TWELVE

6K 88 1
                                    

Carlo

Gail and her mother left by Mr. Serrano while she's still in the womb. Mistress ang Mama niya. For 16 years of her life hindi niya nakasama ang Papa niya and fortunately binalikan at hinanap siya nito dahil walang anak ito sa tunay na asawa.

Nakatanaw ako sa malawak na siyudad ng Taguig. Iniisip ang mga nabasa kanina sa report ni Kit about sa background ni Gail.

Pinag aral niya si Gail para siguro hawakan ang matagal na niyang kumpanya pero siguro huli na ang lahat para maipasa niya ito dahil palubog na ang kumpanyang ito.

I smirked. But still there's an ache inside my chest. Inside my heart.

Lumapit ako sandali sa table ko para magsalin ng wine. Gusto kong kumalma at umisip ng paraan paano ko siya mapapabalik dito.

Pinaikot ko pa sandali ang wine sa loob ng baso bago ko ito inisang lagok.

Si Amiel, kababata niya. Kasama niyang lumaki sa Laguna sa loob ng 16 damn years. At ayun ang binalikan niya ngayon.

Ano nga namang laban ko dun? Ako, ilang araw niya pa lang nakikilala samantalang yung lalaking yun ang kasama niya habang wala ang ama niya.

Baka si Amiel ang tinutukoy niyang mahal niya? Siguro nga. Kase dun siya pumunta ngayon. Baka nga may relasyon pa sila bago ako sumingit.

Tss.

Sabi sa report, hindi naman daw mayaman si Amiel. May pagawaan ng sandals at tsinelas ang mga magulang niya. Mayroon na din siyang sarili pero hindi pa ganoon kalaki.

Tulala pa rin akong nakatanaw sa glass wall ng building na'to. Hindi ako makaisip ng paraan.

Lumapit ako sa swivel chair at umupo rito. Sinandal ang ulo saka ako pumikit.

Napadilat ako ng marinig na tatlong katok.

Walang tumatakbo sa isip ko kung hindi siya.

"Sorry Sir. Uuwi na po ako." Paalam ni Trishia sa akin.

Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:30 na pala ng gabi. "Okay" sabi ko pero may naalala ako. "Ah. Trishia" tawag ko sa kanya.

"Yes Sir." Mabilis naman siyang humakbang pabalik.

"About the Seventh Corp.? What did they say?" I said coldly.

Napasinghap pa siya.

"Sorry Sir. Ahm. By Monday na raw po siguro kase wala daw po si Mr. Serrano. Out of town." Sabi ni Trishia  sabay napalunok pa.

Napapikit ako ng mariin. Saka siya sinenyasan na umalis na.

My plan is, kausapin ko muna si Mr. Serrano and make a deal with him. Nasa akin pa rin naman ang mga papel nila. Or.. puntahan ko na siya sa Laguna and pursue her.

I don't know mas nakakabaliw pa yata ang sitwasyon ko ngayon. May ibang lalaking involved sa istorya naming ito.

Tinawagan ko si Nathan.

"Hey." Sabi niya sa kabilang linya.

"Are you busy?" I asked him.

"Not totally. Actually, in few minutes I'm going home." Deretso niyang sabi.

"Let's meet sa Light. Call the others. Gusto kong mag unwind." Sabi ko habang nakatingin sa malawak na siyudad.

"Whoa. That's new huh? Wala na bang pagmumukmok dyan?" He said teasingly. I heard he laughed too.

"Nah. No need for that." Matapang kong sabi sabay tawa. Pero sa totoo lang nauubos na ako sa sakit ng nararamdaman.

"Alright. I call them for you."

His Heart (HIS Series#1)Where stories live. Discover now