WAGFIL - 9

1.2K 26 7
                                    

Tintin Ragos POV.

Kumusta na kaya siya? Sana okey lang siya. Masakit pa kaya ang tama sa kanya? Sana makapasok siya. Gusto ko siyang makita at muling makausap.

Pagkapasok ko ng gate ay na tanaw ko si Chris sa hindi kalayuan.  Napangiti ako dahil mukhang okey naman siya. Kaya mabilis akong tumakbo para mahabol siya at makasabay.

"Chris?" Tawag ko.

Lumingon siya. Napangiti ako. Lumingon lang siya na para bang hindi ako kilala ng agad siyang humarap at bumalik sa paglalakad.

Naiwan na lamang akong naguguluhan. Nagtataka. Bakit? Anong nangyari? Akala ko ba okey na? Akala ko ba okey na kami? Bakit parang bumalik sa dati.

Naalog ba ang utak niya kahapon at nakalimutan ako. O isa itong masamang panaginip? Sinampal sampal ko ang mukha ko para magising sa panaginip na ito.

"Tin?" Napahinto ako sa ginagawa at napatingin sa taong nasa harapan ko.

Nakita ko si Gem. May pagtataka ang itsura niya. "Anong nangyari sayo?" Tanong niya.

"Totoo? Hindi ba ako nanaginip?" Hinawakhawakan ko si Gem.  Kinuha ko ang kamay niya at isinampal sa mukha ko.

"Huh?" o_O Pagtataka niya. "Tin, ginagawa mo? Bakit?" Gulat niya sa ginawa ko.

Napahinto ako. Napaisip. Hindi nakapagsalita at tahimik na iniwanan si Gem. Nakasunod lang siya sa akin na kinukulet at tinatanong ako kung ano ang nangyari.

Pagkapasok ko sa loob ng klase ay napatingin ako sa bandang likuran. Nakita ko siyang tahimik na nagbabasa ng libro. Gusto ko siyang lapitan. Kausapin at tanongin. Anong nangyari? Akala ko okey na? Akala ko totoo na? Bakit parang bumalik tayo sa dati?

Nakatulala akong nakatayo sa may pinto habang pinagmamasdan siya ng mapatingin sa pwesto ko ay agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Bakit?

Pumasok ako sa loob at umupo sa pwesto ko. Napatingin ulet ako sa likuran. Magkausap sila ni Gem. Mukhang nakakatawa ang pinag-uusapan nila dahil napapangiti siya.

Magkasundo na nga ata sila. Pero bakit wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa iba? Bakit sa akin? -,-

Nagulat nalang ako ng pagkalingon ko sa harapan ay mukha ni Shai ang nakita ko. Nakaupo siyang pinagtatawanan ako sa reaksyon ko. Napakunot ang noo ko.

"Huwag mo akong asarin ngayon dahil badtrip ako." Sabi ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "Huh? Inaasar ba kita. Haha. May red tide te?" Pang-asar niya.

Tatayo na sana ako para lumabas ng dumating na yung teacher namin kaya napaupo ako ulet. Gusto kong lumabas para iwasan ang pang-aasar ni Shai. Baka di ako makapagpigil at mapatulan siya dahil sa badtrip ko. Baka sa gayun magkaaway pa kami.

"Good morning class. Before anything else, I just have an announcement tungkol sa sinabi ko nung isang linggo." Napatingin ako sa harapan ng may sinabi ang teacher namin.

"It is confirm and approve by our principal na tuloy ang ating fieldtrip. It will be happen last week of this month kaya be ready for the payments sa mga gustong sumama dahil limited lang ito." Narinig ko ang sigawan at hiyawan ng mga kaklase ko na tuwang tuwa sa narinig nilang balita.

"Magkano po ma'am?" May kaklase akong sumigaw.

"The payment is 750 peso  at pakibigay nalang sa treasurer natin." Sagot ni ma'am. "Ms? Ragos?"

"Po?" Napatingin ako sa kanya.

"Please collect the payment of your classmates."

"Sige po ma'am." Sagot ko.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now