WAGFIL - 16

1.1K 26 5
                                    

~

STEVEN POV

Pagkapasok ko kinabukasan, habang naglalakad ako sa may corridor ay napahinto ako ng may marinig ako. Nakita ko ang dalawang tatlong babaeng nakatalikod sa akin na nakaupo sa may tabi.

"Hiwalay nadaw sina Kim at Jason!" sabi ng isang babae.

"Buti nga sa kanya! Hindi naman sila bagay!"

"Ang dahilan daw ay may babaeng involve."

"Ngayon, mararamdaman niya yung pinaramdam niya kay Steven."

Nang pagkaharap ko ay natanaw ko si Gem na paakyat sa may hagdan. Napangiti ako. Napatingin sa hawak kong isang pirasong rosas.

Tumakbo ako para mahabol siya at ng nasa may hagdan na ako ay tinawag ko siya. Napalingon naman siya at napangiting humarap sa akin.

Hindi ba siya galit sa mga inamin ko kahapon? Ewan. Hindi ko alam kung bakit na amin ko iyon. Sadyang hindi ko na talaga maamin yung nararamdaman ko. Sana hindi niya ako layuan.

"Steven?" nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang nabili kong rosas kanina sa labas.

"Para kanino to?" tanong niya na hawak yung rosas.

"Sayo!" sagot ko.

Nang mapatingin siya sa baba ng hagdan. Napatingin narin ako at nakita ko si Kim. Nakatingin din siya sa amin, sa akin. Pero agad niyang nilayo ang tingin sa amin at umakyat na siya. Dinaanan lang kami. Sinundan ko siya ng tingin at bago man siya makaakyat ay napatingin ulit siya sa akin na nagtama ang aming mga tingin.

Nang pagharap ko ay wala si Gem. Umakyat narin pala. Pinigilan ko siya. "Bigay mo sa kanya!" sabi niya sa akin at ibinalik sa akin ang rosas.

"Bakit ko naman ibibigay sa kanya na hindi naman ito para sa kanya kundi para sayo."

"Steven, may tigilan muna nga ako sa kalokohan mo. Magkaibigan na naman tayo diba?"

"Pero seryoso ako sa mga sinabi ko kahapon. Palagi man kitang niloloko at isinasama sa mga kalokohan ko, maniwala kaman sa hindi, seryoso ako. Gusto kita Ms. Villarosa. Mahal na nga ata kita e. Gusto ko pigilan. Pero ayaw e, lalo na sa tuwing nakikita kita. Akala ko wala lang to, na masaya lang tayo nung kasama kita sa kaarawan ko. Pero hindi e, bakit ako nagseselos ng makita kayo ng boyfriend mo kung wala lang to. Bakit ako nasasaktan sa tuwing may kasama kang iba na gusto ko ay ako. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay hindi ko na mapagilan ang damdamin ko para aminin sayo ang totoong nararamdaman ko."

"Stev," ang tanging nasabi lamang niya.

"Gem, kasalanan mo ito e. Kung hindi ka sana dumating sa buhay ko." sabi ko ng bigla nalang may narinig kaming mga palakpak at pagkalingon namin sa baba ay nakita namin sina Shai, Tin at si Chris. Basag moment amp.

Bigla nalang umakyat na si Gem at iniwanan ako. "Kainis" nasabi ko sa tatlo at umakyat nadin ako.

Dumeretso ako sa comfort room. Napatingin ako sa salamin. Naiinis ako. Hindi ko akalaing maramdam ko ulit ito. Bakit sa kanya pa? Bakit siya pa na may nagmamay-ari na sa kanya.

Gawain ko ngayon ang mang-agaw at manggulo ng realasyon bilang ganti. Pero parang hindi ko kayang gawin iyon sa kanya.

Haist. Nasuntok ko nalang ang ang salamin sa harapan ko. Nakita ko ang nagcrack na salamin at unti unteng dumadaloy sa salamin ang dugo sa kamao ko. Hindi ako gumalaw. Pinagmasdan ko lang ang pagdaloy nito.

Nang may biglang pumasok na isang lalaking estudyante. Nang makita ako ay agad namang lumabas sa pinto.

Hinugasan ko na ang kamay ko at pagkatapos ay lumabas na ako pero saglit akong napahinto sa may pinto at napatingin sa kaharap na pinto, ang CR ng mga babae ng may marinig akong paghikbi.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon