FOURTEEN

5.6K 78 3
                                    

Gail

Napatawa ako sa isang biro ni Amiel sa akin. Nawawala atleast sa isip ko si Carlo. That man. Tinakasan ko siya. Hindi sa di ko siya kayang mahalin kundi dahil hindi ako sigurado sa kanya. Baka dumating yung araw na hindi niya pala ako mahal talaga, na infatuation lang ang naramdaman niya. Mayaman siya. Kilala bilang may ari ng Cresencio Group. Sasakit lang ang ulo ko sa kanya.

Ilang linggo na akong nandito sa bahay ni Amiel, kababata ko. Nagsabi lang ako kay mama na nandito ako pero hindi ko kinuwento sa kanya ang nangyari sa akin sa manila. Si Dad naman ay patuloy na naghahanap ng investors para sa clothes company niya na ipapasa niya raw sa akin. Nagtatanong din siya kung bakit ayokong samahan siya, ang sabi ko masama ang pakiramdam ko. Naniwala naman siya dahil hindi niya ako sinama sa out of country niya.

Nandito kami sa labas ng bahay nila Amiel. Dito lang kase ang pagawaan niya ng mga sandals na pinapadala sa bayan at sa Maynila.

"Ikaw talaga Ami-"

"Gail!" Someones cut me off.

Pag angat ko ng tingin sa labas ng nakabukas na gate nakita ko siya. Nasa kabilang tawid ng kalsada.

Si Carlo. Nagmamadali siya palapit sa kinaroroonan ko. Muntik pa siyang mahagip ng isang sasakyan sa pagtawid niya.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagsinghap ko. Bakit siya nandito? Paano niya..nalaman?

Napalingon sa direksyong tinitignan ko si Amiel. Maski siya ay nagulat rin sa paparating.

Nakaputing v-neck tshirt siya at maong na pants. Magulo din ang buhok niya. Mukha siya stressed pero ang gwapo gwapo niya pa rin. Yan ang isa pa sa ayaw ko sa kanya. Baka sobrang dami niyang babae dahil sa katayuan niya sa buhay, dahil na rin sa lubos niyang pinagpalang mukha at katawan.

Hays.

"Gail!" Tawag niya ulit sa pangalan ko.

Napatakip ako sa bibig ng ilang dipa na lang ang layo niya mula sa akin.

Namumula ang mga maganda niyang mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o lungkot o ano. Hindi ko mabasa ang mga mata niyang sa akin lang nakatingin. Nakita ko rin sa likod niya ang tatlong lalaki na bumaba sa sasakyan pinanggalingan niya.

Nakaramdam ako ng sakit ng mas lumapit pa siya sa akin pero biglang tumayo si Amiel sa harap ko.

"Sino ka?" Malalim ang boses nito. Kinuwento ko kay Amiel ang nangyari sa akin doon sa Maynila. Si Amiel din ang sumundo sa akin sa Crescent nung araw na nagpaschedule siya ng kasal. Yung kasal na yun. Gusto ko sana kasi gusto ko naman siya pero may pag aalinlangan ako. Hindi pa ako sigurado sa kanya.

"Gail." Tawag niya ulit sa akin at hindi pinansin ang nasa harapan ko. Mas lalo naman akong tinago ni Amiel sa likod niya.

Halos magkasing taas na sila pero sa built ng katawan ay mas malapad si Carlo. Namumula rin ang kulay ni Carlo halata ang pangmayamang kulay samantalang si Amiel ay moreno.

"Please Gail. Let's talk." Sabi niya na inaabot ako sa likod ni Amiel.

"Ikaw ba si Carlo?" Matapang na sabi ni Amiel sabay tulak sa balikat ni Carlo. Napaatras naman ito at bahagyang nagsalubong ang makapal na kilay pero hindi inalis ang titig sa akin. Lumambot ang tingin sa huli.

"Gail, I'm begging." Medjo paos na ang boses niya.

Nasasaktan ako. Bakit ganito kasakit? Nag iinit na ang dulo ng mga mata ko.

"Ang kulit mo ah?!" Sigaw ni Amiel tsaka kinuwelyuhan si Carlo.

Napasinghap ako pati na rin ang mga trabahador na nandito.

"Gail, I'm here for you." Marahan pa rin niyang sabi sabay tanggal ng kamay ni Amiel sa damit niya. Hindi niya pinapansin si Amiel na nasa harap niya. Ako lang ang tinignan niya. Sa akin lang ang lahat ng salita niya.

