FOUR

8.2K 125 5
                                    

Carlo

Nasa sofa ako when I heard knocks.

Sila na 'to.

When I opened the door I saw Kit.

"Hey." Sabi niya sa tapik namin nang kamay.

"Wala pa sila." Sagot ko.

Papasok na kami nang may tumawag.

"Assholes!" Nathan screams sa hallway.

Sabay kaming napalingon ni Kit.

Nathan and Kerich arrived.

"Hey." Sabi ko sabay high five sa dalawang dumating.

"So, nakabalik ka na pala sa unit mo?" Nathan asked habang inilibot ang tingin sa unit ko.

"Yeah. Kaninang umaga lang. Pinilit ko si Mommy." Sagot ko.

Tumango lang siya.

"So, ano meron?" Kit asked.

"Wala naman." Sabi ko habang naglalakad papuntang kusina.

I get the canned beer that I bought a while ago.

"Anyway Carlo, yung inutos mo saken kanina itinawag ko na sa agent. And as of now he's following Gail." Kit seriously said.

Kahit nasa kusina rinig ko pa rin ang sinabi ni Kit.

"Seriously? Pinasundan mo naman?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nathan.

Ganyan talaga sila, mga walang lovelife.

"Wow! Just wow! Finally, nakabalik na rin ang Carlo James Cresencio nang barkada!" Buyong dagdag pa ulit ni  Nathan.

Madalas talaga nakakabwisit yung mga side comments niya.

"Yeah. Wala na ang sanib sa kanya." Kerich added sabay hagalpak ng tawa.

Nagtawanan na silang tatlo pero ako sinamaan ko lang sila ng tingin.

"You know what, you two doesn't help. " Sabi ko sa kanila sabay hagis ng canned beer nila.

Napailing na lang ako.

"After 24 hours magbibigay sila nang updates about sa subject. I'll just forward it to your email kapag nasend  na nila sa akin ang details." He explains.

"Alright. Thanks Kit."

The night went well. After what Kit said, puro business na ang pinag usapan namin.

Hindi ko inopen sa kanila na nagkita kami sa supermarket, pang aasar nanaman ang gagawin nila if ever.

2am na kami natapos.

Hinayaan ko na silang umuwi dahil malapit lang naman sila dito.

Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Agad ko itong kinapa sa table katabi ng kama ko.

"Good morning sir." Sabi sa kabilang linya.

"Who's this?" Sabi ko na medjo paos pa ang boses.

"Trishia po sir" Secretary ko pala. Hindi ko kase natignan kung sino ang tumatawag.

"Why are you calling? Di ba nagsabi ako sayo, na hindi ako papasok today?" I straightly said.

Medjo masakit pa ang ulo ko dahil sa alak kagabi.

"Ahm.. Yes Sir but your Dad is here and he wanna talk to you." Napaupo ako sa kama sa sinabi niya. Pumintig ang sintido ko sa sakit. Napawak ako rito para suportahan.

"Okay. Tell him I'll be there." Walang alinlangan kong sabi sabay end call.

It's 10 o'clock in the morning.

His Heart (HIS Series#1)Where stories live. Discover now