WAGFIL-4

1.8K 36 7
                                    


WAGFIL-4

A/N:

New Update <3

Hello po. Hi :)) Kumusta kayo? Lels. Did you like my last update? Salamat po sa suporta. Sana keep waiting for my updates. Also, please leave your COMMENT about this story and any suggestion that may help me to improve my works. All Comment are Accepted. And please VOTE nyo na din po para malaman ko kung sino ang mga nagbabasa ng kwentong to. Salamat po. <3

Kuya Mart <3

'

°°°

-Gem-

Pumasok siya sa isang computer shop. Nakasunod lang ako sa kanya na hindi man lang niya kinakausap. Ano na naman gagawin ng lalaking to dito?

Computer Shop. Malamang siguro, mag e internet. Kaya pumasok na ako sa loob at pagkapasok ko palang sa loob ay sumalubong na sa akin ang mga murahan ng ilang mga kalalakihang kabataan na nakita kong may nilalaro sila. Karamihan sa kanila ay mga estudyante din kagaya namin na nakasuot pa ng uniforme.

Alam ko ang larong iyon. Pero hindi ako naglalaro. Nakikita ko lang yan minsan kapag pumapasok ako sa mga computer shop at sa boyfriend ko na minsan ay naglalaro din ng larong yan. Dota ang tawag nila sa larong yan. Ewan ko ba at kung bakit karamihan sa mga kalalakihan, matanda o bata at ilang mga kababaihan ay adik sa larong yan. They are just wasted their money and time para sa larong yan na ewan ko kung ano ang napapala nila.

Hinanap ko si Steven na bigla nalang nawala sa paningin ko. Yes, I remember his name at nabasa ko ulet ang pangalan niya sa ID niya na nakita ko sa loob ng bag niya.

Yung akala mong ginto ang laman ay ng buksan ko ay isang ballpen at notebook lang naman pala. Kasama ang kanyang ID. Ito ba yung ginto na sinasabi nya>?. Napakasipag naman pala talaga ng lalaking ito.

Nakita ko siya sa dulo. Nakatayo siya na nakatingin sa nilalaro ng isang lalaki. May lumapit sa kanya na lalaki. Naglabas ito ng pera. Hindi naman ito iba sa ginagawa ng boyfriend ko kaya alam kong pustahan nila iyon. Umupo na siya sa isang bakanting upuan. Tumingin sa akin at nginitian ako.

>.<

Teka. Ano gagawin ko dito? Nganga? Nakakainis naman tong lalaking ito. Siya magsasaya habang ako ano? Papanoorin lang siya? Maghihintay? Tsk. Ansama naman talaga niya. Napaupo nalang ako sa may bakanting upuan habang naghihintay sa kanya. Nakakainis.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Lumapit ako sa kanya at tinanong siya ng makita sa relo ko na lagpas isang oras na kami andito.

"Pare, girlfriend mo." Sabi ng lalaking katabi niya ng hindi niya ako pansinin.

"Huh? Hindi ko siya boyfriend ah." , mabilis kong tanggi.

Girlfriend? Pagkamalan ba naman akong girlfriend ng lalaking to. Hmmmm.....

"At hindi ko rin siya girlfriend." mabilis naman niyang sabi na nakatingin lang sa nilalaro niya. " Tsaka huwag kang magulo. Matatalo ako. Pumasok ka mag-isa kung gusto mo."

Tsk. Wala narin akong nagawa kundi bumalik sa inu-upuan ko at naghintay. Tsk. Hindi ko rin naman alam pabalik. Tsaka kung maalala ko man, saan ako dadaan? Sigurado namang hindi pwedi sa harapan kasi nag ditch na nga lang kami. Tsaka kung babalik ako sa dinaanan namin kanina. Paano? Wala ng patongan. Paano ako aakyat? Tsaka baka may makakita pa sa akin. Haist. Bakit pa kasi ako sumunod sa lalaking ito. Tanga ko rin e.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now