"Car-lo." Hindi ko na mapigilan ang paggaralgal ng boses ko. Naawa ako sa itsura niya. Hindi ganyan ang una kong kita sa kanya. Punong puno siya ng pride sa sarili niya. Boss siya at walang pinapakinggang iba.

"Pumasok ka na sa loob Gail." Matigas na sabi ni Amiel saka tinulak paatras ulit si Carlo. Napasinghap ako dahil muntik na siyang matumba doon.

"Gail, please don't. Let's talk, please. I need you. I love-" Amiel punch him in his face.

Napasigaw ako pati na rin ang ibang nandito. Lumapit ang mga kasama ni Carlo para daluhan siya. Hinawakan naman ng mga trabahador si Amiel dahil susugurin pa niya ang natumba nang si Carlo.

Nakita ko ang dugo sa labi niya. Sumikip ang dibdib ko.

Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. Tinulungan pa siyang tumayo ng isa sa mga kasama niya pero hinawi niya ito. Nakita ko ang pag iling niya.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Malungkot ang mga mata niya. Bigo. Kitang kita ko. Tumatagos ang tingin niyang iyon. Tumatagos sa puso ko. Sa  kaloob looban ko.

"Gail.." Lumuhod siya.

"Carlo, that's enough." Sabi ng isa sabay hawak sa balikat niya.

Niyuko niya ang kanyang ulo. Bakit nasasaktan ako para sa kanya? His shoulders are shaking. Umiiyak ba siya?

"Carlo.." tanging nasabi ko.

Nakita ko rin na may pumapatak na tubig sa sahig. Umiiyak siya. Parang napupunit ang dibdib ko. Hindi. Napupunit pala talaga.

"Gail, please. Come with me." Nagpunas muna siya ng mukha bago nag angat ng tingin sa akin.

Namumula ang mga mata niya. Napapikit ako ng mariin. Umaatras ako.

"Umalis na kayo. Isama niyo na yan hanggang kaya pa namin itong pigilan." Sabi ng isa sa mga trabahador.

"Carlo. Let's go home." Mariin na sabi ng isa sa mga kasama ni Carlo.

Umiling siya at dahan dahan na tumayo. Nakita ko ang pag ngisi niya sabay punas sa labi niyang patuloy na dumudugo.

"Ganun na lang ba sayo ipamigay ang virginity mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Syempre hindi! Pero  may iba kase akong.. naramdaman sayo! Yun lang yon.

"You moaned under me. You called my name and I let you slept  in my bed! Fuck Gai-" Hindi na siya pinatapos ng suntok ni Amiel.

Humandusay siya sa sahig. Pilit namang inaawat si Amiel ng mga trabahador pati na rin ang isang kasama ni Carlo.

"Umalis na kayo rito!" Sigaw ni Amiel sabay duro sa kanila.

Marahas na lumingon sa akin si Amiel. Namumula na ang buong mukha siguro sa galit.

Uminit ang dulo ng aking mga mata. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha rito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinapanuod ko lang ang pagtaas baba ng dibdib ni Amiel.

"Totoo ba yun Gail?" Sabi ni Amiel sabay tagilid ng ulo sa akin.

Totoo. Gusto kong sabihin yan ngayon. Pero natatakot ako kaya hindi ko nagawa ang magsalita man lang. Nagtuloy tuloy na ang pagtulo ng luha ko.

Napaatras ako lalo. Gusto kong tumakbo, gusto kong umalis dito pero walang lakas ang mga binti ko.

Narinig ko ang pagmura niya at sinugod muli ang kakatayo palang na si Carlo.

Inawat ulit sila at bumagsak na naman si Carlo. Narinig ko na ang pagmura ng mga kasama niya.

"Carlo, come on! This is not our teritory!" Sigaw ng isa habang inaalalayan siya tumayo. Nakita ko ang pasa sa panga niya. Nanghihina. Pero nasa akin pa rin ang tingin niya. Yung tingin niyang nagmamakaawa at malungkot.

"Umalis na kayo!" Angil ulit ni Amiel sabay duro sa kanila.

"Halika na Gail!" Marahas na hinawakan ni Amiel ang braso ko at agad na hinila papasok ng bahay.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Carlo sa pangalan ko. Nagmamakaawa pero hindi ko na siya nagawang  lingunin pa.

His Heart (HIS Series#1)Where stories live. Discover now