WAGFIL - 17

988 25 0
                                    


GEM POV

'

"Kanino galing to?" tanong ko ng may babaeng mag-abot sa akin ng isang rosas pagkapasok ko sa loob ng gate. Pero hindi siya sumagot. Nginitian lang niya ako.

Pagkadaan ko namam sa corridor ay may nag-abot naman sa akin ng isang rosas. "Sa akin?" tanong ko. Tumango lang siya tsaka umalis.

Kaya pumasok na muna ako ng CR. Pagkalabas ko naman ng cubicle ay may nakita akong isang rosas na nakapatong sa may lababo. Nilapitan ko iyon at may nakita akong maliit na sulat na may pangalan ko. Sino ba nagpapabigay nito?

Hindi naman valentines.

Pagkabas ko naman ay may inabot sa akin ang janitor ng isang rosas. "Ate, sino po nagpapabigay nito?" tanong ko.

"May nag-abot lang sa akin isang babaeng estudyante, bigay ko daw pagkalabas mo." sabi niya. Babae? Sino?

Naglakad na ako at sa paglalakad ko papuntang quadrangle ay lahat na ng madaanan ko ay may nag-abot sa akin ng tig-isang rosas. Hindi ko alam kung bakit at kung kanino galing.

Nang makarating ako sa gitna ay nakita ko sina Chris, Shai, Tin at maging sina Reniel at Angelo kasama ang ilan pang mga kaklase namin na may hawak na card. Bigla nalang akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong plano nila. Kung ano tong ginagawa nila.

Bigla nalang naghiyawan ang lahat ng lumabas si Steven. Naglalakad siyang nakangiti na may dalang boquet ng bulaklak. Napatingin ako sa taas, kita at rinig ko ang mga estudyanteng nakadungaw na naghihiyawan.

"Steven, ano to?" tanong ko ng makalapit siya.

"Gem, seryoso ako. Handa kong ipagsigawan iyon sa buong campus na gusto kita." sabi niya at napatingin kami sa isa isang pagharap nila Shai ng mga card na hawak nila.

"C, A, N, Y, O, U, B, E, M, Y, G, I, R, L, ?" mga letrang nabasa ko na hawak nila.

"Can you be my girl?" biglang sabi niya ng mapatingin ako kay Steven na nakaluhod na siya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang isagot. May boyfriend ako. At ayoko din namang saktan si Steven o ipahiya. Napalapit na siya sa akin. Ewan.

Natahimik ang lahat. Nakatingin sa akin. Naghihintay ng sagot ko. "Steven, alam mo naman diba?" sabi ko.

Ngumiti siya. "Alam ang alin? Hindi ko oa kaya alam." sabi niya.

"Steven, may boyfriend ako. Ayaw kitang saktan napalapit kana sa akin. Kaso, may mahal na akong iba. Kaya pwedi ba? Taposin na natin to? Sorry but no." ang sabi ko at iniwanan sila.

Pagkatalikod ko ay sakto ding nakita ko si Kim. Pero hindi ko sila pinansin at patakbong lumayo. Dumeretso ako sa CR. Ewan. Pero bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung dahil sa nasaktan ko  at tuluyan na siyang lalayo sa akin. O dahil sa hindi ko pag-amin sa kanya.

Napatingin nalang ako sa may salamin sa babaeng pumasok. Si Kim. Nakita ko ang paglock niya ng pinto. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ng salamin.

"Ang swerte mo. Totoong mahal ka niya. Ginawa din niya sa akin yun noon at ngayon sayo." humarap siya sa akin. "Bakit mo hindi mo siya sinagot?"

"Bakit naman ako maswerte?"

"Kasi madaming nagkakagusto kay Steven pero sila pumapayag na kahit pagsabayin pa sila basta maging boyfriend nila si Stev. Pero ikaw sinayang mo."

Hinarap ko siya. "Hindi ako katulad nila. Bakit ayaw mong lumabas at ikaw nalang sumagot sa kanya." pagtataray ko.

"Kung pwedi lang. Kaso ikaw ang ginawan niya ngayon. Paano mo siya nabilog?"

"Teka, ano ba pakealam mo? Hindi bat ex kalang ni Steven? Why are you affected? Inggit ka? O di kaya, nagsisi kana dahil mahal mo pala? Balita ko kasing wala na kayo ni Jason. Alam mo bang tenitext ako nun?"

"Bruha!" muntikan niya akong masampal buti nalang nahawakan ko.

"How dare you!" sabi ko at ako ang sumampal sa kanya. Lalabas na sana ako ng pigilan niya ako.

