WAGFIL - 19 (Last Chapter)

1.5K 24 14
                                    

***

Isang linggo na akong walang katabi. Pitong araw ng tahimik ang mundo ko sa tuwing pumapasok ako. Wala ng nagungulit. Wala ng nanggugulo. Isang daan at anim na po't walong oras na ang lumipas na hindi ko siya nakikita. Nakakamiss. Naaalala kaya niya ako? Sampong libo at walongpong minuto na ang lumipas ng huli kong makita si Steven.

Hindi ko na sila naabutan pa ni Chris nung lumabas ako para habolin siya. Kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para damayan siya. Napapaisip parin ako na kasalanan ko kung bakit siya wala ngayon. I was feel guilt.

"Nakaka-miss din siya e noh?" nasabi ko ng pagtingin ko kay Chris ay nakatingin din siya sa akin. Napangiti lang siya at bumalik sa pagsusulat.

Tumingin ako sa harap. Napaisip at muling tumingin kay Chris at kinalabit ko siya. "May balita ka ba sa kanya?" tanong ko.

Tumingin si Chris sa akin. "Ayun, tambay sa bahay nila. Naglalaro ng dota at minsan tambay sa court." Mas lalo akong nainis sa sarili ko ng marinig ko iyon. Kung hindi sana dahil sa akin ay hindi sana siya tambay. Dalawang buwan nalang at ga-graduate na kami. Kundi dahil sa akin ay hindi siya maiiwan. "Pero balita ko, sasama siya kay lola sa probinsya." dugtong ni Chris at nagsimula na ulit magsulat.

Napaisip ako. Natulala. Aalis na siya ng hindi ko man lang siya nakakausap. Nang hindi ko pa naipaliwang ang dahilan ko. Hindi pa ako nakapag-sorry. Hindi pa ako nakapagpasalamat. Kung hindi din naman dahil sa kanya ay hindi rin magiging masaya ang paglipat ko sa eskwelahang ito.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nabitawan ko na pala ang hawak kong ballpen. "Iniisip mo siya?" tanong ni Chris na inabot sa akin yung ballpen.

"Hindi ko maiwasan. Hindi ko maiwasang isipin siya dahil inaamin ko sa sarili ko, na ako ang dahilan kung bakit ko siya iniisip ngayon. Kung bakit siya na kick-out." napabuntong hininga na lamang ako.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala namang sinisisi si Steven sa pagka-kick out niya. He didn't blame you."

Saglit kaming natahimik bago ako muling nagsalita. "Chris, galit ba siya sa akin? Ano pala nangyari nung hinabol mo siya? Saan kayo nagpunta?"

Bigla nalang natawa si Chris. "Masydo kang halata. Pwedi bang isa isa lang sa pagtanong? Tsaka sinabi ko nga diba wala siyang sinisisi." Napalingon lingon nalang siya. "Wala sinamahan ko lang siyang tumambay, kami ng tropa tsaka naglaro nalang kami ng basketball." sabi niya.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan pa ang oras. Wala ako sa sarili. Iniisip ko kasi kung kumusta na siya. Kung anong ginagawa niya. Nagising nalang ako ng magtayuan na ang mga kaklase ko para mag-uwian. Kaya tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.

"Gem sama ka?" tanong sa akin ni Shai.

"San?" tanong ko. Inayos ko na ang backpack ko at naglagay ng powder sa mukha.

"Foodtrip kami. Wala namang pasok bukas." sagot ni Shai na napag-utusan pa ni ma'am na magbura ng nakasulat sa board.

"Magkikita kasi kami ni Mark ngayon, next time nalang siguro." sabi ko dahil inaya ako ni Mark na mamasyal ngayon pagkatapos ng klase ko at nagtext siya na nasa labas na.

"Pano yan kasama namin si Steven." biglang sabi ni Chris na napatingin ako. Napangiti ako, "talaga?" tanong ko.

"Kasama si Steven?" biglang tanong ni Shai.

Biglang tumawa si Chris, "joke lang, mga mapaniwala e" sabi niya. Nasungitan ko tuloy siya at nabato naman siya ng eraser ni Shai. Kaya nagpaalam na ako sa kanila na mauna at lumabas na ako ng klase.

Nang makasalubong ko si Kim. Napahinto ako at tiningnan siya na ganun din siya sa akin. "Hi," bati niya, "gusto ko lang ibalita sayo na kami na ulit ni Steven." nakangiting pagmamayabang niya at umiwas na sa akin.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz