THIRTY ONE

4.3K 64 3
                                    

Carlo

Just like that. Nagtapos ulit kami ni Gail. Sobrang nagagalit ako sa kanya. She don't deserve my love? Bakit? Sino ba siya para husgahan ang pagmamahal ko sa kanya? Sino siya para sabihin iyon?

Susubukan kong wala siya. Susubukan kong hindi siya. Pero shit, iniisip ko pa lang nasisiraan na ko ng ulo.

Hindi ko alam kung nacha-challenge lang ba ako sa kanya dahil wala pang babae ang hindi naghabol sa akin. Marami akong pinansin, pero dalawa lang ang naging mahal ko. Una, si Lauren at ngayon si Gail. Malaki ang pagkakaiba nila. Classmate ko si Lauren. Sinabi nila sa akin na may gusto nga ito sa akin kaya sinubukan ko siya hanggang sa di ko namalayan na mahal ko na pala siya.

Ang ayoko lang sa part ng kwento kong ito ang pagkawala ng unang babaeng minahal ko at ngayon ayaw naman sa akin ng babaeng mahal ko ng sobra.

Hindi ko alam kung paano ko ito malalagpasan. Yung pakiramdam ko ay baguhan pa lang ako dito. Yung pakiramdam na wala akong alam.

Nung gabi rin na yun ay mag isa akong pumunta sa Light. Wala ako sa sarili pero gusto ko lang padampiin ang init ng alak sa lalamunan ko. Baka sakaling kahit sandali ay makalimutan ko naman siya. Makalimutan kung paano niya ako iniiwan at pinagtatabuyan. Kung paano ko isuko ang sarili ko sa kanya. Kung gaano ko ibaba ang pride at ego ko para lang mapunta siya sa akin.

Napapaisip ako na baka worthless kase ako kaya hindi ako Niya ako binibigyan ng taong magmamahal sa akin. Yung taong makakasama ko sa habang buhay. Tss.

Pagpasok ng bar ay sumaludo ang mga bouncer at guard na madaanan ko. Pati ang mga waiter ay binibugyan ako ng daan.

Alas otso pa lang naman ng gabi kaya hindi pa ganun kadami ang tao. Maingay na ang musika ngunit hindi pa gaanong mausok.

Dumeretso ako sa opsina. Nagpahatid din ako sa waiter ng alak doon. Magmumukmok na lang muna siguro ako.

Mag iisip kung bakit kailangang iwan lagi ng taong mahal ko. Lalo na si Gail, kung bakit paulit ulit ang pag iwan niya sa akin.

Pinihit ko ang doorknob. Lagi naman itong bukas. At sa pagbukas ko ay nagulat pa akong nadoon si Kit na nagla-laptop.

"Oh! Carlo, bakit ganyan ang mukha mo? Mukhang biyernes santo na naman ah?" Tanong niya habang napatigil sa ginagawa niya sa laptop niya.

"What are you doing here?" Hindi pinansin ang tanong niyang una. "Okay ka na ba?" Iniba ko ang usapan.

"Well, doing fine." Sabi niya sabay sinandal ang likod sa swivel chair. "Continues ang therapy and may part lang talaga akong hindi maalala yung mga sin- Aish! Wala wala. Ayoko talagang maalala!" Sabi niya sabay dumikit muli sa mesa ang katawan niya at tumingin sa akin ng deretso.

Tamad akong nakaupo sa mahabang sofa dito sa office.

"Ikaw, are you alright?" Sabi niya sabay sinara na ang laptop. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at ipinatong sa mesa. Sa akin lang ang atensyon niya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "I think so." Sabi ko sabay kibit ng balikat.

Narinig ko ang paghalakhak niya.

"Oh come on, Carlo. I know you. Kahit nag ka-amnesia ako. Hindi ko makakalimutan ang ugali mo." Paratang niya sa akin habang naiiling.

Hindi ako umiimik. Sakto namang pumasok ang isang waiter para dalhan ako ng alak.

"Whoa. Nagsosolo ka ah?" Mapang asar niya sabi. "Hulaan ko.." sabi niya na ikinatingin ko. "Si Gail na naman ba?" Tumataas baba pa ang dalawang kilay ng gago.

His Heart (HIS Series#1)Where stories live. Discover now