegant huge chandeliers in center. Nagtiim bagang ako ng mahanap ang lalaking umagaw sa akin kay Gail. Next to him is Gail which make my emotions shifted immediately. Ang maamo niyang mukha ay nagpalamlam din ng akin.

Nakita ko ang pagkatigil ng lahat dahil sa pagdating ko. The food is already served at kumakain na sila.

"Hijo, nandito ka na." Basag ni Tita Josie sa biglang pagtahimik ng lahat.

"Kumain ka na muna." Akay sa akin ni Tita ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Ah, Tita." Pigil ko sa kanya. Hindi naman ako magtatagal talaga rito. "Gusto ko lang pong makausap sana si Gail." Pagkasabi ko nun ay inilipat ko ang tingin ko sa katabi ni Tita na nakatingin rin sa akin.

"Tss." Si Carlo. Madilim ang mga tingin sa akin.

"Ahm, ganoon ba? Mamaya na lang siguro pagkatapos kumain." Sabi ni Tita na ipinaghila ako ng bakanteng upuan sa kabilang tabi niya.

"Gail." Tawag ko kay Gail na nasa akin pa rin ang paningin.

"Ma, ituloy niyo na po muna ang pagkain. Sandali lang po ito." Sabi niya at ngumiti sa ina at sa akin na rin.

"Sige po, Tita." Sabi ko at humalik na sa pisngi nito saka tumalikod at naglakad palabas ng kwartong iyon.

"Sasama ako." Narinig kong sabi ng gagong iyon bago ako makalabas ng pinto. Fuck him!

Naghintay ako sa pasilyo at maya maya nga ay luamabas na si Gail pero nakasunod sa kanya si Carlo.

Tinignan ko ng masama ang kupal na lalaki. Tinulak siya papasok ni Gail muli sa loob.

"Carlo please. Let me." Malambot at malamyos ang boses na ginamit niya rito. Nagtiim bagang ako at tumalikod sa kanila. Ang bigat ng pakiramdam ko ang sakit. Tangina.

"Miel.." She called my name sweetly. Ipinikit ko sandali ang mga mata para maitago ang sakit, lungkot, galit at anupamang emosyon na nararamdaman ko.

Pagharap ko sa kanya ay mahina akong ngumiti. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagsasalita sa kanya.

"I'm.. I'm sorry if hindi kita nasabihan about dito. Alam ko kaseng magagalit ka." Sabi niya at inilagay ang dalawang kamay nito sa likod.

"Galit ako. Oo, Gail galit na galit ako." Pinipigilan ko ang galit kong nagpupuyos na ng husto sa loob ko. Nag angat siya ng tingin sa akin. Her beautiful eyes looking at me shyly.

"Bakit, Gail? Bakit?" Mahina pero may diin kong sabi. Nasa hallway kami ng mga event rooms at may ilang dumadaan. Malapit lang din sa amin ang mga uniformed body guards na nasa pintuan nila Gail.

Galing sa likod ay hinablot ko ang siko ni Gail at naglakad palayo sa area.

"Nasasaktan ako, Amiel." She hissed pero tuloy tuloy lang ang lakad ko.

Nang nasa parking area na kami sa tapat ng sasakyan ko ay binitawan ko siya at hinarap. Nakita ko rin ang mga guards at si Carlo na mabilis na naglalakad papunta sa amin.

"Gail!" Sigaw nito sa kanya. Kitang kita ko kung gaano kadilim ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Gail let's talk." Mabilis kong sabi. Natatakot na baka iwan niya ako rito.

Humarap siya kay Carlo at pinahinto niya ito.

"We're not yet done. Please." Nagsusumamo na naman ang boses niya rito.

Madilim man ang mga mata at madiin ang pag igting ng panga ni Carlo ay tumango pa rin ito sa kaniya. Nasa limang metro ang layo nila sa amin pero pinalayo pa sila ni Gail.

Gail, why are you doing this?

"Gail." Untag ko sa kaniya.

"I'm sorry. Amiel, kung ito ang ginawa ko. Mahal ko si-"

"Ako?! Paano ako? Mahal din kita Gail noon pa. Hinintay kita! Hinayaan na magawa ang lahat ng gusto mo! Pero bakit siya ang pinili mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Siguro ay naging trigger yung sinabi niyang mahal niya ang gagong iyon. "Hindi ako naniniwala, Gail. Dahil ba sa kumpanya ng ama mo?" Nakita ko ang pag iling niya at pagtulo ng luha niya. Tangina naman! "Gail.." kalmado na ngayon ang tono ko. "Blackmail ba? Pwede natin siyang kasuhan. May pera naman ako." Sabi ko at marahan na lumapit sa kanya. Gusto kong haplusin ang pisngi niya pero natatakot ako. Kasi hindi niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko? Pumikit ako ng mariin para ibalik ang luhang namumuo sa mga mata ko.

"Mahal kita, Amiel dahil ikaw ang naging kasama ko noon. Kaibigan kita. Kuya na kita. Yun.. yun lang kaya kong ibigay sayo." Sabi niya at humikbi.

Bumuga ako ng hangin bago nagsalita.

"Iyon lang? Gail baka kase napilitan ka lang sa kanya? Baka kase pinipilit mo lang ang sarili mo mahal mo rin siya." Nakita ko ang pag iling niya.

"Baka magbago ang isip mo kapag sumama ka akin." Sorry Gail, pero ito na lang ang paraan ko para mapasakin ka ulit.

Pinatunog ko ng isang beses ang sasakyan ko at mabilis siyang ipinasok sa loob nito. I put her seatbelt on para hindi siya makaalis agad. Mabilis akong umikot sa driver's seat nang makitang mabilis na tumatakbo si Carlo palapit sa amin.

Gusto ko lang naman na maging akin siya ulit. Pinangako ko sa sarili ko na sa akin siya ikakasal balang araw. Siya na ang naging inspirasyon ko sa buhay. Kaya ako nagsisikap para sa kanya at sa magiging buhay namin dalawa.

Pero bakit hindi pwede? Bakit hindi siya para sa akin? Bakit?

Without any hesitation pinaandar ko ng mabilis ang vios ko palabas ng hotel na yon.

May guard na humarang pero hindi ako nag menor.

"Amiel." Umiiyak na sabi ni Gail.

Pinipigilan kong lumambot sa kaniya. Kailangan namin makaalis sa lugar na iyon. Napamura ako ng makita sa side mirror na may nakasunod sa amin na itim na sasakyan. Dahil medjo trapik ay  nagcounter flow na ako sa kabilang linya pero hindi ko inaasahan na may sasalubong sa amin. I lose the control then everything went black.

His Heart (HIS Series#1)Where stories live. Discover now