"Oo, mahal ko pa si Steven kaya salamat sa hindi mo pagsagot sa kanya. Handa akong maghintay hanggang sa bumalik siya sa akin." hindi ko na pinansin pa siya at lumabas na ako ng cr. Pagkalabas ko ay lahat sila ay pinagtitinginan ako kahit saan man ako dumaan.

Pagkaakyat ko na sa klase ko ay sinalubong ako nina Shai at Tin. "May kasalanan kayo sa akin. May alam pala kayo nito, hindi nyo man lang sinabi sa akin. Nakakainis kayo." sabi ko at pumasok na nakasunod naman ang dalawa."

"Napag-utusan lang kami ano kaba." sabi ni Shai.

Hinarap ko si Shai. "Hindi bat ikaw ang nagsabi sa akin noon na mag-ingat ako kay Steven? Kayo ang nagsabi na huwag akong ma in love sa kanya dahil mahirap? Bakit ngayon, tinutulungan nyo pa siya?"

"Kasi nakita naming seryoso sayo si Steven." sagot ni Shai.

"Akala ko ba mga kaibigan ko kayo? Hinayaan nyo naman siya na umabot sa ganito na mapahiya ako sa campus kahit na alam nyong may boyfriend na ako."

"Hindi ikaw ang napahiya Gem. Kundi si Steven." sabi ni Tin at iniwanan nila ako. Napaupo nalang ako sa upuan ko. Ilang sandali din ay nagsipasokan na ang ilang mga kakalase ko hanggang sa dumating nadin si ma'am.

Natapos ang klase na mag-isa ako. Hindi ako kinausap nina Shai at Tin. Kahit mga kaklase ko. Wala din si Steven at Chris. Pareho silang hindi pumasok. Kapag lalabas naman ako ay ako ang usap usapan kaya mas minabuti ko nalang na mag-isa at maiwan sa klase.

Pagkalabas ko ay sinalubong ako ni Mark. I texted him for what happened earlier. Nakwento ko narin kasi sa kanya ang tungkol kay Steven. Pagkalapit niya ay niyakap ko siya.

"Okey kalang?" tanong niya. Tumango lang ako at hindi na sumagot.

Sa paglalakad namin pauwi ni Mark ay hindi ko inaasahang makasalubong namin si Steven. Kasama niya sina Chris, Reniel at si Angelo. Napahinto ako.

Bigla nalang silang nilapitan ni Mark. "Sino sa inyo si Steven?"

"Ako? Bakit?" maangas nasagot ni Steven.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang suntokin ni Mark na napatumba si Steven kaya napasigaw ako at tumakbo para pigilan si Mark sa kanyang ginawa.

"Gago ka ah? Tigilan mo nga ang girlfriend ko kung ayaw mong basagin ko yang pagmu-mukha mo." sigaw ni Mark kay Steven.

Pero bigla nalang akong hinila ni Chris at hinawakan. Nakita ko nalang ang biglang pagtadyak ni Angelo kay Mark at hinawakan nila ni Reniel ang magkabilang kamay ni Mark.

"Boss, gawin muna." sabi ni Reniel.

Nakita ko nalang ang mabilis na pagtayo ni Steven. Napasigaw nalang ako ng bigla niyang sinipa si Mark at pinaulanan ng suntok. Sumigaw ako at nagpupumilit na makaalis sa pagkagapos ko kay Chris pero para bang hindi nila ako naririnig. Hindi ako narinig ni Steven na hindi ako pinansin.

Bigla nalang siyang napahinto at napatingin sa akin. Naramdaman ko nalang ang pagbitiw ni Chris sa akin. Nilapitan ko siya at sinampal ko. "Dahil sa ginawa mo, ayoko na talaga. Ayoko na." ang sabi ko.

Nilapitan ko si Mark. "Bitawan nyo siya." sigaw ko kina Reniel at Angelo na sinunod naman nila. Na agad namang sinugod ni Mark si Steven at nakita ko nalang silang nagrambolang dalawa.

Kaya lumapit na ako at hinarang ang sarili para tumigil sila. "Tama na!" tumingin ako kay Steven, "ngayon pinagsisihan ko na nakilala kita. Sana hindi ko nalang pala pinagbigyan ang mga kalokohan mo noon. Sana hindi nalang talaga kita nakilala ng hindi ko na rin sana naramdaman ito." sabi ko at hinila na si Mark.

Naglakad na kaming dalawa papalayo sa kanila.

"Bakit mo ba kasi ginawa din yun?" tanong ko kay Mark habang ginagamot ko ang sugat niya na dumaan muna kami sa may tindahan.

"Gago kasi yung batang yun e, matapang. Marunong dapat siyang lumugar"

"Kahit na, hindi mo na dapat ginawa yun. Ikaw na nga nagsabi diba? Bata?" madiin kong sabi.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon